C H A P T E R _ 60

24 5 0
                                    

"Pol!" tawag ni Tita Jeanette kay Tito Pol nang makita niya ito sa waiting lounge na malapit sa emergency operating room.

Si Mama naman ay mabilis na isinakay sa stretcher at idineretso sa isa pang emergency room. Hindi ko alam kung sino uunahin kong puntahan.

Hahabulin ko na sana ang mga nurse na siyang nagdala kay Mama na nakasakay sa stretcher nang hilahin ako ni Zon pabalik.

"Hintayin na lang natin sila rito," mahinahong sabi sa akin ni Zon.

"Hindi Zon, kailangan kong puntahan si Mama doon. Kailangan kong alamin kung anong kalagayan niya," pagmamatigas ko habang pilit na kumakawala sa kaniyang pagkakahawak sa aking braso.

Muli niya akong hinila. "Tiffany, makinig ka sa akin," ngayon ay sa balikat na niya ako hinawakan. Nagkatamaan ang aming mga paningin. "Ligtas si Tita, okay? Hayaan na muna natin ang mga doktor ang umasikaso sa kaniya. Ang kailangan nating gawin ngayon ay ang maghintay at ipagdasal siya, ha? Walang magagawa ang pag-aalala natin ng ganito. Napagdaanan na natin 'to, Tiffany. Hindi pa ba tayo nasanay? Magpakatatag ka. Magpapakatatag tayo, ha?"

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin ngunit bigla akong nagkalakas ng loob sa mga sinabi niya. Mabilis akong napatango bago ako napayakap sa kaniya.

Inihilig ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. Ramdam ko ang kaniyang kamay na siyang humahagod sa aking buhok at likuran.

"Tiffany," rinig kong pagtawag sa akin ni Tita Jeanette kung kaya't kumalas na ako sa pagkakayakap kay Zon.

Nakita ko rin ang mabilis na paglapit nina Vibe, Khaerel, at Rhizia sa amin.

Nang harapin ko siya ay kasama na niya si Tito Pol sa kaniyang likuran. Parehong malungkot ang ekspresyong mababakas mo sa kanilang mga mukha.

Pigil na pigil ni Tita Jeanette ang kaniyang pagluha. Ganoon na rin si Tito Pol. Alam ko na kung ano ang sasabihin nila.

"Jason... He didn't make it..." malungkot na sabi ni Tito Pol.

"A-ano?" tila hingal na hingal na pagtatanong ni Rhizia. "Tama po ba y-yung narinig ko?"

Kagat-labing napayuko si Tita Jeanette. Mariin namang napapikit si Tito Pol bago dahan-dahang tumango.

Tuluyan nang napahagulhol si Rhizia, "Nasaan siya?"

"Dinala na ang katawan niya sa morgue," lunok-laway na tugon ni Tito Pol.

Napailing si Rhizia bago kumaripas ng takbo patungong morgue.

"Rhizia!" sigaw naman ni Khaerel bago niya ito sinundan. Mabilis din naman siyang sinundan ni Vibe.

Another life... Gone.

At isa na naman siya sa mga taong naging mahalaga para sa akin.

Bigla na namang nanghina ang aking buong katawan. Inalalayan naman ako ni Zon na makaupo sa isa sa mga upuan dito sa lounge ng hospital.

Kitang-kita ko ang mga naaawa nilang mga mukha. Alam nila kung gaano kabigat para sa akin ang mga sunod-sunod na nangyayari.

Si Ezra, nasa hospital pa rin. Hindi na nga nakadalo si Vry kahit sa burol man lang ni Gione dahil sa nangyari kay Ezra pero bumati naman siya ng kaniyang pakikiramay sa pamamagitan ng pagtawag. And then, si Gione. Nawala na ang best friend ko. Ngayon, buhay naman ni Jason ang nawala. At ngayon, si Mama. Ni hindi ko pa alam ang kalagayan niya ngayon. Kung mabubuhay pa ba siya o ano.

Sa sobrang pagkagulo ng aking isipan ay isinubsob ko na lamang ang aking mukha sa aking mga palad. Doon ko iniiyak lahat. Lahat ng aking pagkalungkot. Lahat ng aking galit. Lahat ng aking paghihinagpis. Lahat ng kamalasan ko. Lahat idinaan ko na lamang sa pag-iyak.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now