C H A P T E R _ 50

27 5 0
                                    

Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid matapos akong hilahin ng isang lalaking nakaitim at nakasumbrero. Hindi ko siya kilala ngunit isa siyang malaking tao kaya hindi siya makapanlaban.

"Miss, ikaw yung may-ari ng malaking kumpanya ng mga damit 'di ba?" sabi nung lalaking humila sa akin. Hindi na ako nakasagot kaagad dahil mabilis niya akong sinakal sa kaniyang bisig. "Puwes kailangan mo nang maglabas ng pera ngayon kug ayaw mong matuluyan ang tao dito sa paligid," pananakot niya habang isa-isang tinutukan ng baril ang mga taong nakakasaksi sa paligid.

I was choking at nahihirapan na akong kumilos.

"Hoy ikaw! Anong ginagawa mo? Tatawag ka ng pulis ano? Ibaba mo 'yang telepono mo kung ayaw niyong matuluyan lahat," sita muli ng lalaking hawak ako ngayon bilang hold-up niya doon sa isang babaeng akmang da-dial na sana.

"H-hindi ako k-k-kuya y-yung tinutuk-oy mo..." pautal-utal kong sabi dahil hindi na talaga ako makahinga ng maayos. "W-wala p-po akong p-pe-ra..."

"Ah ganun ha?! Nagmamatigas ka?!" galit niyang pagsinghal sabay kaladkad sa akin sa kung saan. "Hoy! Walang tatawag sa inyo ng pulis kung ayaw niyo rin matuluyan 'tong babaeng 'to!"

Mas lalo akong nasakal sa kaniya habang kinakaladkad niya ako pero bigla akong nakaramdam ng ginhawa ng marinig kong dumaing sa sakit ang lalaking nang-hold-up sa akin. Nakawala ako sa malalakas niyang mga bisig at hinimas-himas ang aking leeg sa sakit. Napaubo-ubo pa ako ng kaunti habang napaupo sa sementadong lupa.

"Ayos ka lang ba?" lapit sa akin ng isang babaeng hindi ko kaagad namukhaan at siyang umalalay sa akin. Nang maitayo niya ako ay tsaka kami nagkaharap. "A-Alex?"

Narinig ko pa rin ang pagdaing nung lalaking sumakal sa akin at nakita si Zon na nakikipagbuno sa kaniya. Isang suntok doon, isang sipa rito. Nanlaban din ang holdaper at nasuntok si Zon sa sikmura kaya napasigaw ako. Sumugod ako papalapit sa kaniya at inalalayan siya.

"Zon! Tiffany!" tawag din ni Alex na siyang akmang papalapit na rin sa amin ngunit mabilis siyang nakuha ng holdaper at inipit din siya sa kaniyang bisig. Tinutukan niya ito ng baril sa ulo at tumirik ang kaniyang mga mata sa amin.

"Sige, lumapit kayo sa akin kung hindi tutuluyan ko itong kasama niyo," pananakot niya.

Nangngitngit ang mga ngipin ni Zon at akmang susugod na ulit ngunit pinigilan ko siya.

Napasinghal naman ang holdaper. "Taas-kamay!" Sumunod na lang kami sa gusto niya at nagtaas kami ng kamay. "Miss, ibigay mo na kasi ang hinihingi ko para matapos na ang lahat," mayabang niyang pagkakasabi.

Hindi ko siya matingnan ng diretso sa mata. "M-magkano ba ang kailangan mo?"

"'Yan! Susunod ka rin naman pala, e. Bente mil."

"Tiffany," bulong sa akin ni Zon.

"It's okay, Zon. I-I can handle this," tugon ko sa kaniya. "Pero bago ko ibigay, pakawalan mo muna siya," utos ko sa holdaper habang pilit pa ring nagpupumiglas si Alex. Naging mas agresibo ang holdaper kaya dahan-dahan na akong lumapit to give him the assurance na ibibigay ko ang gusto niya.

"Ibigay mo sa akin ang pera at pakakawalan ko siya."

Sunod-sunod na hininga ang aking pinakawalan. Medyo kinakabahan ako sa mga mangyayari. Dudukot na sana ako ng pera sa aking wallet nang tumunog ang aking cellphone.

Mas lalong sinakal ng holdaper si Alex habang nakatutok pa rin ang baril sa kaniyang ulo. Umalpas na ang mga luha niya.

"Huwag mong sasagutin 'yan," galit niyang pagkakasabi.

"Tantanan mo sila!" sigaw ng isang tao mula sa likuran ng holdaper bago pa ito mahampas ng kahoy mula sa likuran. Nagsisisigaw sa sakit ang lalaki habang nakadapa ito sa lupa. Mabilis na lumapit si Alex kay Zon habang umiiyak. Nang ibaling ko ang aking tingin sa nanghampas doon sa lalaki ay nanluwa ang aking mga mata.

"Tiffany!" patakbo siyang lumapit. Mahigpit niya akong niyakap at ramdam ko ang haplos ng kaniyang luha sa aking damit.

"Gee," bulong ko.

"Tiffany, tara na!" lapit naman sa akin ni Khaerel kaya kumawala na kami ni Gione sa yakap ng isa't isa. Ngayon ay dinadakip na ng mga tanod ang lalaking nang-hold-up sa akin.

Hanggang ngayon ay hindi ko maialis ang tingin sa lalaking kasama nina Khaerel at Gione na siyang umupak doon sa holdaper.

Nilapitan na rin niya kami, "Ayos lang ba kayo? Wala bang nasaktan?" Halatang alalang-alala si Vibe dahil sa nangyari sa amin.

Mabilis naman akong tumango. "Huwag kayong mag-alala, ayos lang ako," tugon ko sabay baling kina Zon. Nakayakap pa rin sa kaniya si Alex na halatang natakot pa rin sa mga pangyayari.

"It's great to hear pero kaiangan na talaga nating magmadali, Tiffany. Baka abutan nila tayo rito," natatarantang sabi ni Khaerel. Medyo naguluhan na ako sa kaniyang sinasabi. "Tinawagan ko na sina Dale at Sy. Sinabi ko kung saan tayo magtatagpo-tagpo."

"T-teka. Ano bang nangyayari?" naguguluhan kong tanong.

"Mamaya na natin 'yan pag-uusapan, Tiffany. Basta kailangan muna nating makaalis, okay?" ani Gione na halatang balisa na rin dahil sa mga nangyayari.

"Teka, sasama kami," biglang singit ni Zon mula sa likod.

"Zon, huwag na. Dito na lang tayo. Huwag na tayong makisawsaw sa kanila," pagpigil naman ni Alex sa kaniya. "Paano kung mapalagay na naman tayo sa peligro nito?"

"Alex, please. Kung ayaw mong sumama, ihahatid muna kita sa bahay. For now, kailangan kong sumama kay Zon. Ayaw ko na siyang mawala ulit," diretso niyang pagkakasabi kay Alex na ikinasinghap naman niya.

"A-anong—"

"We'll talk later, okay?"

"Guys, wala na tayong oras. Tara na!" sabi ni Vibe.

"Hindi, sasama ako kung sasama ka," pagbabago naman ng isip ni Alex.

"Tiffany, Muriela texted me. Kitain daw natin sila sa Renegade. She's with Vry and Ezra. May alam daw silang secret hideout," balisang sabi ni Khaerel kaya dali-dali na kaming kumilos.

Kabado man at walang alam sa mga nangyayari ay nakisakay na ako. Mabilis kaming pumara ng dalawang tricycle para makalabas sa lugar na ito. Kung ano man ang mangyari sa amin, Lord, gabayan niyo nawa kami.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now