C H A P T E R _ 9

107 31 0
                                    

Saturday. The day I considered as my leisure day.

Nagpaalam ako sa minamahal kong ina na gagala kami ni Gione sa SM. Wala lang, window shopping lang at manunuod lang ng sine at wala namang angal si mother dear doon. Basta huwag lang daw akong lalagpas sa curfew kong alas nuwebe ng gabi. Binigyan na rin niya ako ng perang magagastos bago rumampa paalis.

Sinundo ko si Gione sa bahay nila na hintay na hintay sa kanilang terrace. Nakasuot siya ng ripped jeans at casual na black tee na may tatak na 'Untouchable.' Ako naman, naka jeans lang na tinernuhan ng isang gray na pocket tee.

Dali daling nagpaalam si Gione sa kaniyang kuya bago niya ako tuluyang hinila. Nakita ko namang nakasandal lang yung kuya niya sa doorway at tumango lang siya noong nilingon ko siya bago tuluyang bumalik sa loob ng kaniang bahay.

Sumakay na kami ng jeep na diretsong papunta ng SM at medyo pahirapan din kaming sumakay kasi ang gusto nitong best friend kong ito ay yung kakaunti lang ng sakay na pasahero. Hindi sa maarte siya pero dahil may trauma siya sa maraming pasahero.

Ganito kasi 'yun. Sabado rin 'yun at papunta kamimg SM. Noong mga panahong iyon ay ang main reason talaga namin ni Gee kung bakit kami maggagala ay para raw maibsan ang galit ko kay Khaerel and it's effective for me.

So eto na nga, nakapara kami ng jeep na punum-puno ng pasahero at nauna akong sumakay at noong paakyat na siya ay biglang umaandar ang jeep at natumba siya sa isang pasahero. 'Yung tipong mala-fairy tale na pagtumba. 'Di ba? Ganoon kakiri ang best friend kong ito.

Tapos natawa ako nang makita ko kung sino ang nakasalo sa kaniya. Isang lalaking nasa forties na yata at kalbo at may bungi. Nakasando lang pati siya at mukhang pawis na pawis.

Nanlaki ang mga mata ni Gee noon at 'yung expression niya? 'Yung parang maluluha na masusuka. Nagpipigil na ako ng tawa noon. Tapos pagtayo niya ay nakita niyang puno na ang jeep at wala nang mauupuan.

Nag-offer pa si kuyang kalbo na kandungin na lang siya pero napa-eew na lang si Gione.

Huminto ang jeep ay mayroong mga pasaherong bumaba tsaka kumaripas si Gione ng upo si Gione ko habang napapaluha. Ako naman, tawang tawa lang sa kaniya.

Kaya ayun! Na-trauma siyang sumakay sa mga jeep na puno ng pasahero. Natatawa na lang ako tuwing naaalala ko 'yun at nagagalit naman si Gione sa 'kin.

Habang nasa biyahe kami papuntang SM ay napatalak na naman si Gione, "So bessy, what do you think of my story kagabi?"

"Story? You mean kakirihan," pang-aasar ko.

"Ito naman! Selos ka lang eh!" sabi niya sabay baling ng tingin sa phone niya.

Natigilan ako bigla sa sinabi niya at napansin ko na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

'Selos ka lang eh...'

Huminga ako ng malalim.

Think straight girl, huwag kang magpapadala...

"Oh, natahimik ka yata?" si ni Gee sa 'kin nang mapansin niya akong hindi na sumagot sa sinabi niya.

"Wala... May naalala lang ako," pagdadahilan ko na lamang.

"At ano naman ang naalala mong iyon, aber?" pag-uusisa niya.

"Na may gusto na pala ako kay Vibe..."

Tila binulungan ako ng aking konsensya na siya namang ikinabilis ng tibok ng aking puso. May naramdaman din akong pangingiliti sa aking sikmura. At tila naramdaman ko na ring mag-init ang aking mga pisngi. Napatingin naman ako sa nagtatanong na mukha ng best friend ko na tila nag-aantay ng aking sagot.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now