C H A P T E R _ 41

31 6 0
                                    

Kakatapos lang ng fashion show na ginanap matapos ang mini concert.

I could still feel mg heart throbbing inside my chest. Iniisip ko pa rin yung nangyari kanina habang kumakanta ako.

I slapped myself just to make sure that I wasn't dreaming.

Hindi ako puwedeng magkamali. Si Zon yung nasulyapan ko kanina. And that Vibe, nandito rin siya.

"Hey Colesha," bati sa 'kin ni Dale na bigla na lamang pumasok ng dressing room. Kitang-kita ko mula sa repleksiyon ng salamin ang kaniyang paglapit sa 'kin at akmang hahalik na sana sa 'kin so I waved my hand to stop him mid-air.

"Kakamake-up ko lang," I said with a smirk.

Napakagat siya sa kaniyang labi.

Napabuga ako ng hangin, "Dale, can you do me a favor?"

"Sure. Anything," nakabungisngis niyang sagot.

"Can you be distant from me for a while? Siguro kahit mga dalawang araw? I'm tired of the media already. Lagi nila akong tinatanong kung tayo na ba? Or kung may pag-asa ka ba sa 'kin? Or kung nakapag-date na ba tayo? It's just... awkward. Feeling ko kasi laging may nakabantay sa likod ko, parang laging may naka-espiya. May nang-iistalk ganun," walang preno kong sabi.

Dale crossed his arms over his chest at binigyan niya ako ng isang seryosong tingin. He blew a little chuckle sabay ngisi. "Seryoso ka?"

Napairap ako sa kaniyang sagot. "Seryoso ka rin sa tanong mo?"

Nagkatitigan kami at tila naging paligsahan iyon na dapat walang kukurap sa amin.

"Rhenz! Sandali lang. Ano bang problema mo? Bakit aalis ka kaagad?" dinig kong natatarantang sigaw ni Yhtinia mula sa labas.

Nabulabog kami ni Dale kaya dali-dali kaming lumabas para tingnan ang mga nangyayari.

"I'm going to find Maehn, okay? Sa palagay ko malayo siya sa kaligtasan kaya please lang Yhtinia, 'wag ka na munang lumapit sa 'kin," medyo mabigat na pagkakasabi ni Rhenz at tumakbo na siya palayo.

Hinabol naman siya ni Yhtinia.

"Rhenz, wait!"

"No, Yhtinia! Huwag mo na akong sundan, please," lingon ni Rhenz kay Yhtinia at nakita ko ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. "I swear, kapag hindi ko naabutan si Maehn hindi na kita kakausapin pang muli." His brows furrowed.

"Yhtinia—" lalapitan ko na sana sila ngunit pinigilan ako ni Dale.

Tumigil sa pagtakbo si Yhtinia at napaluhod siya sa sahig, umiiyak. "Rhenz, please. Don't leave me. Nagawa ko lang naman 'yun dahil nagseselos ako sa inyo. Please Rhenz, I'm so sorry. Hindi ko kayang mawala ka sa 'kin. Mahal kita Rhenz, please pakinggan mo naman ako."

Rhenz's knuckles curled at napakagat siya sa kaniyang labi habang dalas na pumatak ang kaniyang mga luha. Tinalikuran niya si Yhtinia. "Ikaw ang gumawa ng sarili mong kinahantungan, Yhtinia."

Iyon ang mga huling salitang kaniyang binitiwan bago muling tumakbo papalayo, leaving Yhtinia soaking in her own tears.

Tsaka lamang kami lumapit ni Dale sa kaniya. Lumuhod na rin ako para mayakap ko siya.

She deteriorated in my arms. Hinagod ko ang kaniyang buhok.

Hindi mo man alam ang buong pangyayari, ang alam ko'y parehong mabigat ang dinadala nila ni Rhenz sa kanilang kalooban. Napaka-selfless talaga nang umibig. You can give without loving, but you can never love without giving and the giving of love is an education in itself.

The Unluckiest Love of AllWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu