C H A P T E R _ 8

146 31 0
                                    

Pagod na pagod akong nagpagulong-gulong sa aking kama. Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina. I can't believe that I'm actually socializing!

Grabe Tiffany?! Bano lang?

Nagtakip ako ng unan sa mukha habang nagtalukbong ng kumot nang maramdaman kong papasok si mama sa kwarto ko.

Nakaramdam ako ng paglubog ng foam sa tabi ko. Nagtanggal ako ng talukbong at nakita ko si mama na nakaupo sa gilid ng akimg kama.

"'Di ka ba makatulog 'nak?" malambing na tanong sa 'kin ni mama habang nag-aalala. Naikwento ko kasi sa kaniya yung nangyaring pamamalit sa 'kin kanina nang biglaan kaya parang kanina pa siya alalang alala sa 'kin. Siguro isa na rin iyon sa mga dahilan kung bakit 'di ako makatulog.

"Hindi naman po, kakahiga ko lang po ulit kasi," pagdadahilan ko, which is another half lie. Tumayo nga ako pero para tumalon sa kama ko nang paulit-ulit kaya technically, kakahiga ko lang talaga para magpagulong-gulong.

Walang pasabi si mama na humalik sa noo ko tsaka ngumiti.

Medyo nailang naman ako before blurting out, "Ma! Sixteen years old na ako, 'di na ako bata!"

"Alam ko pero kahit pa gaano ka na katanda, you would still be my one and only daughter. Baka malay mo, it's my last time to kiss you like that," malambing niyang sabi.

"Mama naman eh! Huwag naman kayong magsasalita ng tapos," pag-aalboroto ko sabay yakap kay mama habang nangingilid ang aking mga luha.

"Sus!" sambit niya habang hinahagod ang likod ko. Bumitiw na kami sa isa't isa.

"O siya, tulog na ha. Huwag nang magpupuyat," aniya at tumango na lang ako.

Lumabas na siya ng kwarto bago nagsabi ng isang malambing na 'good night' at 'I love you.' Bibihira na para sa mga anak at magulang na maglambingan ng ganoon.

Now I see why I don't bother finding a love life. Because I love my mom, and without her I won't have a life.

Napangisi ako sa ka-cheesy-han ko bago nahigang muli. I was about to close my eyes nang biglang tumunog ang cellphone ko mula sa gilid ng aking unan.

"Ugh! Sino naman ang magtetext ng ganitong dis-oras ng gabi? Alas-diyes na ah," pagmamaktol ko. Gusto ko na talagang magpahinga.

Napakunot ang noo ko nang makita kong kay Gione lang pala galing ang text.

'Paubos na load ko bessy, mag-online ka na lang. 'Di ako makatulog eh!'

Problema nitong babaeng 'to?

I didn't bother to reply her kasi wala rin naman akong load. Tila ba nawala ang antok ko kaya napabukas na lang din ako ng messenger at noong masagap na ng phone ko ang internet connection ay sunod sunod na tunog ng notification ang rumatrat sa 'kin kaya dali-dali kong nilagay sa silent mode ang phone ko. Marinig pa ako ni mama baka bigla pa akong sugurin noon.

Binuksan ko na lang ang chatbox namin ni Gione nang manahimik na siya.

• Me •
Same...

'Yan lang ang tipid kong reply sa mga pinagchachat niya sa 'kin. Nakakatamad kayang magbackread.

Nakita ko na ang tatlong tuldok sa screen depicting na nagtatype na siya ng irereply.

• Gione •
Seriously bessy? Nakahanap ka na ng sa tingin mong makaka-forever mo? Unbelievable!

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang reply niya sa 'kin.

Ano daw?

Nagbackread ako ng kaunti at kung anu-anong kahibangan pala tungkol kay Vibe ang pinagkikwento niya sa 'kin. Ang bilis naman yata niyang mag-type?

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now