19 CRUZ

2K 51 4
                                    

 Pinagbuksan ni Cruz ng pinto si Noleen, but the woman didn't take the hand he offered.

"Good night, Miss," mahinang pagpapaalam ni Cruz.

Lumingon ito sa kanya, mukhang naiilang. "Thank you."

"My pleasure."

Naglakad na ulit si Noleen pero muli itong tinawag ni Cruz.

"Ano?!" naiiritang tanong nito.

Kailan kaya darating ang araw na ngingiti ito kapag makikita siya?

Hindi na yata darating ang araw na 'yon.

Cruz memorized Noleen's face that night. Mula sa pagtatagpo ng mga kilay, sa naniningkit na mga mata, sa labi na mariing nakasara, at sa anggulo ng mukha na parang nakatingala at minamata siya.

Her irritated look.

Ngumiti lang si Cruz muli at malambing na sinabing, "Bye."

At tuluyan na itong tumalikod sa kanya. Hinintay niyang makapasok ito sa loob ng bahay bago niya hinarap muli ang sasakyan.

Pagdating sa loob ng kotse, hindi kaagad ito pinaandar ni Cruz. Tinawagan niya si Senri.

"Senri, I have decided. I'm going back to Canada."

"Why so sudden?" nagtatakang tanong ng kaibigan sa kabilang linya.

"I can't stay here. Baka kung ano pa magawa ko. Mas mabuti pang magpakalayo-layo."

"Cruz . . ."

Tumawa siya nang mahina. "Sige na, maghahanda pa 'ko sa flight."

"You made the right decision then."

Sana nga . . .

"Siya nga pala, gusto mong malaman results no'ng audition? I will send them out on Thursday night," Senri added.

"Hindi na, kilala ko na kung sino'ng nakuha mo."

This time it was Senri who chuckled. "You're right. Kayo lang naman nag-stand out."

"Paki bati nalang si Xander para sa 'kin. I—I can't talk to him now."

"I'll do that. Any messages for his manager?" pagtutukso nito. Nang-aasar talaga ang lokong ito.

Inumpog ni Cruz ang sarili sa manibela.

"Gago!" saway ni Cruz, pero napatingin siya sa bahay ng mga Marudo at nakitang bukas ang ilaw sa isa sa mga kwarto. Alam niyang 'yon ang kwarto ni Noleen. Naalala niya 'yong gabing binantayan niya itong matulog.

Umalis siya sa kwarto noon at sa labas naupo dahil natakot siya. Hindi naman siguro epekto 'yon ng gamot na naibigay kay Xander. Malayong gano'n ang nangyari, pero basta umalis lang siya dahil iba ang naramdaman niya. Kahit noon pa man, parang hinahatak siya ng kalungkutan ng babaeng iyon at hindi niya 'yon gusto.

Hindi ito awa.

Nang mga panahong iyon, kilala niya lang si Miss Noleen Castillo bilang nag-iisang anak na babae ng president ng isang sikat na agency. Laman ng iba't ibang magazines ang achievements nito. She was the independent kind of woman. She loved the attention of the press and the media, especially when the media would flaunt and praise her works. Professional at dedicated talaga ito sa trabaho. Behind that sweet and innocent smile of hers lay a strong personality and no one should be able to break that kind of spirit.

No one.

Noleen, for Cruz, was a female of worth. She was worth the time, the effort, the attention. She deserved to be loved and adored. She deserved his friend's damned devotion.

Napahigpit ang hawak niya sa manibela.

"Ano nga? Any messages for her?" pagpipilit ni Senri.

Wag masyadong hayaang madurog ang puso, or I'll come back for her.

"Pakisabi, babalik ang 3% sa binayaran ng asawa niya. Kuripot na kung kuripot, at least may discount." Tinapos niya na ang tawag at pinaandar ang sasakyan.

Oo, babalik siya sa Canada . . . bago tuluyang madurog ang puso niya.

Utos NiyaWhere stories live. Discover now