11 THE TRAGEDY

3.2K 63 3
                                    

"Boss, siya na ba 'yon?" tanong ng lalaki sa leader nila habang tinuturo ang matipunong lalaking papalapit sa isang kotse.

"Oo, siya 'yong nandito sa picture," sagot ng leader.

"Bakit ba natin gagawin 'to ulit?"

"Siya 'yong ungas na nanakit kay Miss. Kanina pa natin sila sinusundan ngayon mo lang naisip itanong!"

Hawak-hawak ang isang dos por dos, sinenyasan na ng leader ang iba pang kasama niya para palibutan ang lalaking minamatiyagan. Matagal na nilang hinihintay ang pagkakataong ito, buti na lang sinwerte sila ngayong gabi.

"Sir Alex! Long time no SEE!" wika ng leader sabay hampas ng hawak na dos por dos sa batok nito.

Napaluhod ang lalaki sa lakas ng pagkakahampas niya. Hindi na nila hinayaan pang makapagsalita ito, pinagtulungan na nila itong sipain at tadyakan. Hindi pa nakuntento ang iba, sunud-sunod na pinaghahampas din nila ito ng kanya-kanyang hawak na dos por dos.

"Para sa pagpapaiyak mo sa amo namin!"

"Anong—a—" Sinubukang tumayo ni Xander, lumalabo ang paningin niya. May biglang sumipa sa likod niya at napadapa siya sa kalsada.

"Shut up! Sa susunod pumili ka ng paglalaruan mo!"

"Xander!" sigaw ni Noleen na mabilis na tumakbo papalapit sa kanilang lahat. Nabitiwan niya ang hawak-hawak na mga bulaklak nang makita niyang duguan ang asawa at napalilibutan ng mga lalaking hindi niya kilala.

Xander's heart pounded in his chest when he heard his wife's voice.

Fuck!

The fear for her was strong enough to make him try not to pass out with the pain. Sinubukan niyang tumayo, pero sa sakit ay hindi niya halos maigalaw ang mga braso para suportahan ang katawan.

Nakita niyang hinawakan si Noleen sa magkabilang braso ng dalawang lalaki.

Ah shit . . . I have to get there . . .

"Mga bastos kayo! Anong ginagawa n'yo sa asawa ko?!" sigaw ni Noleen habang patuloy na sinusubukang kumalas sa pagkakaharang sa kanya.

Natawa ang leader. "Kelan pa nagkaasawa si Sir Alex? Napakailusyonada mo naman!"

"Hindi siya si Alex—"

"Noleen! Umalis ka na!" sigaw ni Xander sa kanya habang pinipilit pa rin ang sariling makatayo.

"Nakakapagsalita pa ang gagong 'to?" komento ng isang lalaki sabay sipa ulit kay Xander. Sinadya nitong tamaan siya sa paa kung saan siya hinampas nang paulit-ulit.

"Tama na!" pakiusap ni Noleen habang wala siyang magawa kundi panoorin ang ginagawang pambubugbog sa asawa. "Ano bang ginawa ng asawa ko sa inyo! Itigil n'yo na 'yan!" Naramdaman niya ang kusang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

Ano ba ang kasalanan ni Xander sa mga lalaking 'to?

"'Yang tarantadong lalaki na 'yan ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang amo namin!"

"Hindi siya si Alex!" Ilang beses na ba niyang hiniling noon na sana si Alex na lang si Xander? "Hindi siya si Alex, ano ba!"

Ngayon nagsisisi siya.

Ano ito, karma?

Heto siya't pinagsisigawan ang totoo, nakikiusap at kulang na lang ay lumuhod sa mga lalaki para paniwalaan siyang hindi si Alex ang asawa.

"Maawa na kayo!" Si Noleen Castillo Marudo . . . nagmamakaawa sa harap ng mga walang kwentang lalaking 'to.

Napapikit siya nang makitang muling sinipa si Xander nang sinubukan nitong tumayo. Bakit ngayon pa nangyayari ito? Bakit kung kailan masaya na sila? Bakit kung kailan okay ang lahat?

Utos NiyaWhere stories live. Discover now