C H A P T E R _ 17

93 25 0
                                    

"You deserve to know the truth, hija," ani Tita Trinity. "After all, matured ka na. You can make an impression out of revelations."

Tila naging manhid ako nang dahil sa mga sinasabi niya pero inihanda ko na ang aking sarili sa mga bunyagang magaganap.

"The letters were from us," paunang sabi ni Tito Pol. "Kami ng sumulat noon pero ang ginawa naming point of view ay sa mga magulang mo. We used some of your schoolmates para maipaabot sa 'yo ang sulat."

"Nasa school ka ng mga panahong una silang dumayo dito," kwento naman ni Mama Fhanie. "They were looking for you at kinabahan na talaga ako dahil alam kong sila na ang susundo sa 'yo. You see, I adopted you from your parents dahil hindi na nila kayang palakihin ka ng malusog nang dahil sa kahirapan. Gusto nilang bigyan ka ng magandang pamumuhay at ako, bilang kaklase ng iyong ina ay pumayag na lamang tutal ay hindi naman na talaga ako magkakaanak dahil hindi ko na naisipan pang mag-asawa ulit nang mamatay ang asawa ko. Pero bago pa man sila makaalis ay sinabi nilang gagawa sila ng paraan para mapaangat muna nila ang inyong pamilya mula sa kahirapan at kapag nangyari iyon ay tsaka ka nila ulit kukunin." Nakikita kong namumula na ang mga mata ni mama at nagbabadya nang pumatak ang kaniyang mga luha.

"Your parents went to Canada at doon na sila nakapagtayo ng negosyo hanggang sa yumabong ito at nakilala bilang Connie Fashions. It was named after you, Colesha," ani ni Tita Trinity.

Ako nga si Colesha Connie. Pero paano? Ang gulo talaga ng mundo ko. Ganoon na ba ako kamiserable?

"That was your birth name," paglilinaw ni Mama Fhanie. "I renamed you just so to hide you from the memories that might creep in your mind. Alam mo na, yung mga alaalang pinagsibulan mula sa iyong pagkabata. Nahihirapan man at nakokonsensiya, nagawa ko pa ring magsinungaling maprotektahan lang kita kasi baka mamaya maglayag ka na papalayo kapag nalaman mo na ang totoo" Dama ko ang lungkot sa boses niya na tila nagbibigkis sa aming mga damdamin kahit pa siya'y pangisi-ngisi.

Niyakap ko si mama habang nahikbi ng iyak at paghagikhik, "Si Mama talaga, ang emotera." Mahigpit ko siyang binalot ng aking yakap. Bakit ba kasi kung kailan kuntento na ako sa aking buhay ay kailan pa nagsisulputan ang mga complication? Tunay ngang isang istorya ang buhay, ang daming twist na nararapat lamang tanggapin. We're the authors yet we're still the readers, nalalabi lang ang sumusuporta talaga.

May naramdaman akong pagtapik sa aking balikat na siyang ikinalingon ko. Si Tita Trinity pala.

"Colesha..."

"T-Tiffany na lang po muna itawag niyo sa akin." Hindi pa rin talaga kasi ako handa, at sanay, sa pagtawag nila sa 'kin gamit ang tunay kong pangalan na bigay sa akin ng tunay kong mga magulang.

"Tiffany, alam kong hindi ka pa handa sa mga nangyayari pero sana ay maintindihan mo rin ang tunay mong landas. Ito ang nakadampi sa kamalayan mo pero dahil nakikita ka naming hindi pa handa ay hahayaan ka muna naming magdesisyon para sa sarili mo," ani ni Tita Trinity na ikinabulong ko naman ng salitang bibihira na lamang maimik ngayon, "Salamat."

"Masyado nang mahaba ang nakalipas na panahon at heto ka ngayon. Mapa-Tiffany man o Colesha ang iyong pangalan, ikaw at ikaw pa rin iyan. Hayaan mo, hindi namin pababayaan ang kumpanyang nararapat na para sa iyo basta't huwag kang matatakot na lapitan kami kung saka-sakaling dumating ang panahong maging handa ka na para harapin ang itinadhana sa iyo, sa atin. Sa ngayon, ihahabilin ka muna namin sa kamay ng iyong Nanay Gomez habang ikaw ay nasa ikasampungbaitang pa lamang. Pagbutihin mo ang iyong pag-aaral, ha? Nandito lang kaming lahat, susuporta kami sa mga bagay na ikaliligaya mo," dagdag pa niya habang ako ay hindi pa rin maisunod ang aking damdamin sa pagpintig ng aking puso. Humalik sa akin si Tita Trinity at ramdam na ramdam ko ang concern at ang pag-aalala niya. Hinawakan naman ni Tito Pol ang aking kamay nang mahigpit at tinitigan ako ng tila nag-aapoy niyang mga mata na siya namang ikanatatag ko.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now