7.4 PANGAKO

405 28 1
                                    

"Kailangang mahanap na natin ang babaylan. Hindi na maganda ang kutob ko. Sinusuyod nila ang lahat ng bundok. Malapit ng makarating ang ilan dito kaya kailangan na nating lumikas. Maghahanap pa tayo ng ibang daan dahil lahat ng pangunahing lansangan ay bantay sarado na rin," ani Amado na tiim ang bagang. Halos magmadali na ito sa pagaayos ng kabayo upang magamit nila. Natataranta tuloy si Symla sa nakikitang init ng ulo nito.

Bago sila nito lumikas ay bumaba ng bundok si Amado upang tingnan ang sitwasyon. Doon niya nalaman na magaling si Amado sa pagmamanman at sa tahimik na pagpasok sa iba-ibang pangkat ng hindi ito napapansin. Mukhang kabisado nito ang larangang iyon. Nakuwento nito sa kanya na dumaan ito sa matinding pagsasanay at iyon ang naging bunga noon.

Napahinga siya ng malalim at hinawakan ang kamay nito. Natigilan ito hanggang sa napabuntong hiningang nahagod nito ang sentido. "Pasensya ka na. Hindi ko mapigilang magalala. Natakot ba kita?"

Agad siyang umiling dito. "Nagaalala lang ako. Huwag kang magalala, makikita rin natin ang babaylan," masuyong saad niya saka hinaplos ang pisngi nito. Tumawid ang pinong init sa palad niya at natunaw ang puso niya ng halikan nito iyon.

Nakaramdam siya ng kakaibang ligaya ng sandaling iyon. Alam niyang gustong-gusto nitong tuparin ang mga pangako nito sa kanya. Iyon ang madalas nitong sinasabi sa kanya sa mga ilang araw na pagsasama nila at palipat-lipat ng yungib. Wala siyang masasabi pagdating sa pagtupad sa pangako nito dahil ilang beses nitong pinatunayan na may isang salita ito.

Doon na nawala ang gatla nito sa noo. "Salamat at naniniwala ka sa akin, Symla. Importante sa akin iyon," Anito saka positibong ngumiti. Hindi na naalis ang ngiti nito sa labi. Napangiti na rin siya. Iyon ang isa sa mga nagustuhan niya rito. Sa kabila ng lahat, nanatili pa rin ang paniniwala nitong mababago pa nito ang lahat at naniniwala siya sa kakayahan nito.

"Matatagalan pa ba bago tayo makarating sa taas ng bundok Banahaw?" usisa niya rito bago siya nito isampa sa kabayo.

"Mga tatlong araw. Kapag minalas tayo at makasalubong ng mga pangkat ng lobo o bampira, mas matatagalan pa dahil hahanap tayo ng ibang daan. Ipagdasal mo na lang na sana, masolo natin ang bundok," anito saka nagkaroon ng kislap ng kapilyuhan ang mga mata nito.

Namula ang pisngi niya sa ginawa ito at napahalakhak ito. "Symla... nakakatuwa kang pagmasdan, alam mo ba 'yon?" tudyo nito saka ito sumampa sa kabayo at naupo sa likuran niya. "Napakaganda mong mamula. Nakakabaliw..." anas nito.

Napakislot siya ng halikan nito ang balikat niya pero hindi natapos iyon. Bahagya nitong kinagat iyon at napasinghap siya sa epekto noon sa sistema niya. Para siyang tinamaan ng kidlat at tumawid ang hindi mailarawang init sa kanyang katawan. "Amado!" nabibiglang saad niya.

Napangisi ito at muling inulit ang ginawa. Napaungol siya, lalong hindi na siya mapalagay ng sandaling iyon. "Napakasensitibo mo, lalo akong nadadarang sa'yo,"

"Napakahilig mong manudyo, Amado," ilang na ilang na sita niya rito. Sana'y tumigil na ito dahil nagliliparan na ang mga paru-paro sa kanyang sikmura.

Natawa ito. "Dahil gustong-gusto kong nakikita ang epekto sa'yo." Anito saka unti-unting naging seryoso. "Gustong-gusto kong nakikita na... gusto mo rin ang ginagawa ko,"

"I-ikaw talaga..."

"Bakit? Hindi ba totoo?" anas nito. Tumayo na ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Dama niya ang mainit na hininga nito sa tainga niya. Ang mabango nitong amoy na siyang nagpapawala ng huwisyo niya. Aaminin niya, ilang beses na rin siyang nadadarang sa mga tudyo at lambing nito. Sa mga halik at pagsuyo nito kaya alam niya ang kasagutan sa tanong nito.

"Tama ako, hindi ba?" anas nito.

Tumahimik siya tanda ng pagamin rito. Napahalakhak naman itong tuluyan saka siya pinupog ng halik. Hindi na niya napigilan ang sarili at natawa na siya sa ginagawa nito. Nakikiliti na siya sa pinong balbas nito! "Oo na! Inaamin ko na kaya tama na," awat niya rito saka ito mahinang tinampal sa pisngi.

Napangisi na lamang ito. Napailing na lamang siya rito. Ang harot din ng lobong ito. Ilang sandali siya nitong hinarot bago nito pinasibad ang kabayo. Nakatatlong oras na sila bago sila nito tumigil sa isang mayabong na puno. Pinainom muna nito ang kabayo at ibinigay sa kanya ang sisidlang naglalaman ng dugo.

Napangiti siya sa pagiging maalalahanin nito. Saglit itong nawala sa kanyang paningin at napangiti na lamang siya ng sumungaw sa kanyang tabi ang isang tangkay ng dilaw na bulaklak. Nagkaroon ng tunog ang ngiti niya. "Ikaw talaga, Amado. May bulaklak ka pang nalalaman,"

Doon ito lumitaw sa gilid ng puno. Ngiting-ngiti ito sa kanya at naupo sa tabi niya. "Nagustuhan mo ba?"

"Oo. Salamat," nakangiting saad niya saka iyon pinagmasdang maigi. Unang pagkakataon niyang mabigyan ng bulaklak. Pero gayunman, mas lalong siyang naging masaya dahil galing ang bulaklak na iyon sa lalaking gusto niya, kay Amado.

"Kapag naging maayos na ang lahat, ipipinta kita. Ikaw lang ang babaeng ipipinta ng mga kamay ko. Pangako 'yan, Symla."

Umismid kuno siya rito. Napaungol ito at dinaluhong siya. Tawang-tawa siya sa nakikitang pagkapikon nito. Pero gayunman, alam niyang nagkukunwari lamang ito, katulad niya upang tudyuhin siya. Siniil siya nito ng halik dahil doon at habang magkasanib ang mga labi nila ay hindi pa rin naalis ang matinding pananabik niya para sa pangako nito. Hihintayin niya ang araw na ipipinta siya nito. Lihim siyang napangiti sa naisip.

YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA)  BOOK 1: SYMLA, ANG ITIM NA SANTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon