C H A P T E R _ 18

84 25 2
                                    

Isang panibagong araw na naman sa eskuwelahan ng walang kasaysayan and yet walang pinagbabago ang mga routine. Aral, quiz, activities, wala nang sawa.

Pero ang routine lang naman sa pagpasok ang walang pinagbago pero ang pihit ng kamalasan at swerte, laging may changes. Nararamdaman ko na ang sinasabi kong simula ng mga simula.

Medyo late na akong pumasok kesa sa kinagawian ko oras pero wala namang pinagbago dahil ICL naman ang first subject namin, meaning, free time kaya ayun, grand entrance ako sa room namin, tinginan ang mga bruhildo't bruhilda na hindi pa rin madala-dala hanggang ngayon.

Pinagtaasan ko na lamang sila ng kilay. Kahit pa may problema kami ngayon ng best friend ko ay hindi ko inalis sa aking isipan ang turn of wheels na dapat maging ugali ko pagdating sa mga taong nararapat sa basurahan.

Nadala naman sila sa death glare alá-Tiffany kaya naglakad na lamang ako papunta sa aking upuan. Napansin kong wala si Gione sa kaniyang upuan na siya namang ipinagtaka ko. Ang alam ko'y magaling na siya at wala na siyang sakit. Seryoso ba siya sa pagkagalit niya sa 'kin?

Umupo na ako at biglang napaisip. May pagkamaldita pala yung kirida kong best friend na iyon? Seryoso pala talaga siya doon sa 'may the best woman win?'

Hindi, think positive Tiffany. Si Gione 'yun, may pakulo lang iyon na inihahanda para prangkahin ka. Tama tama.

"Tiffany!" dinig ko sa isang boses na tumawag sa aking pangalan na siyang ikinaangat ng aking ulo mula sa pagkatutok ko sa aking cellphone.

Nakita kong papalapit si Sy habang nakabungisngis kaya pinaningkitan ko siya ng paningin. "Makatawag ka naman sa birhen kong pangalan. Close tayo? Teka, are you even alive nung mga panahong nandito ako?"

Natigilan siya sa paglapit sa akin at biglang lumukot ang kaniyang mukha. Nakatingin lang siya sa akin na para bang ako na ang dulo ng walang hanggan.

"Oh, ano na? Anong tingin mo sa akin? Kuwago na kukurap kapag tinititigan ng ganiyan? Nako, huwag ako ang titigan mo ng ganiyan Sy, maigi pang sina Muriela at Rhizia na lamang ang titigan mo nang ganiyan dahil mas mukha silang kuwago kaysa sa 'kin," pasigaw kong sabi habang ibinalikwas ang aking paningin sa dalawang nagmamalditang kampon ng anghit habang nakangisi. Halata ang inis sa kanilang mga mukha na ipinagwalang-bahala ko na lamang tsaka muling ibinaling ang paningin kay Sy, "Kitam? Nanlalaki ang mga mata nila, oh. Mas malaki pa nga yata sa mata ng kuwago."

Wala pa ring imik si Sy. Ano ba yan, ano ba talagang kailangan nitong cutie na ito sa akin?

Oo inaamin ko, cute 'tong si Assyré Llano. Maniwala man kayo sa hindi, naging crush ko siya noong grade eight ako. Matangkad siya, hindi katabaan o kapayatan, medyo kulot yung buhok, yung alá-Superman, at yung kutis niya? Parang nilublob sa kumukulong glutathione na mayroong halong tunaw na wax ng krayolang puti sabay ikiniskis sa mahiwagang sandpaper sa ubod ng puti. Dinaig pa ang albino at ang pagkaputi ng snow sa Antarctica. Makulit siya at oo, napakakulit niya.

Ngumiti siya bago tuluyang umupo sa armchair sa tabi ko. "Ganiyan ka ba talaga ka maldita? Parang hindi ka naman ganiyan dati, eh."

Hay naku, kung hindi ka nga lang mabait ay mapapagaya ka talaga ng tuluyan kay Rhizia. Hayaan ko na nga lang, seize the moment na lang kahit hindi ko na siya crush. Nakakawindang din dahil sa tinagal-tagal naming magkaklase ay ngayon niya lang ako kinausap ng ganito, excluded yung mga simpleng pagtatanong lang at group meetings of course.

"Oo na, ano bang kailangan mo sa akin ha?" pagmamataray ko pa rin.

"Nabalitaan ko lang kasing kasali ka pala sa mga lalaban sa MATecHnology Fair. I just wanna wish you a good luck," he said sabay ngisi.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now