C H A P T E R _ 56

21 6 0
                                    

Zon's Point of View

Nandito kami ngayon sa bahay ni Math. Mag-aalas nuwebe na rin ng gabi kakahintay namin sa balita kung nasaan na sina Khaerel at Gione. Kasama na rin namin ngayon sina Sy, Muriela, at CK.

Hindi na kasi sumama si CK matapos silang mailigaw ng van na sinasakyan nina Khaerel. Sinabi na rin kasi ng mga pulis na sila na ang bahala. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang operasyon sa pagta-track ng kinaroroonan nina Khaerel at Gione ng dumukot sa kanila.

Nag-aalala na rin kami. Baka mamaya ay napaano yung dalawang iyon.

"So ano ng gagawin natin dito?" imik ni Alex.

"Alex, can you please shut up? Wala ka namang naitutulong. Baka mamaya kasabwat ka pa rin pala nila," galit namang tugon ni CK.

"Huy, magsitigil nga kayo!" sita ni Muriela. "Hindi nakakatulong."

"Well, I'm sorry. Ako na nga 'tong nagpupumilit na makatulong pero ako pa itong itinataboy ninyo," pagmamatigas naman ni Alex.

"Kaya nga CK. Just let her be, okay?" depensa ko naman.

"So you're protecting her now? Matapos niya tayong ipahamak? Siya ang may kasalanan kung bakit nasa hospital ngayon si Ezra, hindi mo ba alam?!" pagmamataas ng boses ni CK. "What? Dahil girlfriend mo siya? Kaya mo siya pinagtatanggol?"

Hinawakan ko ang magkabilang-balikat ni CK. "Dahil best friend ko siya, okay? What she did, oo hindi na maibabalik iyon and probably hindi na rin maitatama pero kung tutulungan natin siyang maka-move on, may pag-asa pa. Tandaan mo 'yan CK," mahinahon kong pagkakasabi sa kaniya. "Alam kong alam mo 'yan dahil naranasan mo ring mapunta sa sitwasyong 'to kaya dapat ikaw rin ang may alam kung paano ba 'to nasusulusyunan."

Naglaro lang ang mga mata namin sa isa't isa. Walang umiimik, walang pumipigil. Napaawang ang kaniyang mga labi. Hindi ko rin lubos mawari kung bigla nga bang bumilis ang tibok ng aking puso.

Nakita ko ang pamumugto ng kaniyang mga mata kaya lumingon na siya sa ibang direksyon. Inalis ko na rin ang pagkakahawak ko sa balikat niya. Tinanggal niya ang kaniyang salamin at pinunasan ito.

Alam kong nahihirapan na siya sa mga nangyayari. I always thought na meron siyang something for Khaerel but I don't really know. Kaya siguro alalang-alala siya.

"Wala tayong mapapala kung magdadrama lang tayo rito," singit ni Sy. "Siguro kailangan na rin natin silang hanapin."

Sumang-ayon naman kaagad si Math.

"Pero saan naman natin sila hahanapin?" tanong naman ni Muriela.

"Maybe we should call the police," ani Math. "Wala pa silang naibibigay na updates tungkol sa paghahanap nila."

Pagkatapos na pagkatapos sabihin ni Math iyon ay biglang tumunog ang cellphone ni Sy.

"Tita Gielyn is calling," medyo natataranta niyang pagkakasabi.

"Shit," mura ni CK. "Hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya ang mga nangyayari."

"What?" bulyaw ni Alex. "Dali Sy, sagutin mo! Kailangan niyang malaman."

Nanginginig na sinagot ni Sy ang tawag. "H-hello Tita?"

Naglaro ang aming mga tingin, waiting for a response.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now