Acknowledgement

74 7 5
                                    

We've come a long way. Mag-eeight months na rin pala 'tong istoryang ito bago natapos but here we are, nakarating na rin sa dulo.

Isang taos-pusong pagpapasalamat po galing kay nexusplume! Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta, sumubaybay, nagbasa, nagbabasa, at magbabasa sa The Unluckiest Love of All! Without my readers then there would also be no story to share. Nakakatuwa dahil ito ang kauna-unahang ramance-drama story na natapos ko after all of the plots I rejected, renewed and whatsoever. Sa nagbabasa nito, I'm glad na nakarating ka sa dulo and sana nagustuhan mo ang istorya ng buhay na mayroon si Tiffany.

I chose to emphasize the drama more kasi mas kapupulutan ng aral ang tunay na dinaranas natin sa buhay kaysa pure na romansa lang at kakirihan ang ating ipapahiwatig, hindi ba? I wrote this para ipahiwatig na ang oras, bilang 'yan kaya kailangan nating pahalagahan ang dapat pahalagahan. Ang mga bagay o tao sa ating buhay na siyang kumakahulugan sa salitang importante kasi at the end, wala naman talagang nakakasurvive. Enjoy life whatever it throws at you. Ganern dapat ang peg.

Also, a few special mentions.

To savageblossom, hello po sa inyo. Noong time na nakachat po kita and you said na napukaw ng atensyon niyo ang isa sa mga istorya ko, my heart literally leaped out of my chest kasi sobrang tuwa ko noon kasi akala ko, sarili ko lang talaga ang makakaappreciate at makakapansin sa sarili kong ginawa but you proved me wrong. Alam ko pong silent reader ka sa istoryang ito but you really revved up my motivation to write more so thank you po talaga sa patuloy na pagbabasa ng TULOA.

To NVIBOO, Meryll. Thank you rin sa walang sawa mong pagsuporta sa istoryang 'to. Naging isa ka sa mga avid readers ko kahit pa sabihin nating magkabatch lang naman tayo. Sobrang thank you dahil pina-realize mo sa aking hindi lamang isang ficitional na istorya ang ikinikuwento ko kung hindi isang istoryang kinakaharap ng mga tao sa realidad. Hindi man sa kaparehong plot pero may essence na nagmumula sa bawat salita na mayroon ang istorya.

To katomaya and Maoumanzanilla27. Even though you're the same person, I wanted to thank you dahil nandiyan ka rin para suportahan ang istoryang 'to. Naging isa ka sa mga inspirasyon at motivation ko para maisakatuparan ang pagsusulat ko nito. We may be under some a bit of misunderstanding but I think the problem's on me so sana, sana maging okay pa rin tayo kahit pa ganun. Yun.

And also sa mga friends ko pa! To John, JD, Celine, Carelle, KM, Jannah, Sandy, Jae_Hana and a bunch of Wattpad friends na accidentally ko lang talagang nakilala (XD), thank you for being there, supporting me. Kay Mama na siyang nag-introduce sa akin sa mundo ng Wattpad, love you <3. And to you, yes you. Ikaw na nagbabasa nito. Salamat din sa 'yo, sa pagbabasa, pagsuporta, at pag-appreciate na rin sa sinulat kong ito.

Sa aking pamilya sa mundo ng Wattpad. Gods and Goddesses friends kina Ate Baby, Ate Mik-Mik, Ate Prim, Ate Aly, Sir Joe, Ate Riri and to all the others na kasama sa grupong iyon, thank you. Thank you dahil kayo ang patuloy na humahasa sa akin upang maging mas effective na manunulat. Ang dami kong natututunan sa inyo and I'm so happy na nakilala ko po kayo. Love you guys.

So, paano ba 'yan? Ang dami ko na yatang nasabi? Mehehehe. Once again, maraming salamat po sa lahat ng sumuporta at patuloy na sumusuporta at susuporta sa TULOA!

Hanggang sa muling istorya ng minamahal nating si Tiffany! See ya!

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now