10.3 PAGKAKALAYO

385 21 0
                                    

"Itigil na ni ina ang ginagawa niya. Pakiusap, masakit na ang ulo ko..." anas niya sa ama at agad naman itong tumalima. Ang kanyang ina naman ay bumaba din ng kabayo upang salubungin siya. Naghanda naman ang mga bampira upang atakehin si Amado ngunit niyakap niya ito ng mahigpit.

"Ina, paraanin ninyo kami. May kailangan kaming tapusin ni Amado at pangako, babalikan ko kayo," nanghihinang saad niya sa ina.

"Bumaba ka ngayon din, Symla. Bitawan mo ang lobong iyan."

Nanigas ang kanyang likuran ng marinig ang pamilyar na tinig na iyon: si Dr. De Francisco! Ang bampirang naging dahilan kung bakit siya naging bampira. Isa sa mga natitirang mataas na ranko ng mga bampira. Napalunok siya ng bumaba ito sa isang puting kabayo.

Lalo siyang kinabahan. Kung si Dr. De Francisco na lamang ang natitirang mataas na ranko ng mga bampira, siguradong agad itong susundin sa isang pitik lang. Isa utos lang nito para patayin si Amado ay magagawa nito. Nanginig siya sa naisip.

"Symla, hindi ka nakikinig sa mga magulang mo. Maging sa akin, hindi ka na rin makikinig?" malamig na tanong nito.

"D-Doktor..."

"Mawalang galang na pero—"

"Hindi kita kinakausap, lobo!" singhal ng doktor kay Amado.

"Huwag!" awat niya sa doktor ng itaas nito ang kanang kamay. Alam niya ang mangyayari. Si Dr. De Francisco ay isang bampira na hindi lang mahusay sa panggagamot kundi maging sa pagpatay din ng hindi nito hinahawakan. Ituro lamang nito ang parte ng katawang gusto nitong baliin ay mangyayari na at natatakot siyang mangyari iyon.

Ngunit huli na dahil sa isang iglap ay biglang humagis si Amado sa isang puno at bumagsak ito. "Amado!" gilalas niyang sigaw.

Bago niya ito magawang madaluhan ay naunahan na siya ng doctor. Tila kidlat ito sa bilis at agad na nitong nahuli sa leeg si Amado pero hindi ito nagpatalo. Lumaban ito ng hindi nagpapalit ng anyo. Nakakamangha iyon dahil kita niyang kaya nitong sabayan ang doktor. Ah, marahil ay dahil sa kapangyarihang taglay nito.

Nagpambuno ang dalawa. Sa bawat maliksing unday ng suntok ng doctor, agad na nakakailag si Amado. Nakakaganti ito ng suntok. Malalakas at makapangyarihan. Dahilan para mapasadsad ng ilang beses ang doctor. Gayunman, hindi nagpatalo ang doktor.

Itinaas ng doktor ang kamay nito sabay usal... "Tumigil ka sa pagatake."

Nanlaki ang mga mata niya ng maiwan sa ere ang kamao ni Amado. Isang pulgada na lamang noon ang layo sa mukha ng doktor. Nagtiim ang bagang ni Amado. Halatadong pinaglalabanan nito ang pagkontrol ng doktor sa kanyang katawan.

"Naririnig ko ang tibok ng puso mo. Tumigil ka sa pagtibok," muli nitong anas.

"Argh!" sigaw ni Amado at natutop nito ang dibdib. Dahan-dahan itong napaluhod. Napahiyaw siya sa labis na takot at agad niya itong dinaluhan.

Doon dumating ang making pangkat ng mga lobo. Nagkagulo na doon ngunit wala na siyang pakialam. Humahagulgol niyang binangon si Amadong nawalan ng malay. Sa nanginginig na kamay ay agad niyang hinanap sa maliit na sisidlan nito ang likido upang ipahid dito ngunit hindi na niya nagawang kuhanin dahil agad ng inagaw ang kanyang kamay.

"Bitawan mo ako!" singhal niya kay Dr. De Francisco at nakatikim siya ng isang malakas na sampal dito.

Agad na nagdugo ang labi niya at lumabas ang kanyang pangil. Napailing na lamang ito sa nakikitang galit niya. "Kailangan ko pa bang durugin ang lobong iyan sa harapan mo para sumama, Symla? Simple lang akong kausap. Sasama ka o... papatayin ko ang lobong 'yan?"

Lumuluhang napailing-iling siya rito. "Hindi mo alam kung ano ang gagawin niya para sa atin, doktor! Hindi mo siya dapat na tinatrato ng ganito!"

Nagrebelde ang kanyang kalooban! Kahit sabihin pang hindi nito alam ang lahat ay hindi pa rin patas na tratuhin si Amado ng ganoon. Hindi man lang ba nito nakita na maayos siya at halatadong hindi siya pinahirapan? Kahit man lang iyon ay kinonsidera nito ngunit katulad din ito ng iba! Malupit din ang inakala niyang mabait na lumikha sa kanya!

Nagtiim ang bagang nito at dinuro siya. Hinintay niyang paulanan siya nito ng hindi malamon-lamon na salita ngunit sa huli ay nagpakatimpi na lamang ito.

"Kunin ang itim na santa!" sigaw na baling nito sa mga bampira.

Agad siyang nagpumiglas ng dakpin siya. Sinubukan niyang manlaban ngunit sadyang mas malakas ang mga bampira sa kanya hanggang sa maitali ang mga kamay niya at tila isang bigas na isinampay sa likod ng kabayo ng doktor. Agad nitong nilisan ang lugar at wala siyang ibang magawa ng sandaling iyon kundi ang isigaw ng paulit-ulit ang pangalan ni Amado.

YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA)  BOOK 1: SYMLA, ANG ITIM NA SANTAWhere stories live. Discover now