C H A P T E R _ 19

66 25 0
                                    

Nanginig ang buo kong katawan nang marinig ang mga salitang iyon.

"Huwag niyo namang aawayin ang girlfriend ko."

Kailan pa ako nagka-shota, aber?

Pero ang mas ikinawindang ko ay nang masilayan ko ang mukha ng mapagtanggol na ugok na 'to. Napatikhim na lang ako na nahiya. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha na hindi ko maitago.

Napaka mo talaga Sy!

Nakayakap na siya sa akin ngayon ay ramdam ko ang malambot niyang katawan na para bang kumot na bumabalot sa aking katawan. Nagdadalawang-isip ako kung itutulak ko ba siya o ano.

"Ano bang problema, Apple. Ininsulto ka ba nila?" panunuyo sa akin ni Sy.

I curse you Sy! At Apple pa talaga naisipan mong itawag sa akin? Mukha ba akong sweet? Masarap pwede pa.

Naramdaman ko ang pagkalabit ng kaniyang mga daliri sa aking tiyan na naging dahilan para magising ulit ang aking diwa. Hay! Go with the flow na nga lang, sige.

"H-hindi naman. I w-was just moved by them. Their attitude is driving me nuts. Gusto nila akong siraan." Hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na paglabas ng mga salita sa aking bunganga. Tila binaligtad ko pa ang sitwasyon at ang pagsisisi ko ay nasa ilalim lang ng aking dila.

Nakita kong nangatal ang panga ni Gione habang nakatitig sa akin na para bang batang maluluha. Napayakap siya kay CK na siya namang niyakap ito pabalik.

I mustered a smile pero ang totoo ay parang tinutusok na ng milyun-milyong karayom ang puso ko.

Bumuntong-hininga ako bago binalik ang aking poise. Kung ganyan ang gusto niyang laruin ay game ako. Ready player 2, I gained another life.

Napatingin ako kay Sy habang nakangiti. Ang bilis kong nabura ang aking lungkot at galit sa aking mukha.

"You deserved that treatment girl. Anyways, ayaw kong mangabit sa isang cheap na kagaya mo, and besides, I have the one I could call my own. Hindi kagaya mo na parang napulot mo lang sa isang claw machine," pagmamaldita ko habang kumakawala sa pagkakayakap ni Sy.

Ikinatigil naman nila ito ng kanilang pagdadrama.

Tumingin akong muli kay Sy na tila naguguluhan na. Aba, siya ang nagsimula nito 'di ba? Pero sige, gagawin kong makatotohanan ang lahat para naman magtigil na silang lahat.

Nilapitan ko si Sy at intensyunal ko siyang hinalikan sa kaniyang mga labi habang nasa harap nina Gione. Nakapikit lang ako habang hinahalikan si Sy para magmukhang makatotohanan ang lahat.

And I have to confess.

I liked it.

*    *    *

"What was that for?"

"Ano ba?! Ang kulit mo naman, e! Para kang bubuyog diyan na bulong nang bulong."

It was already class dismissal at pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng room ay sinundan na agad ako ni Sy na hanggang ngayon ay nangungulit nang dahil sa nangyari kanina.

"Pero hinalikan mo ako."

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya.

"Ano ba? Bakit ba napaka-big deal para sa 'yo nung halik na iyon? That was nothing, okay? Pinagtanggol mo ako, thank you, pero I just gone with the flow kaya pwede ba, huwag mong lagyan ng meaning o ng kahit ano pang malisya yung halik na iyon. Gets?" 'di ko na napigilang imik bago ko siya tuluyang tinakikuran at binilisan ko na ang aking paglalakad pero rinig ko pa rin yung boses niya at talagang persistent siya sa paghabol sa akin.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now