30 PHONE CALL

1.4K 40 1
                                    

Cruz, anong ginawa mo? Anong nagawa mo?

"Ahhh. Shit!" Malakas na napamura ang binata kasabay ng pagsuntok niya sa manibela. Nasa loob siya ngayon ng sasakyan pero hindi pa rin niya ito pinaaandar.

Susundan ba niya si Noleen? Ano naman ang gagawin niya? Babawiin niya ang mga salitang nasabi na?

Humugot siya nang malalim na hininga at pinakawalan din ito. "Fuck! Ano ba itong pinasok ko?" naguguluhang tanong niya sa sarili. Inihilamos niya ang kamay sa mukha, nanlulumo. Nanliliit sa nagawa.

"No regrets, Xander. No regrets." Ito nga ang mga salitang sinabi niya nang gabing pinaubaya sa kanya ni Xander si Noleen, ang babaeng mula noon pa ay naging laman na ng lokong isip niya.

He accepted Xander's request. Now he must live up to it. He must do his job. But how could he do this kung ang ibinigay sa kanyang responsibilidad ay nagiging daan para mas lalong mapalapit sa babaeng 'yon? Kung ito ang nagiging dahilan para lumalim ang atraksyon na nararamdaman mula pa noon?

Sandaling napatawa si Cruz nang mahina. This situation reminded him of the story of Adam and Eve when Eve offered the forbidden fruit to Adam. Sa sitwasyon naman niya, it was Xander who offered the fruit in the form of his very own wife. And for a man like Cruz, it was the kind of temptation he couldn't resist.

"Martha! Martha, nasa'n ka?!" sigaw ni Noleen pagpasok na pagpasok sa bahay nila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Martha! Martha, nasa'n ka?!" sigaw ni Noleen pagpasok na pagpasok sa bahay nila. May boses na sumagot mula sa direksyon ng dining room. Dire-diretso lang siya ro'n hanggang sa makarating siya sa kusina. Muli niyang tinawag ang kasambahay hanggang sa makita niya na rin ito.

"May tumawag ba?" hinihingal niyang tanong. She ran all the way from the garage just to ask this question. Nag-aalalang sumunod ang iba pa nilang kasambahay, ang hardinero, ang kanilang head butler, kahit ang driver na minsan lang nila pinapapasok sa trabaho.

Ito ang unang pagkakataong makikita nilang nagtatatakbo ang among ayaw na ayaw masira ang kanyang perpektong poise.

"Miss Noleen, magandang gabi ho," mahinahong bati ni Martha na iniwan ang nilulutong hapunan. Lumapit siya sa amo habang pinupunasan ang kamay sa suot na apron.

Nakita ni Martha ang kapwa mga kasambahay sa likod ng babae. Binato niya ang mga ito ng tingin na nagsasabing 'Anong nangyayari?' ngunit tanging mga pag-iling at pagkibit-balikat lang ang sagot na nakuha niya.

"May tumawag ba?" mariing ulit ni Noleen na halatang nauubusan na ng pasensya. She checked her wristwatch and a frustrated sigh escaped her lips. Kung tama ang pagkakaalala niya sa schedule ni Xander, nasa isang dinner date ang asawa sa mga oras na ito.

"Kung si Sir Xander po ang tinutukoy niyo, hindi pa po," malungkot na sagot ni Martha.

"Sigurado ka diyan, Martha?"

"Opo," nakayukong sabi nito.

"Gano'n ba?" Nabitiwan ni Noleen ang shoulder bag sa sahig, pero hinayaan niya lang ito. Nagsimula na siyang maglakad palabas ng kusina na para bang wala sa sarili. Nagsitabi ang mga taong nakaharang sa pinto at pinadaan ang among kahit dalawang araw pa lang ang nakalilipas ay alam nilang nanghihina na.

Utos NiyaWhere stories live. Discover now