26 NO REGRETS

1.9K 37 1
                                    

Lingid sa kaalaman ng mga kaibigan, agad na bumalik si Cruz sa Pilipinas. Matapos niyang makita ang televised autograph session ni Xander ay nabahala siya. Isang linggo lang ang itinagal niya sa America. Hindi niya ipinaalam miski kay Senri dahil alam niyang mapagsasabihan siya nito o 'di kaya'y pagagawin siya ng mga kalokohan. Gaya na lang noon. Pero ngayon, susugal siya. Ngunit pinapaalala niya sa sarili na wala siyang balak makigulo. Gusto niya lang na malapit lang siya sa oras na kailangan siya nito. This was his nature. His protective instincts were taking over.

"—about Noleen."

Nang marinig niya ang pangalan ng babaeng dahilan kung bakit gulong-gulo ang isip niya ngayon, napaupo siya nang 'di oras sa kama at mahigpit na hinawakan ang cellphone na nakadikit sa tainga.

He became serious.

Hinayaan niyang magsalita ang kaibigan.

"Pagkatapos ng taping, kakain na siya. Pumapatol 'yon sa fastfood o kahit anong processed food na maibibigay ng crew tuwing oras ng trabaho—Cruz, 'wag mong hayaang kumain lang si Noleen nang basta-basta."

Para bang pinag-iisipan nito ang lahat ng bagay. Iniuutos sa kanya ang mga dapat gawin. Sandali . . . bakit parang namamaalam ito? Saan ba pupunta ang kaibigan niya? Bakit sinasabi ni Xander ang mga bagay na ito sa kanya?

"Ayaw nga pala ng asawa ko sa gulay. Pero, Cruz, pilitin mo. Pilitin mo siyang kumain, nakikiusap ako."

Mga gusto at ayaw ni Noleen. Mga bawal sa kanya. Mga routines niya sa set at pagkatapos ng trabaho. Ang schedule ng kanyang pagkain at kahit ng pag-idlip.

Lahat ay alam ni Xander.

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito, mas lalong binabagabag si Cruz ng konsensya.

Nanahimik lang si Cruz.

Maya-maya pa'y may narinig siyang umagaw ng atensyon niya. "'Wag ka masyadong malapit. Kapag tiningnan ka na niya nang masama, lumayo ka na."

What the hell did that mean? Paano niya 'yon maiiwasan?

Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero pinutol siya ni Xander. "Hindi niya gusto na tumitingala siya sa iba."

Pati 'yon alam niya?

"Kapag nagsisinungaling siya, kaya ka niyang titigan sa mga mata, but try to look at her hands, particularly her fingers." Xander, though forced and strained, chuckled, then added, "Damn, I just found that out last month. Kung nalaman ko kaagad, e 'di sana . . ."

"Pare, tapatin mo nga ako," singit ni Cruz. "Are you telling me all of these things because you're giving me Noleen Castillo?" Cruz finally asked, cutting Xander's thoughts.

"What—"

"And may I remind you, that this woman, is your WIFE?" sarkastikong putol ulit ni Cruz sa kaibigan.

"Alam ko kung anong gusto mong sabihin." Tumaas ang tono ng boses ni Xander sa kabilang linya. "All I'm asking is you give me some time! Goddamnit, pare. Hindi ko rin gustong gawin 'to. May kailangan lang akong tapusin."

"Mga babae mo," malamyang dugtong ng binata.

"THEY ARE NOT MINE!"

"Yeah, right."

"Cruz, just listen to me," naaasar na paliwanag ni Xander. "Wala na 'kong pakialam at wala na 'kong kakayahang ipaliwanag sa 'yo ang mga bagay na kahit ako, hindi ko rin maintindihan. I just want you to be there for Noleen. Ikaw lang pinagkakatiwalaan ko. I'll be out of Manila for a couple of days . . . maybe weeks. I don't know. I just want to make sure that my wife is being taken care of. Please, listen to everything that I'll be telling you."

Utos NiyaWhere stories live. Discover now