C H A P T E R _ 40

46 6 0
                                    

Zon's Point of View

Mag-aalas singko na kaming nakarating ni Alex sa tutuluyan naming bahay sa Barangay Toro-Toro dito sa Quezon City.

"Number 304, Oliveras' Residence," sambit ni Alex sa guard mula sa bintana ng taxing aming sinasakyan.

Pinaraan kami ng guard papasok ng isang malawak na residence's subdivision.

Ito pa lamang ang unang beses kong pagpunta rito. Ang sabi sa 'kin ni Alex, rest house lang daw nila ang naririto at housekeeper lamang ang natao sa bahay na iyon.

Wala naman akong nasabi sa kaniyang nga kinikuwento.

Nang makababa na kami ng taxi ay agad na itong binayaran ni Alex at diretso siyang nag-doorbell sa isang malaking bahay.

Mayroon itong simpleng kulay brown na gate na diretso sa garahe na siyang katapat mismo ng front door. Kulay puti ang exterior ng bahay na may brown grills. Ang linis tingnan.

Pinagbuksan kami ng isang babae. Siya siguro yung housekeeper. Matanda na rin siya.

"Hello po Aling Tere," si ni Alex sabay mano.

"O Alexandria," bati sa kaniya ni Aling Tere na may ngiting nakapaskil sa kaniyang mukha. "Napadaan ka rito."

Humagikhik si Alex, "Naku po Aling Tere, actually po, dito kami tutuloy nitong si Miles."

Sinipat ako ng tingin ni Aling Tere

"Ay siyanga po pala Aling Tere," sambit ni Alex, "Si Zon Miles po pala, boyfriend ko po."

"Mano po," magalang kong pagkakasabi.

"Ay kaawaan ka ng Diyos. Ay tara, pasok na kayo," anyaya ni Aling Tere kaya pumasok na kami. Hila hila ako ni Alex papasok hanggang sa pinaupo niya ako sa isang malawak na sofa.

Namangha ako sa loob ng bahay. Simpleng puti lang talaga ang loob, sobrang linis tingnan. Ang lawak ng sala set at saka tanaw mula rito ang dining area na siyang kaharap ng isang malawak na salamin. Tanaw din mula rito ang kanilang wine cupboard. Sosyal.

Isang hagdan naman ang pumapagitan sa magkabilang silid. Ang pansin ko lamang sa kanilang sala'y wala silang telebisyon.

"Miles, here. Have a drink," alok sa 'kin ni Alex sabay abot sa 'kin ng isang glass ng juice.

"Ma'am Alexandria, may gusto po ba kayong kainin? Ano po bang gusto niyong ipaluto?" tanong ni Aling Tere mula sa kusina.

"Naku po Aling Tere, maya-maya po muna kayo magluto. Busog pa po kami. Kapag hapunan na lamang po para sabay-sabay na po tayong kakain," nakabungisngis na sagot ni Alex.

"O sige Ma'am. Maglilinis lamang po ako ng mga gamit dito. Kung gusto niyo po Ma'am ay doon na po muna kayo sa taas. Nilinis ko na po ang lahat doon," ani Aling Tere.

"Sige po Aling Tere," sagot naman ni Alex sabay tingin sa 'kin ng mayroong ngiti sa kaniyang mga mata't labi. "Tara sa taas, may T.V. doon. Baka gusto mong manuod ng sine," anyaya ni Alex sa 'kin.

Tumango na lamang ako at tumayo. Dinala ko muna ang baso sa kusina.

"Ay Sir Miles, ilagay niyo na lamang po diyan sa mesa at ako na po ang bahala," usisa ni Aling Tere.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now