11.1 MALUPIT NA HARI

346 17 0
                                    

"Nakawala ang itim na santa. Maraming namatay sa bakbakang iyon ng dahil sa kagaguhan mo! Hijo de puta!"

Nagtiim ang bagang ni Amado ng sunod-sunod na hagupitin ng latigo ang kanyang likuran. Ang ama na niya ang gumawa at sinigurado nito na hindi siya makakatakas. Naglagay ito ng taniklang purong pilak sa kanyang mga paa kaya hayun siya, hindi man lang makapag-palit ng anyo at ang lakas na ibinigay ng babaylan ay nasikil ng sandaling iyon.

Muli siya nitong pinaghahagupit. Tiinis na ang sakit na nagmumula sa latigo nitong mayroong matulis na pilak sa dulo na bumabaon sa tuwing tumatama sa kanya. Masakit din sa puso niya ang hatid ng mga salita nito. Malalim ang nagagawang sugat noon kung murahin siya nito. Pakiramdam niya ay mula ulo hanggang talampakan iyon.

Nang magising siya ay wala na ang pananakit ng puso niya-dahilan para mawalan siya ng malay-ay nasa loob na siya ng isang rehas na kulungan pabalik ng base ng mga lobo. Hindi niya inaasahan ang kapangyarihan ng doktor. Nagtiim ang bagang niya dahil masakit sa kanyang kalooban na hindi natupad ang isa sa mga pangako niya kay Symla: na aalagaan ito at poprotektahan.

"Marami akong nabalitaan, Amado at hindi ko iyon gusto," dismayadong saad ng kanyang ama. Hinihingal na ito ng sandaling iyon. Ah, nakailang latigo na ba ito? Marahil ay mahigpit isandaan na. Isang himalang nakakaya pa rin niyang tiisin ang sakit.

"M-mahal... ko... siya..." anas niya at wala na siyang pakialam pa kahit ilang hagupit pa ang igawad nito sa kanya. Sinabi lang naman niya iyon bilang respeto dahil ama niya ito. Anak pa rin siya nitong dapat niyang sabihan sa mga ganoong klaseng pagkakataon.

Napamura ito ng malakas at pinaghahagupit siya nito. "Argh!" sigaw niya ng hindi na makapagpigil ngunit nagpatuloy pa rin ito. Gigil na gigil! Pauulit-ulit nitong tinamaan ang mga sugat niya at naluha siya sa sakit. "Kahit... ano'ng gawin mo... mamahalin ko pa rin siya... ama..." determinadong sagot niya sa kabila ng paghihirap.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Amado!" sigaw ng ama niya at sa isang iglap, pinalabas din nito ang lahat ng bantay sa arena at hinarap siya. Namumula na ang mukha nito sa galit. "Amado... itigil mo na ito. Wala kang mapapala sa isang bampira at... sa isang itim na santa."

Sa nanlalabong paningin ay tinitigan niya rito. Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang pagdaan ng takot at pagaalinlangan na tila dinaya lang siya ng paningin. Muling naging matigas at malamig ang mata nito saka napabuga ng hangin. "Kahit kailan ay hindi nararapat ang isang itim na santa sa isang lobo, isaksak mo sa kukote mo 'yan," anito saka naglakad palabas ng arena.

Sa kabila ng mga sinabi nito'y nanatiling solido pa rin ang damdamin niya. Walang kahit na ano ang magpapabago noon. Mahal niya ito at gagawin niya ang lahat. Sa naisip ay namasa ang kanyang mga mata. Walang nakakaalam kung ano ang binitawan niya para kay Symla. Napahinga siya ng malalim at inignora ang matinding panghihinayang na nadama niya. Hindi niya dapat panghinayangan ang ibinigay niyang kapalit sa babaylan upang makalikha ng sariling mundo para kaya Symla.

Inalis na siya ng mga kawal sa pagkakatali at padausdos siyang hinila papasok sa isang kulungan. Marumi iyon at mabaho ngunit gayun na lamang siya ng ibagsak ng mga ito. Hindi rin naman niya makuhang makapagreklamo dahil sa panghihina. Napahinga siya ng malalim at ilang beses na napaungol dahil sa sakit ng katawan at mga sugat. Hindi na niya namalayang nawalan na siya ng malay...

YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA)  BOOK 1: SYMLA, ANG ITIM NA SANTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon