9.3 PAGSUYO

400 21 0
                                    

"Ayos ka lang ba? Kung masama pa ang pakiramdam mo, p'wede pa naman tayo magpalipas ng ilang oras dito hanggang sa bumuti ang pakiramdam mo," masuyong saad ni Amado kay Symla. Hinalikan siya nito sa noo at napapikit siya.

Nahahapo pa rin siya dahil sunud-sunod ang mainit nilang pagniniig. Papagabi na at kailangan na nilang lumikas. Ngunit hayun siya, halos hindi makabangon dahil masakit ang kanyang katawan sa paulit-ulit nitong pagangkin sa kanya. Lihim siyang napangiti. Napakaligaya niya ng oras na iyon. Ganap na siyang isang tunay na babae at dahil iyon kay Amado. Ah, wala talagang pagsidlan ang kaligayahan niya. Natural lamang iyon dahil aaminin niyang sa mga sumunod nilang pagniniig ay wala na ang sakit. Panay luwalhati ang hatid ni Amado sa kanya.

Nabihisan na siya nito at naihanda na nito ang kabayo. Napainom na rin siya nito ng dugo ng baka pero nanatiling nanlalata pa rin siya. Hindi niya nakayang sabayan ang maiinit na aksyon ni Amado na pangmatagalan. Kunsabagay ay halatadong naging batak ito sa mga naging ensayo nito kaya gayun na lamang ang istamina nito. Halatado naman sa ganda ng katawan nito at liksi. Napabuntong hininga ito at halatadong nagaalala na ito sa kanya.

"Pasensya ka na," anito.

Napangiti siya. "Pasensya saan?"

Ngumisi ito. "Alam mo na? Nakailan ba tayo?"

"Amado!"

Namula ang mukha niya. Napakapilyo talaga nito at nagkakaroon tuloy ng munting paru-paro sa kanyang sikmura. Pinilit niyang bumangon. Inalalayan siya nito at kinalong. Matagal nitong hinalikan ang balikat niya at napangiti siya sa kalambingan nito. "Pinapangiti lang kita. Pero nakailan ba talaga tayo?"

"A-apat..." nahihiyang sagot niya rito. Gigil na kinagat siya nito sa balikat at tumawid ang munting kuryente sa kanyang katawan. Natawa siya. "Bumabawi ka?"
Nakaraming kagat siya sa balikat nito at siya mismo ang gumamot noon. Ipinahid niya ang likidong dala nito. Gusto pa rin niyang maging maingat at baka hindi makaganda rito ang ginawa niyang pagkagat. Tumanggi ito noong una ngunit pumayag din ito sa huli ng sabihin niya ang mga naisip niyang posibilidad.

"Hindi. Gawin ko pang anim 'yan," anitong naghuhumiyaw ang kapilyuhan sa mga mata.

"Amado!" nabibiglang awat niya rito. Anim? Diyos na mahabagin! Baka hindi na siya makalakad noon! Pulang-pula tuloy ang pisngi niya sa naisip.

Natawa ito sa kanya at malambing siyang hinalikan sa gilid ng leeg. "Pakakasalan kita. Hindi ako papayag na hindi tayo makasal. Hmm?" Naginit ang puso niya sa narinig. Naluha siya sa labis na ligaya at napatitig dito. "Kaya hanapin na natin ang babaylan para matupad na ang lahat ng pangarap natin."

Agad siyang tumango rito at niyakap ito sa leeg. Natatawang hinagod nito ang likuran niya. Ginawaran siya nito ng magaang halik sa labi saka nila nilisan ang kubo.

Ilang sandali pa ay naglakbay na sila. Ilang oras din nilang inakyat ang bundok Banahaw. Inikot nila ang lahat ng posibleng puntahan ng babaylan ngunit bigo sila bago man pumutok ang araw. Gayunman, nagpatuloy pa rin sila sa pagakyat hanggang sa narating nila ang masukal na kakahuyan. Halos malapit na nilang marating ang pinakaitaas noon.

"Hindi bale. Mahahanap din natin siya," positibong saad ni Amado.

Napangiti siya. Nakakahawa ang pagiging positibo nito. Hinawakan niya ang palad nito at pinisil. "Oo. Magtiyaga lang tayo,"

Napatango ito at muli silang naglakbay upang maghanap ng masisilungan. Ilang sandali pa ay nakahanap sila ng yungib sa likuran ng talon. Agad nitong itinago ang kabayo saka itinali. Nang matapos ito ay binuhat siya nito at mabilis nitong tinungo ang yungib. Sa bilis nito ay hindi siya nabasa man lang.

"Dito ka lang. Maghahanap lang ako ng makakain," bilin nito sa kanya at inayos maigi ang belo niya.

Napangiti siya at napatango rito. "Magiingat ka,"

Ngumisi ito at pasimpleng napatingin sa kapaligiran. "Maligo tayo mamaya."

Natawa na siya rito ng magkaroon ng kislap ng kapilyuhan ang mga mata nito. Alam niya ang iniisip nito at siya naman, halos hindi na mapakali dahil sa kiliting sumisirit sa puso niya. "Ang taas ng araw, Amado. Gusto mo bang matunaw ako?"

Natawa ito. "P'wede namang mamayang papadilim na,"

Napailing siya rito. Napasinghap na lamang siya ng makitang seryoso talaga ito! Nakatitig pa rin ito sa kanya. Puno ng lambong ang mga mata na hindi niya matanggihan!

"Sige. Ikaw talaga..." natatawang saad niya at napailing. Talagang alam na nito kung paano siya nito malalambing. Isang titig lang ay hindi na niya ito matitiis.

Ngiting-ngiti na ito sa kanya. Bago ito umalis ay siniil muna siya nito ng halik. Halos mapugto na naman ang mga hininga nila at hindi na niya maramdaman ang labi dahil sa init. Pinisil nito ang baba niya saka ito tumalima. Napangiti siya at natutop ang labing nagmamanhid. Nakikiliti pa rin ang puso niya sa mga aksyon nitong tila walang kasawaan. Napahinga siya ng malalim at inayos na lamang ang mga dalahin.

Pagdating nito ay kapwa sila nagsalo sa agahan. Nagkuwentuhan din sila nito tungkol sa mga bagay-bagay at hindi niya maiwasang lalong mahalin ito sa nakikitang kasimplehan nito. Doon niya natuklasang napakasuwerte niya dahil nagmahal siya ng isang lalaking alam niyang mayroong malaking puso.

"Naawa ako sa mga batang lobo na naiwan sa Barcelona," anito saka napabuntong hininga. "Dahil sa digmaan, siguradong ang ilan ay wala ng mga magulang. Sa panahon ngayon... hindi na mahalaga kung sino ang may kasalanan. Para sa akin, magdudulot lang ng panibagong galit ang mga susunod pang kamatayan dito kaya dapat ng matigil ito,"

Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. "Tama ka, Amado."

Ngumiti ito sa kanya at pinagmasdan siya. "Ikaw lang ang naniwala sa idelohiya ko."

Ngumiti rin siya rito. "Naniniwala ako dahil nauunawaan ko ang punto mo."

"Halika nga rito," anito saka tinapik ang bakanteng espasyo sa tabi nito. Tumalima siya at agad nitong hinawakan ang palad niya saka hinalikan iyon. Ilang beses nitong hinaplos iyon saka ito muling tumingin sa kanya. "Kaya ko ito basta kasama kita, Symla."

Napangiti siya. Hindi na niya alam kung ilang minuto na siyang nakatitig dito habang nakangiti. Napakasarap nitong pagmasdan at masarap iyong pakinggan. Marami pa sila nitong napagusapan. Nagtatanong-tanong pa ito tungkol sa kanya at natutuwa siyang makitang pinakikinggan nitong maigi iyon. Na parang gusto talaga siya nitong kilalanin ng buo.

YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA)  BOOK 1: SYMLA, ANG ITIM NA SANTAWhere stories live. Discover now