C H A P T E R _ 45

23 5 0
                                    

"Aling Yolly, patimpla naman po ako ng juice para po sa bisita natin," ani Shaun habang pinapaupo ako sa sofa.

Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Wala naman halos nagbago sa interior ng bahay. Mga bagong furnitures lang at iba pang mga ambience. Walang duda, ito pa rin ang bahay ni Gione. Pero nasaan siya? At sino itong babaeng ito?

"Shaun, maiwan ko na muna kayo. I'll be at the market. May ipapabili ka ba?" sabi ng nanay nitong babaeng nagngangalang Shaun.

"Uhh... Any chips would be great," nakabungisngis na sagot ni Shaun.

Ngiti na lang ang iginanting sagot ng nanay niya bago tuluyang umalis. Nang kaming dalawa na lang ang naiwan sa sala ay mabilis na lumapit sa akin si Shaun as if may kailangan siyang sabihing importante na kami lang dapat ang makaalam.

"Tiffany, right?" pabulong niyang tanong sa akin. Ikinalukso iyon ng aking dugo. Siguro dahil sa gulat at pagkakagulo ng aking isipan.

"It's Colesha. H-hindi ako si Tiffany." Nasira ang aking boses nang ako'y makasagot sa kaniya.

"Look, girl. Hindi naman kita sasaktan kung sabihin mo man sa akin na ikaw talaga si Tiffany Apple Gomez. At kung nagtatanga-tangahan lang ako, talagang hindi ko muna kukumbinsihin ang sarili ko na ikaw talaga 'yan," mata sa mata niyang sabi sa akin. "Tiffany—or Colesha, answer me straight, okay?"

Huminga muna ako ng malalim para ihanda ang aking sarili sa mga maaaring sabihin nitong babaeng kaharap ko. Is she a stalker of some sort? Bakit parang kilalang kilala niya ako?

"Did a certain Jason Escoto told you about his cousin na siyang nagpakamatay nang dahil sa kung anong depresyon?"

Natulala ako sa kaniyang titig at tila mayroong kung anong hanging bumulong sa akin.

"Akala ko, mapapagaya ka sa pinsan ko," pagpapatuloy niya at batid ko ang lungkot na kaniyang nararamdaman. "He also suffered depression, at dahil doon, ayun. Nagpakamatay siya. Napaka-tragic noon. Kitang-kita ko ang dinadanas niyang hirap and I was there. Nandoon ako noong mga panahong naghihirap siya, noong mga panahong napakabigat ng pakiramdam niya. Akala ko talaga noon, may pag-asa pa."

Jason's voice echoed in my ears.

"I was inspired by you. Namangha ako sa 'yo. I was captivated by your inner self, Tiffany. Hindi ko inakalang sa dinami-rami ng mga nakilala kong babae ay sa 'yo ko mahahanap ang tunay na tinitibok ng puso ko."

Nangunot ang aking noo at nag-igting ang aking mga panga. Napalingon ako sa kung saang banda nang maalala ko ang noo'y ikinwento sa akin ni Jason.

"Tiffany, remember those black envelopes na natanggap mo? Sa akin nanggagaling yung mga 'yon..Nagpatulong sa akin noon si Ma'am Trinity para hanapin ka. Para bantayan ka."

"Anong meron sa inyo? Paano niyo nakilala ang bawat isa? Bakit niya 'yun ginawa?"

"She helped Shaun."

She. Helped. Shaun.

Ibig sabihin...

Ang Shaun na ikinwento sa akin noon ni Jason at ang Shaun na kasama ko ngayon...

Ay iisa?

"Naulila noon si Shaun at sa amin siya napadpad. Kami ang kumupkop sa kaniya pero dumating sa puntong hindi na namin siya naiintindi and then Ma'am Trinity came. Inampon niya si Shaun. Isang malaking kawalan para sa aming lahat ang pagpapakamatay niya and I don't want that to happen to you. Nang mawala si Shaun, naikwento niya sa akin ang pagkamatay ng kaniyang kapatid along with your mother."

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now