C H A P T E R _ 24

58 18 0
                                    

Dali-dali kong pinuntahan si Ma'am Domingo sa covered court para makapagpaalam na mauuna na ako, I mean kami. Kasama ko kasi sina Zon, Jason, Vibe, at Sy. Hindi ko nga alam kung bakit, basta ang alam ko ay kailangan ako ng best friend ko ngayon.

Noong una ay ayaw pang pumayag ni ma'am pero sinabi ni Zon na babalik naman kami pagkatapos. Ewan, basta bahala na. Kaya ayun, pinayagan na kami ni ma'am.

Taga dito naman si Jason kaya alam niya kung saan ang pasikot sikot ng mga ruta dito.

Noong nakasakay na kami ng bus ay doon ko lamang siya natanong. Katabi ko siya at hawak hawak niya ang kamay ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan na akong malaman kung anong nangyari sa best friend ko.

"Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya isinugod sa hospital basta ang sinabi sa 'kin ni Vry ay isinugod daw si Gione sa hospital, sa Doctor's Hospital daw," paliwanag ni Jason.

"Sana naman ay ayos lang siya," bulong ko sa sarili.

Mas lalong hinigpitan ni Jason ang pagkakahawak niya sa aking kamay, "Everything's going to be fine, tiwala lang."

I forced a weak smile. Gione...

*    *    *

Pagkababang pagkababa namin ng bus ay aligaga akong dumiretso sa entrance ng hospital. Agad kong nakita doon si Vry kasama si Ezra.

"V-Vry... anong nangyari?" pautal-utal kong tanong.

Si Ezra ang sumagot, "Kasama ako ni Gione. Lumabas kami ng school para bumili sana ng lunch dahil ayaw namin ng lunch sa canteen and then," pagpuputol niya bago isa-isang pumatak ang mga luha niya. "M-may dalawang lalaking nakamotorsiklo. Bumunot ang isa sa kanila ng baril p-pagkatapos..."

"Pinaputok ng lalaki ang baril," pagpapatuloy ni Vry.

"A-ako dapat ang tatamaan no'n p-pero... h-humarang s-si Gione at siya ang natamaan," pautal-utal na pagkikwento ni Ezra habang sunod-sunod na pumapatak ang kaniyang mga luha. "I-I f-felt sorry for her. A-ako d-dapat ang tatamaan noon."

Niyakap ko siya at doon siya umiyak sa balikat ko. Napaupo kami sa sahig. Yumakap na rin si Vry.

Isa-isa na ring pumatak ang aking mga luha habang humihikbi. Unti unti nang lumalabo ang aking paningin na tila ba nakatitig na lamang ako sa kawalan.

G-Gione... Sorry...

Hinigpitan ko ang aking pagkakayakap kay Ezra at sabay naming ibinuhos ang aming mga luha habang nangangatal.

"S-sorry..." bulong niya pa sa akin.

She let go of me at nagpahid na ng kaniyang mga luha. Lumuhod sa aking tabi si Sy at niyakap ako. Doon sa piling niya ako patuloy na lumuha.

"She's in the emergency room. Ginagawa na ang operation ng pagtatanggal ng bala na bumaon sa kanang bahagi ng kaniyang likuran. Nandoon si Sir Bu at Sir Gudin."

Patuloy lamang ako sa pag-iyak habang inaalala ang nga masasayang alaala namin ni Gione.

*    *    *

"Isa kang malaking kapalpakan, alam mo ba 'yon?" tuloy tuloy ang panghahampas sa akin ni Khaerel ng pinggang pinaglagyan ng natapon niyang spaghetti, natapon dahil sa 'kin, dahil sa katangahan ko. "As a slave, you're way dumber as I thought. Simpleng pagbibigay lang sa 'kin ng pagkain 'di mo pa nagawa? This is for you, for being such a failure!" paninigaw niya sa 'kin habang binubuhusan niya ako ng kaniyang chocolate drink habang ako? Nakaupo sa sahig habang naiyak, tinatanggap ang katarantaduhang ipinamamalas sa akin ni Khaerel. I'm weak and worthless, wala akong magawa. I was such a failure, a laughingstock.

The Unluckiest Love of AllNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ