C H A P T E R _ 29

61 8 0
                                    

In my perspective, everything was a blur. Paulit-ulit kong kinurap ang aking mga mata, seeing nothing but the boring ceiling of this hospital.

When I was fully awakened, I situated myself in a sitting position. Nakita ko si Rhizia by my side, along with Jason and Muriela.

"Tiffany, ayos ka lang ba?" bungad sa 'kin ni Jason habang inaalalayan akong makabangon para makaupo.

"I'm fine," ani ko gamit ang isang nanghihinang boses. I scanned the whole place. "Nasaan si mama?"

"She went out, bibili raw ng pagkain mo," walang buhay na sagot ni Rhizia. Biglang kumalam ang aking sikmura.

I sighed bago sumandal sa aking pagkakaupo sa kama. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Wala ako sa mood makipagtalaktakan ngayon sa mga malditang ito pero ng ipinagtataka ko lang ay kung bakit ba sila nandito?

"Alam kong nagtataka ka kung bakit ba ako nandito ngayon," out of the blue na imik ni Rhizia kung kaya't bigla akong napamulat at napatingin sa kaniya pero nakatutok pa rin siya sa kaniyang binabasa. "Last night, I got a call," panimula niya kaya pinakinggan ko pa ang mga susunod niyang sasabihin.

"Kalagitnaan ng gabi, tinawagan ako ni Khaerel. Akala ko ay alarm ko lang yun kaya na-decline ko yung call pero hindi siya tumigil, she called me over and over again hanggang sa nagising na ako ng tuluyan and I answered her call," pagkikwento niya pero animo'y patay ang bawat salitang kaniyang sinasabi. "She was scared, hinang-hina siya at walang habas ang kaniyang paghinga. Hindi siya mapakali nang kausap niya ako sa telepono. All that she told me is that you're there, in that abandoned shelter being raped by that... that maniac."

Nakatitig lang ako sa kaniya habang tila nakatitig lang siya sa kawalan na umaaligid sa ibabaw ng lamesa. Hinagod-hagod ni Muriela ang kaniyang likod at tinapik-tapik upang mapakalma.

Her voice started to crack. "Then she told me na puntahan si Zon to tell him the address and everything. She's crying, not knowing what to do pero she stood strong and told me that she would do whatever she could do," sambit niya sa pagitan ng bawat hikbi. Ramdam ko ang pagpigil niya sa kaniyang mga luha. Tsaka niya lamang ako hinarap with swelling eyes but she even mustered a smile, a fainted smile. "You don't know the other side of the story, do you?"

Naramdaman kong tumigil pansamantala sa pagtibok ng aking puso. Hinagod ni Jason ang aking likuran kaya bigla akong napayakap sa kaniya at doon ko naisubsob ang aking ulo bago dahan-dahang umiling.

Rhizia wiped away her tears that sneakily streamed down her face. Tumango-tango na lamang siya. "Right," she whispered.

I heard the door knob clicked at dahan-dahang nagbukas ang pinto.

"Ate Tiffany!" biglang bungad ng isang batang babae at biglang tumakbo papalapit sa 'kin kaya naman ay napakalas ako kay Jason.

"Chloe," bati ko.

She hugged me tightly na siya namang ikinagulat ko kaya niyakap ko na lang din siya pabalik.

"How are you feeling?" ani ng isa pang malagong na boses na siyang ikinatingala ko.

"Kuya Llenard," bati ko sa kaniya. Kumalas na sa pagkakayakap sa akin si Chloe at si Kuya Llenard naman ay ginulo-gulo ang buhok ko.

"Labas muna kami," bulong sa akin ni Jason at tinanguan niya lamang si Kuya Llenard. Kinaon na rin niya sina Rhizia at Muriela bago siya lumabas kaya naiwan na lamang kaming tatlo sa loob ng kwarto.

Naupo sa aking kanan si Chloe habang sa silya naman na katabi ng bed ko naupo si Kuya Llenard.

"Ate Tiffany, na-miss po kita," wika ni Chloe kaya nama'y napangiti ako.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now