C H A P T E R _ 34

42 9 0
                                    

"We're here," dinig kong imik ni Joaquin as he pulled up the car in front of a huge mansion. Pinagmasdan ko ang buong paligid nang mayroong pagkamangha sa aking mukha. Puro halaman ang paligid at mayroon pa akong naaninag na fountain.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Joaquin kung kaya't bumaba na ako sa sasakyan. Doon tumambad sa akin ang malaking bahay sa aking harapan. Kulay puti ito na may design ng colossal flowers na kulay dilaw. Mayroong balcony sa taas at kulay velvet ang bubong. Mula sa aking paningin ay nasa tatlong palapag ang bahay.

Ayos na sana nang biglang bumulong sa akin ang hangin sa tabi-tabi na siyang nagpanginig ng buo kong katawan.

"Wear this, Ma'am Colesha," ani Joaquin sabay patong sa aking balikat ng isang kulay gray na jacket na makapal kung kaya't sinuot ko na agad ito.

Grabe! Hindi naman ako informed na winter wonderland pala ang peg ng lugar na ito. Ang yaman pala talaga ng angkan namin.

"Enjoying yourself, hija?" bungad sa akin ni Tita Trinity mula sa likuran. Tumango lamang ako sabay ngiti.

"Well, pupunta muna kami ng Tito Pol mo sa main office ng company na hahawakan mo. We'll fix everything first. Meanwhile, Joaquin is here to accompany you around the house. May mga makakasama ka rin diyan dahil meron tayong mga housekeeper at housemaid. Also, we'll invite some of the loyal employees of your mom's company so that they could meet the new CEO of their company," sunod-sunod na sabi sa akin ni Tita Trinity kaya pinilas pilas ko muna ang bawat sinabi niya upang mag-register ito sa aking utak.

"And, pupuntahan ko ang aking kaibigan para ipaghanap kita ng teacher so that hindi mo na kailangang pumasok sa school araw-araw. You will be homeschooled," dagdag naman ni Tito Pol.

"Wow... that was, too overwhelming," sagot ko.

"Don't worry, hija. We got you covered," ani Tita Trinity.

"Ma'am Trinity, Sivan is already finished maneuvering the car. He's waiting on the other side," Joaquin informed.

"Okay, thank you Joaquin. So, paano ba 'yan, hija?"

"We'll see you later then," ani Tito Pol.

Nilapitan ako ni Tita Trinity at hinalikan ako sa noo, "Una na muna kami."

I smiled at her, "Okay po, tita. Mag-iingat po kayo."

She just gave me a warm smile bago sila tuluyang umalis ni Tito Pol.

I watched them go further and further. Parang meron silang pinagbubulungan at mukhang nagugulumihanan ang ekspresyon ni Tito Pol. Biglang kumabog ang aking dibdib.

"Ma'am Colesha?" tawag sa akin ni Joaquin kaya naputol ang lahat ng aking iniisip. I saw him holding the door for me.

"Oh, sorry." Dali-dali na akong umakyat sa hagdan at nilapitan ko na si Joaquin. "Ah, siyanga pala Joaquin. Huwag mo na akong tawaging ma'am. Colesha na lang," ani ko sabay ngiti.

"Naku po, Ma'am Colesha. Hindi ko po magagawa 'yun. It's a sign of disrespect po kasi," Joaquin humbly answered.

"No no no, it's okay. Pantay-pantay lang tayong lahat dito so please. Colesha na lang," makulit kong sabi sabay binigyan ko siya ng M&M's mula sa aking bulsa at doon na ako tuluyang pumasok sa loob.

Bumilog agad ang aking mga mata nang lumapat ang aking paningin sa bungad pa lamang matapos kong pumasok. Ang ganda ng paligid! Ang linis! Merong malaking television na naka-incline sa dingding. There are six sofas, four cushions, at dalawang elongated glass tables. Mayroon ding mga nakasabit na paintings at ceramics pati na mga babasaging sculptures at Corinthian columns sa paligid. May nakasabit ding malaking chandelier sa ceiling na siyang nagpaliwanag sa buong living room. Mayroon ring isang rocking chair at fireplace sa isang tabi. Ang sahig, nakatiles na kulay rose pink at mayroong carpet na kulay velvet.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now