25 AND HE APPEARS

2.1K 41 6
                                    

Napatingin si Xander sa direksyon ng entablado. Magulo ang pagkanta ng singer doon. Paputol-putol na para bang wala ito sa konsentrasyon.

"Xander I asked you a question." Inulit ni Erica ang tanong at muli niyang binalik ang mga mata rito.

"Unexpected attack?" he chuckled. "You mean, women trying to get their hands on me?" binigyan niya ng nakakalokong ngiti si Erica, pero hindi nadala rito ang dalaga.

Seryoso pa rin ang hitsura nito na may halong pag-aalala. "Well you zee, Xander, there is zomething about mon frère . . ."

Nagtagpo ang mga kilay ni Xander at inilapit ang ulo kay Erica pero ang direksyon ng ulo niya ay sa entablado, hindi niya maayos na marinig dahil sobrang lakas ng tugtog sa club. Sinasadya yata ng kumakanta na gawin 'yon.

"What about your brother?"

"He waz mad about—"

Nawala ang konsentrasyon niya sa sinasabi ni Erica, pinapakinggan niya ang kinakanta ng lalaki kahit parang galit ito. Muli niyang kinuha ang baso at uminom dito.

Bakit nga ba humantong dito ang usapan nila? Gusto niya nang umuwi. Gusto niya nang makasama ang asawa. Naghapunan na kaya ito? Madalas niyang naaabutan ito na tulog na, minsan naman hinihintay pa siya.

Sarkastiko siyang napangiti sa naisip. Hinihintay siya? O ang balita niya tungkol sa babae niya?

Nakakapagod ang trabaho . . . Nakakapagod ang ginagawa niya. Pero kailangan. Ang tanong bakit niya nga ba ito ginagawa?

Dahil mahal mo siya . . . at nangako ka . . .

'Yon lang ang naiisip niyang sagot sa mga katanungan niya ngayon.

Inilapat niya ang baso sa kanyang noo at yumuko. Malamig 'yon, kasing lamig ng asawa niya sa kanya. Napangiti siya ulit pero ngayon, ang ngiti niya ay malungkot.

"—and zen, Xander, are you lizening? "

Napatingin ulit si Xander sa babaeng kasama. "I have to go," tulalang sabi niya. Gusto niya nang umuwi.

Gusto niya nang umuwi.

Gusto niya nang umuwi.

Noleen . . .

Tuluyan nang pinutol ng lalaki ang pagkanta. Hindi ito tinapos. Nakarinig sila ng feedback ng mikropono at tinakpan sandali ni Erica ang tenga. Xander slightly winced.

"Now?" tanong ng babae no'ng nawala na ito. She felt a pang of disappointment para kasing distracted si Xander. Sinasabi niya rito kanina pa ang tungkol sa kapatid niya. She told him about her brother's angry threat when they were at the hospital.

Tumango si Xander. "I'm sorry, chérie."

"I underztand." Malungkot na ngumiti ang dalaga.

No'ng nakita 'yon ni Xander saka niya lang naalala ang role niya bilang ka-date nito. Muli siyang ngumiti, but this time his smile was wicked. And then again his mask was back in place. He moved closer to her.

He saw the blush that creeped over her neck. He slightly touched the pulse on the side and she raised her head up to him.

Nakagat ni Erica ang labi sa ginawa ni Xander. Lalo namang lumapad ang ngiti ni Xander no'ng makita ang reaksyon nito.

In a breathless voice she told him, "Kiz me?"

"You never have to ask me." Sagot niya. He began to lower his head and Erica closed her eyes. Her heart racing inside her chest in anticipation.

Utos NiyaWhere stories live. Discover now