C H A P T E R _ 28

57 9 0
                                    

Nawiwindang ako sa aking nakikita. Hindi 'to pwede, namamalikmata ba ako?

"V-Vibe?"

Napakaimposible talaga. Si Calvin Vibe Guadalupe? Nangidnap ng isang tulad ko?

Hindi ko na nainda ang aking sakit na nararamdaman dahil sa aking nasasaksihan. Hindi 'to pwede. Naniniwala akong hindi 'to totoo.

Hinawakan niya ang aking baba at iniangat niya ang aking ulo as he kneeled before me. Medyo napaatras ako dahil nakikita ko ang naninibugho niyang mga mata maging ang mga tinatangka niyang sikreto sa likod ng kaniyang mga kurap. Nanindig ang aking mga balahibo nang siya'y ngumiti.

Pakiramdam ko'y may kakaiba sa kaniya. Hindi siya ito.

Gustuhin ko man siyang itulak ngunit parang 'di ko magagawa. Nanghihina ang aking buong katawan.

"Your lips..." bulong niya kaya't mas lalong nagsitayuan ang aking mga balahibo. Nangatal ang aking mga labi kasabay ng panginginig ng aking mga braso na siyang sumusuporta sa aking buong katawan. Iba ang nalanghap kong amoy mula sa kaniyang bibig.

Alak.

Nakainom siya.

"V-Vibe p-please huwag mong gawin sa 'kin 'to. A-ayaw ko nang maranasan pa ang nangyari sa 'kin dati," mahina kong bulong sa pagitan ng bawat hikbi.

"Tiffany," bulong niya na nasundan ng isa na namang nakakalokong ngiti. Naramdaman ko ang pagkalikot ng kaniyang isang kamay sa aking likuran habang nakapisil pa rin ang kaniyang isa pang kamay sa aking baba at tila may pinunasan sa aking labi.

Dahan-dahang lumapit ang kaniyang mukha sa akin na siyang ikinalunok ko ng sariling laway. Matapos noon ay pwersahan niya akong itinulak upang mapahiga ako ng tuluyan sa sahig. Doon niya ibinaon ang kaniyang mukha sa aking leeg habang ramdam ko ang kaniyang paghalik.

"Vibe! Ano ba, layuan mo ako!" pagpupumiglas ko habang nagsisisigaw. Pilit ko siyang inaalis sa aking ibabaw ngunit sadya siyang malakas. Ikinulong niya ang magkabila kong braso sa mahigpit niyang pagkakakapit sa sahig. Wala na akong nagawa kundi ang magpakawala ng luha at ng mga ungol ng paghihinagpis.

Inupuan niya ang aking binti at doon niya tinuluyang hubarin ang kaniyang suot na hoodie at sando. Hindi na ako nakatakas pa dahil sa lubos na panghihina.

Doon na niya ulit itinuon ang kaniyang mga kamay sa aking mga balikat at ipinagpatuloy ang kaniyang maruming gawain.

Akala ko ay leeg na niya ulit ako pupunteryahin kung kaya't napapikit ako nang husto ngunit naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang mga labi sa aking mga labi kung kaya't bigla akong natauhan at naitulak ko siya ng boong pwersa dahilan para mapaalis ko siya sa ibabaw ko.

"Walang hiya ka," angal niya habang agresibong bumalik papunta sa akin ngunit bago pa man niya ako patungan ulit ay natulak ko siya gamit ang aking mga paa at doon na ako nakatayo at nakatakbo kahit paika-ika. Ngunit bago pa man ako makalabas ng pinto ng nahablot na naman niya ang aking braso at pwersahan akong itinuon sa pader.

Sunod-sunod na paghinga ang aking pinakawalan.

"Tatakas ka pa ha," agresibo niyang sabi sa pagitan ng pagtadtad niya ng halik sa aking leeg at batok. Humigpit ang kaniyang kapit sa aking balikat at ramdam ko ang pilit niyang pagtanggal sa aking damit. Napakagat na lamang ako sa aking labi.

Ibinuhol na rin niya ang kaniyang hita't binti sa akin kung kaya't tila naparalisa ang buo kong katawan sa kaniyang kahalayan. Wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak sa kaniyang pinaggagagawa.

Tumigil siya pansamantala and he dug deeper into my eyes using his lusty ones. Halos umusbong na ang bra ko sa pagkakapwersa niya sa suot-suot kong damit.

The Unluckiest Love of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon