20 CELEBRATION

2K 52 2
                                    

Xander came up from behind Noleen on Thursday night, peeking at what she was doing in front of her laptop.

"What's the result?" Xander asked, pertaining to the audition.

"Tinatanong pa ba 'yan?" sagot ni Noleen.

Kanina niya pa nalaman na isa si Xander sa mga natanggap. Mahaba pala ang commercial na gagawin, parang isang short film. 'Yon na siguro ang magiging debut ni Xander.

"Are you happy?" biglang tanong ni Xander.

Tumango si Noleen. Mula kasi sa project na ito madali na lang ang mga susunod na hakbang para maipasok siya sa showbiz.

"Same here," bulong nito.

She shivered upon hearing his voice.

Xander felt happy because he was able to satisfy this perfectionist of a director. Kung masaya ang asawa, masaya rin siya para dito.

"Kumain ka na?" Ang paboritong tanong ni Xander.

Tumango ulit si Noleen habang patuloy sa pagta-type. Xander gently patted her head. Nanlaki ang mata ng babae sa ginawa ng asawa pero pinalampas na lang ito.

She felt his hand gently caress her hair. Nagulat siya nang maupo ito sa sofa at tumabi sa kanya.

"Wife? Can I ask for a reward?"

She was unaware that she gave him another nod as a response.

"Pwede ba kitang halikan?"

Tumango ulit—pero mabilis siyang napatingin sa asawa.

Mas nilapit ni Xander ang sarili sa kanya.

"Lumayo ka nga, Xander!" reklamo niya.

"Hmm," sabi nito.

Naramdaman niya na lang ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg.

"Xander, ano ba?!" Tinulak ni Noleen ang asawa.

Pilyong ngumiti sa kanya si Xander. "Let's make love?"

Napasinghap siya. "Shut up!"

"Noleen . . ." bulong nito sa tainga niya.

Nakagat ni Noleen ang kanyang labi. "Shut up."

"I miss you."

"Shut up."

"Make me," sagot ni Xander habang nakatingin sa labi niya.

"Shut up." Hindi maintindihan ni Noleen pero 'yon lang ang paulit-ulit na lumabas sa bibig niya. Natatakot siya. Pusong bato, Noleen. Pusong bato. Pero ang pusong batong ito, ngayon ay mabilis ang pagtibok.

Isinara ni Xander ang laptop ni Noleen, kaya galit niya itong tiningnan. He just smiled innocently at her, as if telling her he did nothing wrong. He was being playful and she didn't like it, not one bit.

"Nakapasok naman ako, 'di ba? Pwede ba kitang halikan?"

Tumaas ang kilay ni Noleen. "You never asked before."

"Now I'm asking because I want you to kiss me back." Para kasi kay Xander, lahat ng halik ay nakaw niya lang sa asawa. Everything was forced so he wanted her to kiss him back this time.

Yumuko si Xander at inilagay ang noo sa balikat ni Noleen. "Please . . ."

Hindi rin nakatiis si Noleen nang marinig ang nakikiusap na boses ng asawa. Humarap siya rito. Huminga muna siya nang malalim at pabulong na sinabing, "Fine."

The moment she said the word, Xander's head dipped and his lips brushed hers. Inilagay nito ang kamay sa ibabaw ng upuan para mas mapalapit sa kanya.

Utos NiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon