16 THE AUDITION

2.4K 53 3
                                    

"Ako ay may lobo, lumipad sa langit—"

"Fuck! Sino nagpapasok niyan dito?!" sigaw ni Senri.

Tinakpan ni Noleen ang bibig dahil natatawa siya. Sobra naman itong applicant na ito, napaka-creative! Kanina niya pa na-e-enjoy ang panonood sa audition, at syempre masaya ang mood niya ngayon dahil so far para sa kanya, mga walang binatbat ang mga ito kay Xander.

Maraming lalaking may itsura, pero iba pa rin talaga ang asawa niya.

Ang kukuhaning mga applicants para sa audition na ito ay i-inform via email kaya hindi pa rin siya makakasigurado, pero malakas ang kutob niyang makukuha ang asawa. May tiwala siya kay Xander.

Ngayon heto siya, katabi ang nag-iinit ang ulo na si Senri. Inilapag niya muna ang hawak na bulaklak sa lamesa para sawayin ito.

"Senri, let him finish," seryosong pakiusap ni Noleen. Tiningnan lang siya nang masama ni Senri pero tumigil din ito sa pagpapatawag ng mga guards para ipahuli ang panglabing-walong aplikante.

Muli nilang ibinaling ang atensyon sa nag a-audition sa harap. Wagas itong nakangiti kay Noleen at halata sa mga mata nito ang pagpapasalamat. She nodded her head in response.

"'Di ko na nakita, PUMUTOK!—" Malakas na pinagtama nito ang mga palad. "—na pala . . ."

Bakas sa mukha ni Senri ang galit habang pinanonood ang lalaki. Kinuha naman ni Noleen ang bulaklak at inamoy-amoy ito habang nakangiti pa rin.

"You're enjoying this, aren't you?" naaasar na sabi ni Senri.

Hindi siya makapaniwalang ginawa siyang judge para lang panoorin ang kalokohan ng mga aplikanteng ito.

"Hmm?" Itinaas ni Noleen ang dalawang kilay to give him an inquiring look. But inwardly, she was really having fun. Seeing this 'serious' theater producer on edge was quite entertaining.

BAM!

Pareho silang napabalikwas ng pagkakaupo nang may humampas sa lamesa. Sa lakas, parang nabingi sandali si Noleen. Inalalayan ni Senri ang kanyang likod para hindi siya matumba, siya naman napakapit sa balikat nito.

A low voice gritted out. "Number 19. Xander Marudo."

Pumasok si Xander sa loob ng audition room

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pumasok si Xander sa loob ng audition room. Sinabihan niya si Cruz na ito ang bahala sa paghahanda para sa gagawin nila, pati na rin sa pagbibigay ng lahat ng kailangan sa organizer.

Inilibot niya ang mga mata at hinanap ang kanyang asawa na nakikipag-usap sa gagong lalaki na 'yon. Pansin niya ang pamumula ni Noleen at ang maliit na kurba sa labi no'ng Senri.

Nagdilim ang paningin ni Xander.

In three long strides, mabilis siyang nakalapit sa dalawang ito at malakas na hinampas ang kamay sa lamesa.

"Number 19. Xander Marudo."

Fuck!

Hindi niya alam kung dapat magsisi siya sa ginawa niya. Mas lalong napalapit pa ang dalawa, parang nakayakap ang lalaki sa asawa at si Noleen naman nakakapit sa balikat nito. Nakatingin pa sila sa mata ng isa't isa.

Utos NiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon