04 THEIR PAST

5.7K 110 12
                                    

"I'm getting married, Xander," seryosong sabi ni Alex.

"Kanino naman, Kuya? Sa dami ba naman ng babae mo, sino ba sa kanila? Don't tell me lahat papakasalan mo?" biro ni Xander sa kapatid.

Tumawa si Alex, pero mabilis din itong naputol dahil sa pagsagot sa nakababatang kapatid.

"Kay Noleen Castillo," nakangising sagot ni Alex.

"Noleen? Siya 'yong anak ng may-ari ng Tales TV Station, 'di ba? 'Yong madalas mong makwento? Congratulations!"

Xander's hand tightened on the steering wheel. He was quite surprised by the news. He had seen Noleen Castillo. She was breathtakingly beautiful and her strong character interested him. This was the only woman his brother Alex mostly liked to talk about so he shouldn't be surprised. Siguro magiging faithful naman ito sa asawa.

"Ibig sabihin niyan magiging one woman-man ka na, Kuya!" palipad-hangin ni Xander.

Mahinang tumawa ang kapatid. "We'll see." Alex gave a slight nod and added, "It was her who proposed." He shifted on his seat, clearly uncomfortable with the said topic.

"How are the preparations going? Do you need help?" tanong ni Xander.

"Thanks for the offer." Ngumisi si Alex, "I'll let you know if something comes up." 

Maagang bumyahe sina Xander at Alex papunta sa hotel kung saan sila maghahanda para sa kasal

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maagang bumyahe sina Xander at Alex papunta sa hotel kung saan sila maghahanda para sa kasal. Napansin ni Xander na parang ninenerbyos ang kapatid.

"Shit!" Sinuntok nito ang dashboard. "Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko. Fuck!" Mula sa gilid ng mata ni Xander, nakita niya na inihilamos ng kapatid ang kamay nito sa mukha.

"Kuya, anong problema?"

Hindi sumagot si Alex at paulit-ulit itong tumitingin sa suot na relo. Nagtataka si Xander dahil hapon pa naman ang kasal pero parang nagmamadali ito.

"Kuya?"

"Ihinto mo, Xander. Ihinto mo 'tong sasakyan."

"What are you talking about?" Hindi sumunod si Xander sa utos ng kapatid, pero binagalan niya nang kaunti ang pagmamaneho.

Gusto niyang magalit sa inaasal ng kuya. Ihinto ang sasakyan? What in the world was he talking about?

Ilang araw bago ang kasal nito kay Noleen, wala itong ginawa kundi lumabas at mambabae. Gabi-gabi rin ang pag-uwi nito na nangangamoy ng alak. Pinagsabihan niya ang kuya pero para kay Alex, balewala lang ang lahat ng ito.

"Si Papa ang may gusto nito! It was an arrangement! Kung 'di lang nabuntis ang babaeng 'yon!"

Nanlaki ang mga mata ni Xander.

"A-ano?" tanong niya. Hindi niya napansin na sobrang higpit na ng hawak niya sa manibela.

"It was her fault for falling for me! I only wanted to use her so I could make it to the limelight. Ginamit ko siya para ipasok niya ako at ipakilala sa mga taong may koneksyon sa showbiz," pag-amin ng kuya. Isinandal nito ang ulo sa bintana ng sasakyan.

Utos NiyaWhere stories live. Discover now