12.1 TEVES

324 17 1
                                    

"Walang nabuo sa sinapupunan ni Symla. Magiisang buwan na at wala akong nadamang senyales na buntis siya," baling ni tandang Hermosora sa doktor matapos siya nitong suriin. Bagaman nakahinga ng maluwag ang doktor ay nakadama naman si Symla ng matinding lungkot. Natural lamang na nais din niyang magkaanak sila ni Amado.

Agad na sinenyasan ng doktor ang tiktik na nakabantay kay Symla at pinalabas. Doon lamang siya nakahinga ng maluwag. Halos maluha na siya sa takot ng sandaling iyon habang nakatitig sa kanya ang babaeng tiktik.

Napailing-iling ang doktor saka dismayadong napatingin sa kanya. "Nakahanda na ang lahat para sa pagiisang dibdib ninyo ngayong gabi ni Teves, Symla. Huwag mong maiisipang tumakas. Hindi ako magdadalawang isip na patayin si Amado sa harapan mo para matigil na ang kahibangan mo," malamig nitong banta sa kanya.

Natawa siya ng bahaw. Sa kabila ng kayang gawin ni Amado ay nanantiling sarado ang isip nito. "Malaki ang utang na loob natin sa kanya, doktor. Kundi dahil sa kanya, pinatay na ako ng mga lobo noon. Siya ang nagligtas sa akin," aniya rito saka ito tinitigan. "Natuklasan din niyang mayroong traydor dito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo nahahanap,"

Napahalakhak ito. "Nagpapaniwala ka sa lobong iyon. Walang traydor dito, Symla." kumpiyansang saad nito.

Napailing siya rito. "Hindi ka naniniwala dahil hindi mo alam kung ilang beses akong nabingit sa kamatayan. Alam ng mga lobo ang nagiging kilos natin!"

Doon ito natigilan hanggang sa napailing ng makabawi. "Imposible ang sinasabi mo. Sinabi ni Teves sa akin 'yan at walang Drigo sa angkan natin. Halatadong gumagawa lang siya ng kwento,"

"Baka nagiba lang siya ng pangalan," giit niya rito.

Galit na hinaklit nito ang braso niya at napaaringking siya sa sakit. Bumaon ang matutulis na kuko nito sa braso niya at pinigilan niyang mapahiyaw. "Huwag ka ng magsabi ng kung anu-ano. Hindi makakatulong 'yan. Magpakasal ka at aanakan ka ni Teves!" asik nito sa kanya.

Doon humulagpos ang pagtitimpi niya at bumukal ang masagang luha sa kanya nga mata—kasabay ang masaganang pagrerebelde ng kanyang kalooban. "Hindi ako hayop na p'wedeng anakan ng kahit na sino!"

Doon niya napagtanto ang bigat ng kanyang resposibilidad. Kung noon siguro ay taos puso niyang tatanggapin iyon ngunit iba na ngayon. May mahal siya at iyon lamang ang gusto niyang makasama.

"Tumahimik ka!" singhal nito sa kanya at marahas siyang binitawan. "Hindi mo maaaring talikuran ang obligasyon mo. Huwag mo akong piliting gumawa ng isang hakbang na pagsisisihan mo pagdating ng araw, Symla." makahalugang banta nito saka ito galit na lumabas.

Nanghihinang napaupo na lamang siya sa kama at napaiyak sa palad. Ilang beses niyang tinawag ang pangalan ni Amado. Gusto niya itong makita at makasama. Ilang gabi niya itong iniiyakan dahil sa labis na pagaalala. Gusto niyang makita ito kahit sa malayo lang. Siguradong gagaan ang kanyang pakiramdam at malilimutan ang lahat ng bigat sa kanyang dibdib.

Pero magiisang buwan na niya itong hindi nakikita. Ikakasal na siya ngayon gabi at hindi na niya maiwasang makadama ng matinding panlulumo. Halos masiraan na siya ng ulo sa lahat ng nangyayari!

Nanatili lamang siyang tahimik maghapon.Nang ipasok ang traje de boda niya ay muli siyang napaiyak sa mga palad. Pinilit siyang patahanin ng mga magulang ngunit nanatiling tahimik lamang siya. Alam niyang wala ring magawa ang mga ito sa kapalaran niya bagaman hindi na nagbukas ng usapin ang mga ito upang pilitin siya sa lahat ng iyon.

"Symla,"

Luhaang nagangat siya ng tingin at napatingin kay Teves. Malungkot itong ngumiti sa kanya at naupo sa tabi niya. Napahinga ito ng malalim at saglit na tumahimik. Mukhang nagiisip din ito ng malalim.

Nang lumabas ang lahat ng tao sa silid niya upang bigyan sila ng pagkakataon ay humarap si Teves sa kanya. "Pasensya ka na, Symla. Hindi ko rin ginusto ito pero... tayo na lamang ang magka-edad na maaari nilang iparehas." Hinging paunmanhin nito sa kanya.

Napatango siya rito at dama naman niya ang sinseridad nito. "Gusto kong makita si Amado, Teves."

Napaisip ito. Ilang sandaling natahimik ito hanggang sa napatango ito. "Alam mo ba kung nasaan siya? P'wede kitang dalhin sa kanya,"

Nagliwanag ang kanyang mukha sa sinabi nito. Hinanap niya ang palatandaang nagbibiro ito ngunit gusto niyang mapasigaw sa saya ng makitang seryoso itong tulungan siya. "T-talaga?" Hindi makapaniwalang paniniyak niya rito.

Napatango ito at seryoso siyang tinitigan. "Ayoko na rin dito. Nagsasawa na akong magtago, makipaglaban at sumunod sa mga bagay na labag sa aking kalooban. Ihahatid kita sa kanya at hindi na rin ako babalik dito,"

Gustong sumabog ng puso ni Symla sa saya sa mga narinig niya. Sa tuwa niya ay niyakap niya ng mahigpit si Teves at bahagya itong natawa. Ilang sandali pa ay inilayo siya nito sa katawan nito at nagkaroon ng kakaibang kislap ang mga mata nito na tila dinaya lang siya ng paningin.

YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA)  BOOK 1: SYMLA, ANG ITIM NA SANTAWhere stories live. Discover now