C H A P T E R _ 59

25 4 0
                                    

♪ I've never gone with the wind, just let it flow ♪
♪ Let it take me where it wants to go ♪
♪ 'Til you opened the door, there's so much more ♪
♪ I've never seen it before ♪

Five days after Gione's burial, nandito kami ngayon. Nakabilad sa initan. Naglalakad habang sinusundan ang karo na siyang may dala ng ata-ul kung saan tahimik nang nakahimlay ang best friend ko. Ngayon ang araw ng kaniyang libing.

Wala kang maririnig sa mga nakikiramay at nakikilibing kung hindi ang kanilang mga alaala kasama si Gione. Ang kanilang mga pag-iyak at pagkabigla sa mga pangyayari. Ang kanilang lungkot na nararamdaman.

Naging isang mabait na babae para sa mga taong nagmamahal sa kaniya si Gione. Isang kaibigan, isang kapatid, ultimo isang kapitbahay. Naging isang modelo si Gione para sa mga taong patuloy na umaalala at nagmamahal sa kaniyang pangalan.

Kung maibabalik ko nga lamang ang kahapon, bakit hindi? Pero tama nga si Gione. Sa huli, kailangan nating tanggapin na ang lahat ay mayroong hangganan. At ang tangi na lamang nating magagawa kapag naharapa na natin ang hangganang iyon ay ang magpadakip sa hangin at hayaan na natin itong magpasya kung saan tayo nito dadalhin.

I was trying to fly but I couldn't find wings ♪
♪ But you came along and you changed everything ♪

♪ You lift my feet off the ground ♪
♪ You spin me around ♪
♪ You make me crazier crazier ♪
♪ Feels like I'm falling and I'm lost in your eyes ♪
♪ You make me crazier crazier crazier ♪

Patuloy lamang ang pagsaliguygoy ng musika sa hangin. Tamang-tama lamang ang napili nilang kanta. Isang ritmong tumutugma sa alaala ng bawat isang nakikiramay para sa kaniya.

Hindi ko na rin napigilan ang paglandas ng aking luha pababa sa aking pisngi. Mabilis ko namang pinahid ito ng aking mga kamay nang may iabot sa akin si Zon.

"Gamitin mo na," aniya sabay abot sa akin ng kaniyang panyo.

Nginitian ko naman siya at saka tinanggap ang panyong kaniyang inaabot. Ipinampunas ko na ito sa namumugto kong mga mata.

Dahan-dahan kaming lumakad habang hawak niya ang payong na siyang nagsasangga sa amin mula sa init ng araw.

"Tiffany," malumanay na imik ng isang babae na siyang humabol sa aking tabi. Si Alex lang pala. "I'm sorry for your loss..."

Tinanguan ko lang siya at muling bumaling sa harap.

Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga mula sa tunog ng musika.

♪ I watched from a distance as you ♪
♪ Made life your own ♪
♪ Every sky was your own kind of blue ♪
♪ And I wanted to know how that would feel ♪
♪ And you made it so real ♪
♪ You showed me something that I couldn't see ♪
♪ You opened my eyes and you made me believe. ♪


"Tiffany..." muling pagtawag sa akin ni Alex. Ngayon ay katabi na siya na Sy na siyang may hawak ng kanilang payong. Nilingon ko siya habang naglalakad at sinenyasang ituloy na kung ano man ang kaniyang sasabihin.

"Gusto ko sanang humingi sa 'yo ng paumanhin. Sa nagawa kong kasalanan sa 'yo... sa inyo," pagpapakumbaba niya. Napatungo siya. "Sa tingin ko isa ako sa mga dahilan kung bakit pa nangyari ito sa best friend mo at alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng isang matalik na kaibigan," dugtong pa niya sabay tingin kay Zon at pabalik sa akin.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now