C H A P T E R _ 7

121 31 0
                                    

Kaya naman pala nag-aya itong mga 'to, pare-pareho pala silang nanalo sa mga contest na sinalihan nila.

Si Jason, nag first place sa Science quiz bee. Sina Vry at Vibe naman ay nag first place sa title defense ng SIP nila sa applied science. Hindi na sumama si Ed dahil may aasikasuhin pa raw siya sa bahay niya pagkatapos na pagkatapos ng awarding ceremony. Si Ezra naman, which is ka-MU-han daw nitong si Vry, ay nag first place din sa poster making contest.

Lahat yata sila may pinanaluhang contest samantalang ako, ayun! Nganga! Pinalitan! Good karma for them dahil hindi naman nanalo 'yung ipinalit nila sa 'kin. Nasa fifth place lang.

Nandito na kami sa Renegade at doon kami naupo sa may tabi ng window na may comfortable couch-like seats na mauupuan. Minsan lang ako pumunta rito kasi laging wakwak ang bulsa ko. Ang mahal kaya ng mga bilihin dito, dinaig pa ang Starbucks. Pero worth it naman kasi masarap ang mga inihahanda nila rito and besides, treat daw ako ni Jason.

Ewan ko ba kung bakit ang bait niya ngayon. Hindi siya yung usual playboy na aura niya.

Si Gione naman, she refused na mailibre kasi nakakahiya raw at meron daw naman siyang dalang pera.

I ordered a grande peppermint black fuzz which costs two hundred pesos per mug. Oh di ba? Aakalain mong gawa sa ginto ang mga powder na ginagamit nila rito. At saka every time na pupunta ako rito ay ibang flavor naman ang binibili ko. Sabi nga nila, pag di mo afford, try 'em all na lang when a chance strikes. Well, at least seize the moment.

Napalinga ako sa gawi kung nasaan si Vibe, which is sa tabi ni Gione. Nakatitig lang siya sa cellphone niya at mukhang seryoso.

Tama nga si Gione, he looked cute.

Kamukhang kamukha niya talaga si Vry kapag nakasalamin silang dalawa pareho. The only difference you could spot between them is that nakabrace si Vry at mas matangkad ito. Pero pareho silang payat.

Pasimple akong kinurot ni Gione, isang hudyat na hindi na siya makapagtiis ng kilig. Nakita kong nangangamatis na rin sa pula ang kaniyang mukha pero hinayaan ko na lang siya.

"Make your move na," I mouthed at her.

Tahimik lang kami doon. Ang awkward ng atmosphere and the only sound you could hear ay ang paglalandian nina Vry at Ezra.

Mukhang nababagot na si Jason kaya siys na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"So, Tiffany. Since matagal tagal mo ring itinago ang ganitong pagkatao ko, maybe it's not so bad na mag-share ka ng mga kwento mo sa buhay?," he said cheerfully na agad namang ikinakunot ng noo ko. I'm not sure kung matutuwa ba akong mag open up sa kanila or maiinis.

Kalma lang Tiff, you got this.

"Hmm... pwede na rin," I replied casually.

Bahagya namang napatigil sina Vry and Ezra sa paglalampungan nila at napatingin sa 'kin with spark in their eyes. Mukha silang interesado sa pagbubukas ng topic ni Jason.

Napatitig na lang sa 'kin si Gione, looking worried at maging si Vibe ay napaangat na rin ang ulo.

Jason just smiled at me, "I guess we need to ask you some questions, then?"

Wala sa sarili akong napatango. Ito na siguro yung sinasabi kong consequence.

"Great! Tell us something about yourself."

Napalunok ako sa sinabi niya. Should I tell them?

"Uhm... Tiffany Apple Gomez ang buong pangalan ko. Tiffany came from my mother's name Fhanie and Apple came from my father who was eating apples at the time I was born."

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now