15.2 PAGKAKASUNDO

404 17 0
                                    

"Pakakasalan mo ang lobong si Amado..." malamig na saad ng doktor kay Symla. Pinisil ni Amado ang kanyang palad. Nakaramdam siya ng seguridad at lakas ng loob. Determinadong tumango si Symla at tinitigan ang lahat ng katandaang nakapalibot sa kanila nito.

"Opo, Dr. De Francisco." Malamig din niyang sagot dito.

Magiisang buwan silang nananatili doon ni Amado at hindi na muli pang bumalik ang mga lobo. Bagaman ilang araw na paligid-ligid ang mga ito sa lugar na iyon ay unti-unti rin silang nawala. Sa huli'y tuluyan na nilang hindi nadama ang presensya ng mga ito at tuluyan na rin silang natahimik sa loob ng Ygnacia Escandido.

Napahinga ng malalim ang doktor saka sila tinitigan ni Amado. "Papaano ang pagiging itim na santa mo?" nanantyang tanong nito sa kanya.

Napahinga siya ng malalim. "Sa tuwing ikadalawang daang taon ay isinisilang ang itim na santa. Maaaring hintayin na lamang natin ang pagdating noon at sisiguraduhin kong hindi na siya mapapaslang pa."

Gumanti siya ng pisil kay Amado. Iyon ang sa tingin niyang maibibigay na kapalit ng pagmamahalan nila ni Amado. Tatalikuran niya ang pagiging itim na santa ngunit sisiguraduhin niya ang kaligatasan ng panibagong itim na santa. "Ayoko ring danasin niya ang dinanas ko..." dagdag niya at totoo iyon sa puso niya. Tama ng matapos sa kanya ang saklap ng pangyayaring iyon.

Saglit na hindi nagsalita ang doktor. Tumayo ito at tumanaw sa labas ng bintana. Nanikip ang dibdib niya kung sasangayon ito sa mga plano niya hanggang sa muli itong humarap sa kanila. "Siguraduhin mo ang binitawan mong salita, Symla."

Bigla siyang napakurapkurap at nang masigurong hindi nagbibiro ang doktor ay tuluyang lumiwanag ang kanyang mukha. "D-doktor—"

Itinaas nito ang palad upang patahimikin siya. Tumalima siya ngunit mabilis pa rin ang tibok ng kanyang dibdib dahil sa labis na saya. Napahinga ito ng malalim. "Humihingi rin ako ng pasensya sa mga nagawa ko."

Lumambot ang puso niya dahil hindi niya inaasahan iyon. Mananatiling mataas na ranko ng bampira ito at itinuturing na rin nilang pinuno ngunit hayun ito, bumaba sa trono nito upang ihingi ng paunmanhin ang lahat.

Nagkausap na rin naman sila nito ng masinsinan at pinaliwanagan siya. Gayunman, iyon ang pagkakataong inihingi nito ng pasensya ang lahat. Tila gumaan ng tuluyan ang kanyang puso ng sandaling iyon.

"At ikaw," baling nito kay Amado. "Aaminin ko, hanga ako sa mga ginawa mo at..."

Nagulat na lamang siya ng ilahad nito ang kamay kay Amado. Napatanga rin si Amado hanggang sa tumayo ito at ngising-ngisi na tinanggap ang pakikipagkamay ng doktor. "Mananatiling utang ko pa rin sa'yo ang buhay naming mga bampira," matapat nitong pasasalamat kay Amado.

"Wala hong anuman, doktor," ngiting-ngiting sagot ni Amado.

Napangiti na rin siyang tuluyan at nakahinga ng maluwag. Tanggap ng mga bampira si Amado at natutuwa siya dahil nakikita niyang bukod doon ay iginagalang din ito.

Maging ang mga nakagisnang mga magulang niya ay natutuwa rin kay Amado. Paano'y idinaan nito sa lambing ang panunuyo. Ilag din kasi ang mga magulang niya rito noon at ipinakita ni Amado na hindi ito mahirap lapitan at mabiro ito. Madalas nitong ipagkatay ng baka ang mga magulang niya at hinahandugan ng dugo ang mga ito.

Sagana ang Ygnacia Escandido sa mga hayop. Personal iyong inaasikaso ni Amado katulong ang ilang matatanda doon. Kapag wala ito sa paningin niya ay siguradong doon ito nagpupunta sa likuran: ang pastulan at kuwadra ng mga kabayo. Kung wala ito doon ay mahahanap niya ito sa silid aklatan at nagbabasa-basa ito.

Kung wala man sa dalawang lugar na iyon ay ang huling alam niyang pupuntahan nito at ang sarili nitong silid. Tahimik lamang itong nagpipinta. Nakakasanayan na nitong magpinta sa isang maliit na tela. Halos napintahan na nito ang malaking kisame ng kastilyo at hanga siya sa mural nito.

Napakahusay ng mga kamay nito. Ilang beses na siya nitong naipinta at wala siyang maipipintas dahil hawig na hawig niya iyon. Natutulog man siya o nakangiti. Wala itong kasawaan at sa huli'y nauuwi iyon sa mainit nilang pagniniig. Lihim siyang kinilig sa naisip.

"Isang malaking piging dapat ang maganap sa kabilugan ng buwan, Symla." maigting na suhestyon ng doktor at nagsipagayunan ang lahat ng katandaan.

Agad silang tumango ni Amado. Napangiti siya ng makita ang kaligayahan at kakuntentuhan sa mukha nito.

"Kahit na ano doktor. Kayo ang masusunod..." anas nito habang nakatitig sa kanyang mga labi.

"Oho doktor... kahit na ano... basta... makasal kami ni Amado..." anas niya habang sinasalubong ang labi ni Amado.

Nagsipagungulan ang mga ito ng magsanib ang kanilang mga labi ni Amado. Gayunman ay hindi na nila inalintana iyon. Makikinig pa ba sila gayung napakasarap naman ng kanilang ginagawa? Lihim siyang natawa sa naisip. Ah... masarap naman talaga ang sandaling mahalikan si Amado. Sa sobrang sarap ay nalilimutan na niya ang lahat sa paligid nila.

Iyon lang naman ang mahalaga. Ang sarap na nalalasap nila sa napipintong pagiisang dibdib. Wala na talaga siyang mahihiling pa ng sandaling iyon...

YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA)  BOOK 1: SYMLA, ANG ITIM NA SANTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon