11.5 PUSONG UMAASAM

334 20 0
                                    

Napailing ang kanyang ina habang pumapatak ang luha nito. Bakas din ang sakit at pagsisisi sa mga mata nito. "Aaminin ko, hindi ka nga namin tunay na anak pero... kahit kailan ay hindi namin alam na itim na santa ka. Nalaman lang namin ang tungkol sa itim na santa ng maging bampira kami. Magmula ng maging bampira tayo, ang mga kagaya naming mayroong anak na kasing gulang mo ay kinausap ng doktor. Na mayroong itim na santang naligaw sa Madrid. Naghintay kaming lahat kung sino iyon hanggang sa natuklasan naming na ikaw iyon."

Napaiyak na siyang tuluyan. Gustuhin man niyang magalit sa mga ito ay hindi niya magawa. Mananatiling naging mabuti ang mga ito sa kanya. Inalagaan siya at pinalaki. Ni minsan ay hindi niya nadamang iba siya kaya hindi sumagi sa isip niyang ampon siya.

"S-sino ang mga tunay kong mga magulang?" umiiyak na tanong niya sa mga ito.

Napailing ang ama niya. "Hindi rin namin alam, Symla. Nakita na lang kita na natutulog sa kuwadra ng kabayo. Mahimbing ang tulog mo at nang magising ka... ama ang tawag mo sa akin." Anito saka malungkot na napayuko. "Patawarin mo kami Symla. Hindi namin itinama sa'yo ang lahat dahil natatakot kaming mawala ka. Naging masaya kami ni Mayilda dahil sa'yo. Hindi kami nabiyayaan ng anak at itinuring ka naming sariling amin. Patawarin mo sana kami..."

Lalo siyang naguluhan. "B-bakit hindi ko maalala iyon?"

Agad na umiling ang mga ito. "Kapag tinatanong ka namin noon, ang sinasabi mo lamang ay wala kang maalala. Kaya hindi ka na rin namin kinulit. Inisip na lang naming na may pinagdaanan kang mabigat kaya hindi mo na maalala pero... h-hindi mo maalala ang bagay na 'yon?" naguguluhang tanong rin nito sa kanya.

Sunud-sunod ang naging pag-iling niya. "W-wala akong matandaan..."

Pilit niyang inapuhap sa isip ang mga sinabi nito ngunit napaiyak siya ng matuklasang hindi talaga niya maalala. Paulit-ulit ang paghingi ng paunmahin ng mga magulang niya hanggang sa napahagulgol na rin siyang tuluyan. Niyakap siya ng mga ito.

"B-baka naman naapektuhan ng pagiging bampira mo ang memorya mo kaya hindi mo maalala. Hindi bale, makakaalala ka rin," pampalubag loob ng ama niya at hinaplos nito ang ulo niya. Napatango siya dahil alam niyang isang posibilidad iyon.

"Patawarin mo kami ng ama mo, Symla..." umiiyak na saad ng kanyang ina. "Anak, sumunod ka na lang sa doktor para matapos na." Pangungumbinsi ng kanyang ina kapagdaka.

Lumuluha siyang napailing. "Mahal ko si Amado, ina. Nangako siya sa akin at maghihintay ako. Hindi lang ito para sa akin, para ito sa lahat," aniya saka muling ipinaliwanag ang lahat sa mga magulang.

Malungkot na ngumiti ang mga ito. "Ganyan mo siya kamahal?"

Sunod-sunod ang naging pagtango niya. "Sobra,"

Nagkatinginan ang kanyang mga magulang. "Tatalikuran mo ang pagiging itim na santa?"

Napahinga siya ng malalim at doon niya napagtanto ang isang bagay: na dahil sa nagmahal siya ay kailangan niyang magsakrispisyo. Numero uno ang kanyang obligasyon ngunit mananatiling mayroong alternatibo. "Oo ina. Pero ipinangangako ko, hindi pa rin tayo mauubos. Hintayin natin si Amado. Gagawa siya ng mundo para sa atin..."

Napatitig ang mga ito sa kanya at nang makita ang matinding determinasyon sa mukha niya ay napabuntong hininga ang mga ito. Alam niyang hindi man magsalita ang mga ito ay nadarama naman niyang importante din sa mga ito ang kaligayahan niya. Gayunman, dama pa rin niyang nandoon pa rin ang pagaalinlangan ng mga ito. Nauunawaan niya kung para saan iyon. Mananatili siyang anak ng mga itong iniisip ang kapakanan niya.

YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA)  BOOK 1: SYMLA, ANG ITIM NA SANTAWhere stories live. Discover now