C H A P T E R _ 39

32 6 0
                                    

Dale escorted me habang nababa ng eroplano. Sa aking pagbaba ay puro flash agad ng camera ang sumalubong sa 'kin. Nakakasilaw masyado.

Puro ngiti lamang ang sinagot ko sa mga reporter na nakapaligid sa amin. Agad din naman silang hinarang ng mga guwardiya.

"Dapat talaga nakapag-disguise na tayo," pasigaw na pagkakasabi ni Dale upang marinig ko siya sa baha ng mga boses ng mga tao.

Bongga 'di ba? Ako pa lang ang nababa ng eroplano pinagkakaguluhan na ako. What more kung kasabay din namin sina Rhenz at Yhtinia. Buti na lang talaga at bukas pa sila.

Matapos ang ilang pagkaway sa camera at pagngiti-ngiti sa mga naghihiyawang tao sa paligid ay narating na namin ang isang kulay itim na limousine na siyang naghihintay sa 'min. Naroroon na si Sivan kung kaya't dali-dali niya kaming pinagbuksan ng pinto. Nasa kabilang sasakyan naman si Joaquin.

Nauna kaming pumasok ni Dale sa loob. Sumunod si Serena, tapos si Eunice, si Khaerel na dala-dala ang mga gamit ko, sina Tito Pol, Tita Trinity, Mister Tesla, Mister Piopongco, at Mrs. Piopongco. Nasa kabilang sasakyan naman sina Anzel, Gin, Rain, Ginger, at ang iba pang designer namin. Kasama rin nila si Mister Yu.

Matapos naming makasakay lahat ay dali-dali nang pinaandar ni Sivan ang sasakyan. Nakasunod naman sa 'min ang sasakyang minamaneho ni Joaquin.

Napabuga ako ng hangin sa relief na naramdaman.

Dale held my hand kaya nagkatinginan kami.

"Nervous?" pagtatanong niya.

Tumango ako nang bahagya.

Ngumiti lamang siya. Nagkatitigan kami sa isa't isa. Mata sa mata.

"Ehem," biglaang pag-ubo ni Tito Pol na siyang pumutol sa tinginan namin ni Dale. Napabaling na lang tuloy ako ng tingin sa bintana. Ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi.

Letsugas naman o! Ano ba 'tong nararamdaman kong ito?

I watched the everchanging scenery outside the window. Hapon na rito.

Tinatahak namin ang daan patungo sa hotel na aming tutuluyan.

I felt drowsy on my seat as the scenes change every little second. Papikit na sana ang aking mga mata nang may mahagip akong pamilyar sa gamit sa labas.

May bus na katabi ang aming sasakyan. I looked upon the window.

There's a guy staring at somewhere upon the window.

At that exact moment, alam kong siya iyon. That guy in black and pink varsity jacket.

Ngunit sa huling sandali ay isinantabi ko muna ang aking mga iniisip at pinaniwala ko ang aking sarili na nananaginip lamang ako dahil sa antok.

Ramdam ko ang pagposisyon ni Dale sa 'king ulo upang isandal ito sa kaniyang balikat.

Ikinubli ko ang aking sarili sa kaniya and tried to refresh my mind.

I still have a big day ahead of me. Kailangan kong ikondisyon ang aking sarili.

*     *     *

"Tiffany!" buong lakas na tawag sa 'kin ng isang pamilyar na babae pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa loob ng hotel na tutuluyan namin.

Nagtinginan tuloy ang ibang tao sa paligid. Tila nawindang sila sa aking pagpasok at nagbulungan na ang iba. Hindi ko na lamang sila pinansin. Looks like hindi naman nila ako nakilala.

Sinalubong ko na ang babaeng tumawag sa 'kin.

"Hi bruha!" irit ko sabay lapit sa kaniya.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now