18 SOMETHING PAINFUL

2.2K 46 8
                                    

Nang pumasok si Cruz sa loob ng hotel napatingin sa kanya ang ilan sa mga staff, kabilang ang mga receptionists, na nakilala siya. Pero bago pa man siya batiin ng mga ito ay sumenyas na siya para huwag nang gawin ang binabalak na pagbati.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Noleen.

Napatingala siya at nagkunyaring napahikab.

Pinagtaasan lang siya nito ng kilay at naunang pumasok sa loob ng restaurant.

Hinila ni Cruz ang silya para kay Noleen bago siya naupo sa harap nito. Maagap na pumunta ang waiter sa table nila at inabot ang menu.

"Um-order ka na," sabi ni Cruz. "Ako magbabayad."

Noleen looked at him incredulously as if he said something ridiculous. "Kaya kong bayaran ang kakainin ko. May pera ako."

Oo nga naman, asawa si Noleen ng may-ari ng malls, at ang tatay nito ay presidente ng isang talent agency at TV station. Pero gusto ni Cruz na siya ang gumastos kahit para lang dito.

"Libre ko," pagpupumilit niya.

"Ayoko," pagmamatigas ni Noleen. "Kung gusto mo ako pa manlibre sa 'yo?"

"Alright, Miss Noleen," sabi ni Cruz. Wala na siyang magagawa, alam niyang may pagkamatigas ang ulo ng babaeng ito. "Ililibre mo 'ko? Gusto ko nito, nito, at dalawang order nito para sa dessert," pilyong sagot ni Cruz, nakangisi habang nagtuturo ng random things sa menu.

Tumango lang si Noleen at nagpalinga-linga sa paligid na parang may hinahanap.

"Nasa'n?"

"Ang?" tanong ni Cruz.

"Hmm?" sabi lang ni Noleen habang lumingon-lingon para makita ang mga tao sa kanyang likod.

Wala.

Maya-maya pa muling bumukas ang pinto ng restaurant at pumasok na si Xander kasama ang isa sa girlfriends nito.

At ang unang pumasok sa isip ni Noleen?

Hindi ako makahinga . . .

Nakaakbay si Xander sa babae. Ang babae naman nakapulupot ang kamay sa baywang ni Xander. Hindi na maayos ang suot na damit ng asawa, nakabukas na ang mga butones nito, at ang buhok na naman ay parang ilang beses sinabunutan.

Nakangiti ang babae na parang ang sarap hambalusin ng pagmumukha.

Sandali lang itong tiningnan ni Noleen, agad din siyang yumuko at mapaklang ngumiti. Lingid sa kanyang kaalaman, sinundan ni Cruz ang tingin niya at nagdilim ang paningin nito sa galit.

Huminga muna si Cruz nang malalim bago marahas na tumayo. Good thing she was able to grab his shirt. "'Wag! Hayaan mo na," pagpigil ni Noleen.

"Anong hayaan?!" singhal ni Cruz, tutok na tutok kay Xander ang mga mata nito habang inaalalayan ng kaibigan ang ka-date sa pag-upo.

Napatingin ulit si Noleen kina Xander at kitang-kita niya ang paghalik ng asawa sa pisngi ng babae gaya ng ginawa nito sa kanya kanina.

"Basta! Hayaan mo na sila," tipid na sagot ni Noleen na tila nanghihina.

Nang lumuwag ang pagkakahawak ni Noleen sa damit ni Cruz, dali-dali siyang kumilos, pero maagap ring tumayo si Noleen para itulak siya sa upuan.Noleen's back was on Xander's line of vision so he wouldn't be able to see her.

"Kapag sinabi kong 'wag! 'WAG!" galit na galit na sabi ni Noleen. Hindi niya alam kung saan niya nahugot ang lakas, pero marahil ay dahil na rin ito sa kagustuhan niyang hindi siya makita ni Xander . . . baka kung ano pa ang isipin nito.

Utos NiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon