13 ONGOING MISSION

2.5K 65 0
                                    

Xander, what have I done to you?

Ito ang pumasok sa isip ni Noleen nang makita ang kalagayan ng asawa.

Tila binatak ang buhok nito ng maraming kamay, ang labi ay may marka ng lipstick maging ang leeg. Napapikit siya nang makita ang mga kiss mark na nakadikit sa balat nito.

"Xander—" simula ni Noleen.

"I'm tired," sabi nito at pumanhik diretso ng hagdan na hindi man lang tumitingin sa asawa.

"Who was it?" she asked, hindi napigilan ni Noleen ang pagtaas ng boses niya.

"Sheila," bulong ni Xander bago tuluyang isara ang pinto ng kwarto.

Nagpunta si Noleen sa study room at kinuha ang kanyang listahan. Nakakakalahati na siya.

Konting tiis na lang at matatapos na ang lahat ng ongoing relationships ni Alex sa mga babae nito.

Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Xavier Marudo.

"Pa, this is Noleen." Ito ang private number na ibinigay sa kanya.

"Again?" tanong ni Xavier. Buti na lang workaholic ito at pwede niyang makausap kahit kailan niya gusto. Isa pa, sila naman ang nagsabi na if ever she needed help, she could always ask them.

"Yes."

"What's her name?"

"Sheila Carilyo," Noleen said through gritted teeth.

"Okay, Noleen. I'll search for her background."

"Thank you, Pa. I want it as soon as possible," pakiusap niya.

Ibinaba niya na ang tawag at isinandal ang ulo sa upuan.

Ito ang hiningi niyang tulong sa kanilang mga ama—ang kunin isa-isa ang mga background ng mga naging babae ni Alex. Find their weakness, and blackmail them once makipag-break si Xander sa kanila at hindi sila pumapayag.

For the past few weeks, mostly sa mga naging girlfriend ni Xander ay hindi naman nagrereklamo kapag nakikipag-break ito because every time he would enter a relationship, she had instructed him to make rules.

1. Bear in mind that he just came back to make the girl happy before ending the relationship.

2. He can do anything as he pleases including dating other girls while dating the 'one'.

3. If he breaks up the relationship, then it's over.

Kung hindi pumayag ang babae, that was when Noleen would intervene. She would try to comfort the girl and if that was not enough, she would use the information she got from their parents—usually the girl's crimes or her family background—for blackmail.

Xander didn't know na pagkatapos niyang makipag-break sa isang babae at ayaw siyang tantanan nito, Noleen would personally talk to the woman and give comfort. If that wouldn't work, she would threaten them, at kung pagbabantaan man siya pabalik, she would tell them that they wouldn't be able to do that, dahil mas uunahan niya ang mga ito.

Noleen, in this mission, was trying to find the woman who had a vengeful streak—the woman who would retaliate.

Sa huli, ang mga babae ay pumapayag na lubayan ang asawa at nangangakong hindi na manggugulo. She would take their signature and use Xavier and her father's assistants as witnesses.

Power and influence can do anything. Wala na siyang pakialam kung magmukha siyang kontrabida sa sariling kwento . . . para ito sa kanila ni Xander.

Para pasikatin si Xander, she even inquired about an upcoming audition. Kahit na kilala si Noleen, ayaw na ayaw niyang ginagamit ang pangalan at ang kumpanya ng kanyang papa para lang mabilisang sumikat ang asawa. Her pride wouldn't allow it.

Utos NiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon