9.2 TUNAY NA PAG-IBIG

418 27 0
                                    

Hindi na niya hinintay na halikan siya ni Amado. Siya na ang umabot sa labi nito at iniupo siya sa kandungan nito. Napasinghap siya ng maramdaman ang mainit nitong palad sa gilid ng leeg niya at pinalalim pa nito ang halik. Napaungol siya sa kakaibang init na lumukob sa sistema niya.

Bahagya siyang lumayo rito at pinakatitigan ang pinakaguwapong lalaking nakilala niya. Ngayon ay mahal na niya at wala na siyang pakialam pa kung angkinin siya nito. Ibibigay niya nang buo ang sarili rito maging ang puso. Magmula sa oras na iyon ay ipinagkatiwala na niya ang puso sa mga palad ni Amado.

Muli niya itong hinalikan. Mabagal at nilasap niya ang ibabang labi nito. Nagpakawala ito ng mahinang ungol na naging dahilan kung bakit nagwala na ng todo ang kanyang puso. "Mahal na mahal kita, Amado," anas niya sa pagitan ng kanilang mga labi.

"Hindi ako magsasawang pakinggan 'yan..." anas din nito at siniil siya ng halik. Wala siyang reklamo kung naging mariin iyon, mapaghanap at napuno ng init. Sinipsip nito ang ibabang labi niya at sinipsip naman niya ang ibabaw ng labi nito.

Napaungol ito. Nauunawaan niya dahil nadama rin niya ang kakaibang kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya. Doon niya nadama sa kanyang pangupo ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito. Mainit at tumitigas. Naghahatid iyon ng kakaibang kiliti sa puson niya. Namamanghang napatitig siya rito at napuno ng ligaya ang puso niya sa kaalamang matindi ang nagiging reaksyon nito sa kanya.

Napakagat siya sa ibabang labi upang pigilan ang pagsilay ng ngiti. Lalong tumingkad ang init sa mga mata nito at nagulat na lamang siya ng sa isang iglap ay naihiga na siya nito sa papag. Agad itong yumukod sa kanya at siniil siya ng halik. Niyakap niya ito sa leeg at tinugon muli ang halik nito.

"Symla... Ah... Symla..." anas nito habang hinahaplos ang hita niya. Napaungol siya sa pagitan ng kanilang mga labi at siniil niya ito ng halik. Nalasap niya ang dila nito at tila nakuryente ang gulugod niya. Napaarko ang kanyang katawan.

Dahan-dahan nitong inalis ang kanyang saplot. Napapahalinghing siya sa bawat haplos nito. Natutunaw siya sa mga palad nito. Nang lubayan na nito ang labi niya ay halos hindi na niya madama iyon dahil sa sobrang init. Kapwa sila kinakapos ng hininga at muli na lamang siyang napaungol ng halikan nito ang leeg niya.

"Amado..." anas niya at paulit-ulit niya iyong ginawa. Naliliyo siya sa sensasyong iyon at patindi na ng patindi ang boltahe sa kanyang katawan. Lumulutang na ang isip niya ng sandaling dumusdos ito pababa sa kanyang dibdib.

"Amado!" nabibiglang saad niya ng madama ang dila nito na naglalaro sa korona ng kanyang dibdib. Unti-unting lumabas ang kanyang pangil dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon. Alanganing init, alanganing kaluwalhatian.

"Ah..." anas niya nang sipsip ni Amado ang tuktok noon. Mapaglaro ang labi nito maging ang palad nitong kinakabisa ang kanyang bawat kurba. Napakadaya ng lalaking ito at gaganti siya!

Bahagya siyang bumangon habang nakasubsob ito sa dibdib niya. Salit-salit ang labi nito sa dalawang dibdib niya. Napapatingala siya sa kaluwalhatian at ang palad niya'y kusang kumilos sa katawan nito... pababa sa pagitan ng mga hita nito. Halos hindi siya makapaniwala sa kanyang nahawakan. Nagngangalit iyon. Nagiinit. Mukhang handa sa matinding pagsabog.

"Symla..." anas nito at muling siniil ang kanyang dibdib. Naging mapaghanap iyon at sa tuwing hinahaplos niya ito ay lalong dumidiin ang labi nito sa dibdib niya.

Halos mapugto na ang hininga niya sa kakaibang init na iyon. Nang balikan nito ang labi niya at nabitawan niya ito ngunit ang pagitan naman ng mga hita niya ang hinawakan nito. Napakislot siya at napaungol kahit nakasakop pa rin ang labi nito sa kanya.

"A-amado..." anas niya at napatingin siya rito ng bumaba ito. Pinaghiwalay nito ang mga hita niya at napalunok siya. Saglit siyang nalito sa gagawin nito ngunit napahiga na lamang siya ng hagurin nito iyon at lasapin. Impit siyang napaungol ng madama ang init ng labi nitong sumasaliksik sa kaloob-looban niya.

"Amado!" napalakas na tawag niya rito nang maramdaman niya ang matinding reaksyon ng kanyang katawan sa ginawa nito. Napasabunot siya rito habang patuloy siya nitong nilalasap. Hindi ito tumigil hanggang hindi siya nito napapaluguran.

Tuluyang lumutang ang kanyang pakiramdam ng madama ang matinding reaksyon ng kanyang katawan. Agad niyang sinalubong ng halik ang labi nito. Nauuhaw siya sa labi nito. Muli niyang hinawakan ang katawan nito pababa sa pagitan ng mga hita nito. Hinalikan niya ito sa leeg, kinapa niya ang pilat nito sa sikmura na nagsara na ng oras na iyon.

Hinalikan niya ang pruweba ng pagmamahal nito sa kanya. Ang lahat ng pilat na naging paghihirap nito para sa digmaang iyon. Ang palad nito na siyang magpipinta pa sa kanya. Hinalikan niya ang dibdib nito kung saan tumitibok ang puso nito, sa kung saan ang lugar niya sa katawan nito.

Bumaba siya sa sikmura nito at napatingala siya rito. Nakatingala ito at nakapikit habang hinahaplos ang kanya ulo. Muli siyang bumaba sa puson nito at napalunok ng makita ang pagkalalaki nito. Bumilis ang tibok ng puso niya at napatingin siyang muli rito. Nakatitig na ito sa kanya. Naghahalo ang matinding pananabik sa mga mata nito at pasusumamo.

Dahan-dahan niyang hinaplos iyon at napaungol ito. Natuwa siya sa narinig dahil mukhang tama ang kanyang ginagawa. Binilisan niya at lalong lumakas ang ungol nito. Nagulat na lamang siya ng bigla siya nitong itayo saka siniil ng halik. Nakatayo na siya sa ibabaw ng papag at nakayuko siya rito habang magkasanib ang kanilang mga labi.

Napasinghap na lamang siya ng buhatin siya nito sa baywang at awtomatikong napakapit ang kanyang mga hita sa balakang nito. Inalalayan siya nito sa pangupo hanggang sa madama niya ang kanilang pagiisa.

"Ah—!"

Napakagat siya sa balikat nito at hindi ito nagreklamo ng bumaon ang pangil niya roon. Hindi naman niya sinipsip ang dugo nito ngunit nanatili lamang siyang kagat ito. Parang sa ganoon paraan ay maiibsan ang sakit na nadarama niya. Ni hindi ito nagreklamo o kumilos. Mukhang hinihintay nitong ganap na matanggap ng kanyang katawan ang pagkakalaki nito. Iyon ang kanyang unang pakikipagtalik at hindi niya sukat akalaing ganoon iyon kasakit. Gayunman ay hindi rin siya magrereklamo. Gusto niya iyon at kay Amado lamang niya gustong gawin iyon.

"Shh..." anas nito at hinaplos ang kanyang noong mayroon ng butil ng pawis. Mabilis pa rin ang tibok ng kanyang puso at alam niyang hindi pa siya nito ganap na nasasakop. "Kung hindi mo kaya, p'wede pa naman nating itigil—"

"Hindi!" awat niya rito at niyakap pa ito sa leeg. "Kaya ko ito. Mahal kita, Amado at kakayanin ko ito dahil gusto kitang makasama sa ganitong pagkakataon..."

Napahinga ito ng malalim at niyakap pa siya nito ng mahigpit. Dahan-dahan siya nitong inihiga sa papag habang magkasanib ang mga katawan nila. Hinalikan siya nitong muli. Hinaplos ang kanyang katawan hanggang sa maging maayos na ang kanyang pakiramdam.

Muli itong umungos. Tiim na tiim ang bagang nito samantalang nakaramdam siya muli ng sakit. Napahawak siya papag at nabaklas niya iyon. Namamanghang napatitig ito sa kanya. Namula ang kanyang mukha!

"Symla... tama na—"

Siya na mismo ang humalik dito at kumilos sa ilalim nito. Napaungol ito sa ginawa niya at nagpatuloy siya. Hindi na niya alintana na halos mabaklas na ang buong papag sa bawat pagkapit niya.Unti-unting nawawala ang sakit at kaluwalhatian ang pumapalit doon. Sa bawat ungos nito papasok sa kanya ay kakaibang ligaya ang hatid noon sa puso niya. Naabot niya si Amado. Nagiging pantay sila nito. Iisa ang tibok ng kanilang mga puso.

Pinagmasdan siya nito habang patuloy ito sa pagkilos sa ibabaw niya. Puno ng emosyon ang mukha nito. Labas-masok ito at patuloy ito sa paghagod sa dibdib niya. Napaungol siya. Tiim na tiim ang bagang nito. Halatadong matindi ang kontrol na ginagawa nito upang muli niyang marating ang sariling rurok.

Bumilis ang kilos nito at napakapit siya rito. Muling bumaon ang pangil niya sa braso nito ng marating niya ang sariling rurok. Nanghihina siya ngunit alam niyang kailangan din niyang kumilos para rito.

Sinalubong niya ito ng paulit-ulit. Sa tuwing bumibilis ito ay ganoon din ang ginagawa niya. Namula ang mukha nito at panay ang tawag nito sa pangalan niya hanggang sa madama niya ang tila paglaki nito sa kaloob-looban niya. Kusa itong tumigil at paulit-ulit na ibinaon ang sarili nito sa loob niya.

"Symla!"

Sinelyuhan ni Amado ang mainit nilang pagniniig ng isang mainit na halik. Tumugon siya sa paraang alam niya, sa abot ng makakaya niyang maipabatid na ito lang ang gusto niya at lalaking nanaisin niyang makasama sa ganoong pagkakataon. Na ito lamang ang lalaking maaaring magmay-ari sa kanya...

YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA)  BOOK 1: SYMLA, ANG ITIM NA SANTAWhere stories live. Discover now