21 A DAY TOGETHER

2.2K 47 0
                                    

They had been doing this for more than an hour now.

"Spread your legs. We're not done yet," Xander seductively said while grinning at the woman underneath him. Kanina pa sila gumagawa ng kahalayan, pero heto siya't sinasabing 'di pa sila tapos.

Ikinapit ng babae ang dalawang kamay sa kanyang batok at naghalikan sila na parang walang bukas.

"Okay, cut!" sigaw ni Noleen.

Unti-unti nang nag-i-improve ang career ni Xander. Mula nang lumabas ang first ever commercial nito, nagkaroon kaagad ito ng project offers—from modeling, to acting, kahit mula sa maliliit lang na producers.

Nandito sila sa set para sa second movie ni Xander na syempre ay pinamamahalaan at isinulat ni Noleen. They had been taping a bed scene. And yes, it was Xander with another woman on the bed doing something intimate.

The female lead wore nothing but her underwear, same with Xander. They were covered by a thin blanket. From Noleen's line of vision, ang nakikita niya lang ay ang gwapong likuran ng asawa habang nakasampa ito sa kama, his hand on the headpost, his head turned away from the camera, he was breathing heavily from exhaustion.

And what could she tell about the scene?

It was perfect.

Ganito si Noleen—kapag trabaho, trabaho. Walang sinasanto. Demanding na kung demanding. But she was passionate and dedicated to her work. And she was glad na kaya niyang maging propesyonal pagdating dito, dahil kung hindi, siguro matagal na siyang namatay sa pagkadurog ng puso.

Lumapit siya kay Xander sa kama. "Nice job, Tin. Pwede ka nang magpalit," sabi ni Noleen sa babae, na agad umalis para magbihis.

Binaling ni Noleen muli ang atensyon kay Xander na nakahiga, bagsak ang katawan na parang wala nang ganang bumangon pa. Ang kanang braso nito ay nakatakip sa mga mata. Hindi niya tuloy alam kung ano ang ekspresyon sa mukha nito.

"Xander . . ." tawag niya. "You were great! Maayos ang nakuha natin," she said, her voice cheerful.

Hindi pa rin nito inaalis ang braso, pero narinig niyang mahinang bumulong ito. "I hate this."

She ignored what he said. "Tumayo ka na diyan. Maghanda ka na para sa next scene."

"Hindi ko gustong pinapanood mo 'ko, Noleen," paliwanag ni Xander, nakatingin na nang diretso kay Noleen.

His eyes spoke a lot. If only he knew how much pain in that look reflected in her own. How much this situation was killing them both.

Sinubukan niyang gawing biro ang lahat. "Ngayon ka pa nahiya sa 'kin. Nakita ko na 'yan," biro ni Noleen at kinindatan si Xander.

Tumawa ito nang mahina, pero halatang pilit. "What I mean is—"

"Dali na. Tumayo ka na," pagputol ni Noleen.

Kahit papaano nagiging mabait din naman siya rito. Hindi nga lang gano'ng halata. Patuloy pa rin sila sa mga almusal nila sa umaga. Pinagtitimpla niya na rin ito ng kape. Ang iniisip ni Xander, ginagawa niya lang ang lahat ng ito bilang kapalit sa ginagawa nitong pagsunod sa lahat ng mga utos niya.

Tama si Xander.

Pero hindi lang naman 'yon ang rason.

May isa pa.

Ito ay dahil hindi niya matiis ang asawa.

Ito ay dahil hindi niya matiis ang asawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Utos NiyaWhere stories live. Discover now