13.2 MASASAKIT NA KATOTOHANAN

337 17 0
                                    

"S-symla..." hindi makapaniwalang anas niya at napalunok siya. Napaluhod na ito sa sakit at nakatingala sa langit. Panay pa rin ang hiyaw nito. Namasa ang mga mata niya sa nakikitang transpormasyon nito. Gusto niyang hugutin iyon palabas sa katawan nito at itapon pero hindi niya magawa! Umabot na sa leeg nito ang kulay itim hanggang sa nabalutan ang mukha nito. Ang mga mata nito... maging ang kulay puti doon ay nilamon na ng itim na kulay.

"Ikaw ang pumatay sa mga kamag-anak ko!" bigla nitong sigaw at galit na dinuro ang kanyang ama. "Papatayin kita! Argh!"

Nabigla siya sa narinig. Galit na galit si Symla. Nakalabas ang lahat ng pangil nito. Nagmistula itong itim na bampira. Biglang-bigla, nawala ang babaeng minahal niya.

Habang pinagmamasdan ito ay doon niya napagtanto kung bakit ito tinawag na itim na santa. Nagkukulay itim ito at tila isang santa na naghihimala. Kaya nitong magsilang ng bampira na hindi kaya ng ibang bampira. Nagkaroon din ng himala ng sandaling iyon dahil dama niya ang pagalsa ng lakas nito at nakikita niya ang naghahalong awra sa katawan nito: apoy na halo ang itim. Ang awra ng poot at galit!

"Magbabayad ka! Ako ang otso anyos na batang pinaglalapa mo! Ako si Sylvia! Nabuhay ako at gusto mong malaman kung paano?" hingal na hingal na sigaw nito. "Binuhay ako ng kapatid kong si Sayah! Ang ate kong walang awa mong pinugutan ng ulo! Binuhay niya ako para maghiganti sa'yo at sisiguraduhin ko, uubusin ko ang lahat ng dugo sa katawan mo!"

Bigla itong nawala sa kanyang paningin at sa isang iglap ay nakita na lamang niya itong dinaluhong ang kanyang ama. Kagat-kagat nito leeg ng kanyang ama. Unti-unting naging lobo ang ama niya at agad niyang tinulungan si Symla dahil akma itong sasaksakin sa likuran ng kanyang ama. Pinigilan niya ang kanyang ama sa balak nito at agad na naagaw ang espada sa kamay nito.

Pinilit niyang hilahin si Symla ngunit nanatiling linta ito sa pagkakapit. Nahabag siya ng makitang lalo nitong kinagat sa leeg ang kanyang ama na napahiyaw na lamang sa sakit. Nilabanan nito ang babae pero sa tigas marahil ng katawan ni Symla ay hindi na nito maramdaman iyon. Ginawa niya ang lahat upang pigilan ito at isang masamang tingin ang ipinukol nito sa kanya habang puno ng dugo ang bibig nito.

"Huwag kang makialam!" singhal nito at hinawi siya. Nagulat siya sa angking lakas nito at agad siyang bumalandra sa malaking bato. Gayunman, dahil sa angkin niyang kapangyarihan hindi siya nakadama ng sakit. Muli siyang bumalik upang pigilan ito.

"Symla! Maghunusdili ka!" awat niya rito. Ginawa niya ang lahat ng makakaya ngunit sadyang nilamon ng galit si Symla. Halos hindi na magawang makapagpalit ng anyo ng ama niya dahil sa paulit-ulit na paglapa ni Symla rito.

At hindi siya makapapayag na makitang nagkakaganoon si Symla. Hindi siya makapapayag na lamunin ng galit nito. Umusal siya sa hangin ng tulong at itinaas ang kamay. Agad na lumabas ang kulay asul na apoy sa kanyang palad: ang elemento ng tubig upang mahimasmasan si Symla.

Agad niyang ibinato iyon kay Symla at doon lamang nito nagawang tumigil. Tila nanigas ito at napatingala sa langit. Ang buong akala niya ay matinding tama ang nagawa niya hanggang sa napatitig ito sa kanya. Tumalon ang puso niya ng masalubong ang itim nitong mga mata na sagana sa patak ng luha.

"S-symla..." anas niya ngunit agad itong tumakbo ng akma sana niya itong lalapitan. Sa isang iglap ay nawala ang amoy nito. Mukhang itinago na nito.

"S-sundan ninyo s-siya," nanghihinang utos ng kanyang ama.

"Tama na ama!" galit niyang singhal kahit pa nakahandusay na ito. Naluha na siya sa galit dahil sa natuklasang kalupitan nito. Pinatay nito ang isang otso anyos na bata!

Sa galit niya upang huwag makasunod ang lahat kay Symla ay isang malaking apoy ang pinakawalan niya upang harangan ang lahat ng daraanan. Nabigla ang lahat sa kanyang ginawa ngunit wala na siyang pakialam pa kahit malaman pa ng lahat kung ano ang mayroon siya. Galit na hinaklit niya ang kwelyo ng ama at sunud-sunod na pumatak ang luha niya sa labis na pagsabog ng kanyang dibdib.

YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA)  BOOK 1: SYMLA, ANG ITIM NA SANTAWhere stories live. Discover now