14.3 LOBONG NAGMAMAHAL

369 18 0
                                    

"Mahal na mahal ka ni Amado kaya hindi ako nangiming tulungan siya." malungkot na saad ni Sayah at hinawakan nito ang palad niya. "Hindi siya ang kailangan mong patawarin kundi ang kanyang ama. Anak lamang si Amado, Sylvia. Baka nakakalimutan mo ang bagay na iyon."

Sunud-sunod ang naging pagtango niya rito at niyakap siya nito ng mahigpit. Napaiyak siya sa balikat nito. Inilabas niya ang lahat ng sama ng loob sa sitwasyon. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa ganoon hanggang sa marahan siya nitong tinapik sa likuran. "Hayaan mong paghilumin ka ng panahon,"

"Oo ate. S-salamat..." anas niya at niyakap itong mahigpit. Nang matawa ito sa kanya ay tuluyang nahawi na ang lahat ng pagaalinlangan niya ng sandaling iyon. "Salamat at nakausap kita..."

Humigpit ang yakap nito sa kanya. "Oo pero huli na ito. Nauunawaan mong magkaiba tayo ng mundo, hindi ba?"

Ngumiti siya ng mapait. "Oo ate. S-sama na ako kay Amado sa Ygnacia Escandido."

Napatango ito. "Dapat lang dahil para talaga iyon sa'yo. Magiingat ka,"

Namasa ang kanyang mga mata ng unti-unti itong maglaho sa kanyang paningin. Tila ito isang usok na nawala ng sandaling iyon at nakaramdam siya ng matinding kalungkutan. Napaupo siya sa ibabaw ng bato at tahimik lamang nakatulala.

Ilang minuto din silang nagkausap ng kanyang kapatid. Nayakap niya ito. Nahaplos nito ang buhok niya. Naamoy niya ang pamilyar na amoy nito. Kundi lamang siya isang bampira ay pareho na sila ng itsura nito. Matanda na at maraming kukulbot sa mukha. Ah, mahigit isang daang taon na rin sila nito. Mukhang ganoon ang kanyang itsura kapag lumipas pa ang maraming siglo.

Lumukso ang kanyang puso ng maramdaman ang mainit na palad ni Amado sa kanyang balikat. Nanginig ang baba niya kakapigil na mapahagulgol ng sandaling iyon. Masakit pa rin sa kanya ang lahat pero alam niya kung para saan ang sakit na iyon. Para iyon sa sakit ng nakalipas na itinago sa kanya at kagagawan ng ama nito. Pero tama naman ang ate niya at aminado siya roon. Walang kasalanan si Amado...

Tuluyan na siyang napahagulgol ng marahan siya nitong kinabig at napasandig siya sa dibdib nito. Panay ang halik nito sa kanyang ulo at ibinaon niya ang mukha sa dibdib nito. Ikinulong siya nito doon. Niyakap at pinadama na mayroon pa ring isang tao na handang makinig sa paghihinagpis niya. Na handang ibigay ang lahat para sa kanya...

"A-amado..." anas niya.

"Shh..." masuyong ayo nito at niyakap pa siya ng mahigpit. Tumaas baba din ang dibdib nito. Dama niya ang paghihirap sa hininga nito. Napapikit siya upang namanim ang init nito.

Hinayaan siya nitong umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod siya. Kapwa sila nitong tahimik hanggang sa hawakan nito ang kanyang mukha at masuyong tinuyo ang kanyang mga luha.

"Gusto mong dalawin ang mga magulang mo?" masuyong saad nito sa kanya.

Agad siyang napatango rito at bahagya itong ngumiti. "Sabihin mo kung ano pa ang gusto mong mangyari na makakabawas sa dinadala mo. Gagawin ko. Kahit sa ganoon mang paraan, makabawi ako sa'yo,"

Namasa ang mga mata niya at napailing. "Hindi ka naman dapat na bumawi, Amado." Malungkot siyang napayuko. Nakaramdam siya ng hiya rito. Kahit papaano ay dinamay niya ito sa galit niya. Kung tutuusin ay dinamay niya ang buong mundo. "Patawarin mo ako..."

"Ah... Symla..." anas nito at hinawakan ang magkabilang pisngi niya at pinakatitigan siya. "Huwag kang humingi ng tawad. Natural lamang ang naramdaman mo at tutulungan kitang maghilom."

"Hanggang kailan Amado?" naiiyak na tanong niya rito. "Binitawan mo ang pagiging imortal at ilang taon na lamang ang nalalabi sa buhay mo?"

Lalo siyang naiyak sa sinapit ni Amado dahil sa kanya. Mahal na mahal niya ito at napakasakit para sa kanyang malaman na mayroon sila nitong hangganan.

"Kaya nga ibibigay ko ng buo ang nalalabing oras ng buhay ko sa'yo, Symla." masuyo nitong anas. "Sa loob ng pahanong iyon, hindi ako aalis sa tabi mo."

"Pero aanhin ko ang lahat kundi naman kita makakasama!" luhaan niyang saad dito.

Natigilan ito sa biglang sabog niya hanggang sa lumambot ang mukha nito. Kitang-kita niya ang pagdaan ng matinding lungkot at panghihinayang sa mukha nito hanggang sa napahinga ng malalim. "Symla... aanihin ko naman ang pagiging imortal kundi ko naman maibibigay ang lahat para protektahan ka?" anito saka napatingin sa malayo. "Siguro,para sa'yo ay mali ang ginawa ko. Pero kailan ba naging mali na magsakripisyo para sa mahal mo? Ginusto ko ito dahil alam kong sa ganitong paraan kita maalagaan kahit wala ako."

"Mahal na mahal kita at hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo kahit mamatay ako, Symla. Lahat naman tayo, kailangang mamatay. Oo imortal tayo pero mayroon pa ring paraan para masawi tayo. Nagkataon lang na nagkaroon ako ng katapusan at mas maaga kaysa sa inaasahan natin."

"A-amado..." anas niya. Natutunaw siya sa sinasabi ni Amado.

"Lobo pa rin ako. Nagkaroon nga lang ako ng taning pero hindi ko inilalagay sa isip ko 'yan. Alam mo ba kung bakit? Dahil malulungkot lang akong iiwanan kitang nagiisa dito. Ang iniisip ko na lang ay ito," malambing siya nitong niyakap at kinalong. "Kung paano ko uubusin ang oras ko ng kasama kita. Nang hindi ka nagsasawa sa boses ko at sa mukha ko. Nang hindi ka maiinis sa mga lambing ko, sa mga paghalik-halik ko sa'yo. Iniisip ko kung paano pa kita pasasayahin. Kung paano ko ibibigay ang lahat sa'yo sa loob ng mga taong natitira sa buhay ko."

"Amado..." naluluhang saad niya at napatitig siya rito.

"Symla, huwag mong isipin ang katapusan ko. Isipin mo kung ano pa ang p'wede nating gawin sa loob ng Ygnacia Escandido," lambing nito saka nagkaroon ng kakaibang kislap ang mga mata nito.

Naluluhang natawa siya rito at niyakap niya ito ng mahigpit. Napapikit siya ng madama ang mainit nitong brasong pumalibot sa kanyang baywang. Masakit na isiping mawawala ito isang araw sa kanya ngunit tama ito. Imortal sila na may paraan pa rin kung paano sila masasawi.

YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA)  BOOK 1: SYMLA, ANG ITIM NA SANTAWhere stories live. Discover now