9.1 DAMDAMIN NG ISANG LOBO

365 23 0
                                    

"TIISIN mo ang sakit, ha." Anas ni Symla kay Amado. Pilit niyang iniignora ang kakisigan nito sa kanyang harapan. Tumango ito at itinuon na niya ang pansin sa mga sugat nito sa likuran. Hindi pa naghihilom iyon dahil mayroong mga kahoy na nakabaon. Napalunok siya at isa-isang inalis iyon.

Mabuti na lamang ay kaya niyang tiisin ang amoy ng dugo nito at natutuon niya ang atensyon kung papaano lilinisin ang sugat nito. Nakahanap sila ng kubo sa paanan ng bundok Banahaw bago pumutok ang araw. May kalumaan na iyon at halatadong matagal ng walang tumitira. Sa ngayon ay hindi siya dapat na magaalala sa mga bampira. Lalakad lamang ang mga iyon kapag wala ng araw. Nakalayo naman na sila sa mga lobo at kampante siyang hindi sila mahahanap.

Napakagat siya sa ibabang labi ng umungol si Amado. Matapos na maalis ang lahat ng kahoy sa likuran nito ay pinunsan niya iyon ng basang tela. Halos manginig na naman siya ng madama ang init ng katawan nito sa palad niya.

"Kuhanin mo ang isang bote sa sisidlan ko," anas nito. Bakas sa boses nito ang sakit.

Tumalima siya at kinuha iyon. Iyon din ang boteng ginamit nito upang gamutin siya. Napahinga siya ng malalim at pinahid iyon sa likuran nito.

"Kanino galing ito?" tanong niya kapagdaka.

"Kay ina bago siya namatay. Bigay daw ng lolo iyan sa kanya. Nakakagagamot iyan nang lahat ng sakit ng mga imortal. Normal na tubig ang itsura niyan pero mayroong orasyon ng mga matatandang lobo,"

Napatango siya rito at muling hinagod ang likod nito. Napalunok siya ng magkislutan ang mga kalamnan nito. Wala itong damit ng sandaling iyon dahil ginagamot niya ito. Isang kapa lamang ang nakatakip sa pangupo nito.

Doon na tuluyang nanginig ang mga kamay niya. Pinapasadahan ng palad niya ang kakisigan nitong ilang beses din niyang nasilayan. Nagtiim ang bagang niya at pinilit niyang itinuon ang atensyon sa mga sugat nito. Napahinga siya ng malalim. Ang binti at likuran ng hita naman nito ang isinunod niya. Pinagpapawisan na siya ng malamig ng matapos iyon.

Pero muntik na siyang mapaungol ng humarap na ito. Napalunok siya sa umbok na nakita sa pagitan ng hita nito. May kahabaan iyon at ang bandang puson nito ay mayroong pinong balahibo patungo sa pusod nito. Natataranta na siya at gusto na niyang pagalitan ang sarili. Sugatan na nga ito, nakukuha pa niyang titigan ang katawan nito? Malapit na niyang itali ang sarili dahil baka makalimot siya sa mga nakikita niya!

"Bakit?"

Napaigtad pa siya ng marinig ang boses nito. Tureteng inalis niya ang nakabaong kahoy sa bandang sikmura nito at nilinis iyon. Hindi siya kumibo dahil alam niyang malapit ng magtraydor ang lalamunan niya. Baka mapiyok siya dahil sa nadarama.

Nang bumaba ang kamay niya sa bandang hita nito at napakislot ito. Napabangon ito at agad na inagaw ang mga kamay niya. Napalunok siya ng masalubong ang mga mata nito na puno ng init at pagpipigil.

"Ako na," anas nito. "Nanginginig ang kamay mo. Baka iba ang mahawakan mo,"

Namula ang buong mukha niya at napayuko. Tinamaan siya sa sinabi nito. Baka nga naman matukso na siyang hawakan iyon! Aaminin niya, naghahatid na ng kakaibang kiliti iyon sa imahinasyon niya kaya hayun siya, hindi mapakali at ang katawan lang nito ang kanyang naiisip.

Doon siya nakarinig ng mahinang pagtawa. Gusto niya itong kurutin! Alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Alam din nito ang tumatakbo sa isip niya at natutuwa ito sa nakikitang pagkailang niya.

Ito na mismo ang nagalis ng kahoy at nagpunas sa binti saka hita nito. "Lagyan mo na ng gamot ang mga sugat ko," anas nito.

Napahinga siya ng malalim at tumalima. Ngunit letsugas ang kanyang mga kamay, ayaw paawat sa panginginig habang hinahaplos ang sikmura nito.

"Symla..." anas nito.

"H-huwag ka ngang umungol d'yan," saway niya rito dahil naapektuhan siya! Parang sarap na sarap kasi ang ungol nito at kakaiba ang epekto noon sa sistema niya.

Bahagya itong natawa. "Hindi ko mapigilan. Sige na. Ituloy mo na,"

Napahinga siya ng malalim at hinaplos naman niya ang hita nito. Napaungol na naman si Amado at napalunok siya. Nanunuyo ang kanyang lalamunan sa naririnig. Kay sarap pakinggan ang ungol nito. Tila napapaluguran niya ito at nilukob ng kakaibang kiliti ang sikmura niya. Parang nagkaroon ng mga paruparong nagliliparan.

Napatitig siya rito at agad siyang nagbawi ng tingin ng makitang matiim ang titig nito sa kanya. Nanikip ang dibdib niya. Marahan nitong hinawakan ang baba niya upang masalubong ang mga tingin nito.

"Mahal na mahal kita, Symla," anas nito. Puno ng pagsuyo ang mga mata.

Namasa ang mga mata niya at ngumiti siya rito. "Mahal din kita at... nakahanda na ako sa lahat ng mangyayari, Amado." Amin niya rito. Napahinga siya ng maluwag dahil tila mayroong isang malaking bato ang naalis sa dibdib niya.

Nang balikan niya ito ay doon niya napagtanto ang lahat. Na kaya niya ito hindi matiis noong ipagtabuyan niya ito dahil sa mga angkan nila ay may nabuo nang damdamin sa puso niya para rito. Na kaya sa tuwing nakikita niya itong nakangiti ay sumasaya din siya. Na kaya nilulukob ng kakaibang ligaya ang puso niya sa tuwing nadarama ang lambing nito ay lumalalim pa ang damdamin niya rito.

Na kaya gayun na lamang niya ito alagaan noong duguan itong bumalik sa kanya ay labis siyang nagaalala rito. Na kaya siya naghihintay dito ay gusto niya pa itong makasama. Na kaya niya piniling sumama rito para hanapin ang babaylan ay para suportahan ito. Gusto niyang maramdaman ni Amado na nagtitiwala siya rito.

Mahal niya ang lobong ito sa kabila ng lahat ng iyon...

YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA)  BOOK 1: SYMLA, ANG ITIM NA SANTAWhere stories live. Discover now