31 HARSH REALITY

1.6K 36 1
                                    

Cruz made a sound from the back of his throat.

"You're finally awake." A cold voice snapped at him. Hindi niya na kailangan buksan pa ang mga mata para malaman kung sino ang nagsabi n'on. Sa lamig pa lang ng turing sa kanya, kilala niya na. "Ano bang pumasok diyan sa kukote mo at nagpunta ka dito?" naaasar na patuloy ni Noleen.

He slowly opened his eyes and gestured a hand for her to stop. "P-pwedeng sandali lang, Miss. Sandali lang," pakiusap ni Cruz habang nakatingala sa kisame. Hindi siya makapag-isip nang maayos, ang bigat ng pakiramdam niya. Napahawak siya sa ulo dahil sa sandaling pagkirot nito. Nakapa niya ang isang maliit na bukol sa gilid ng kanyang noo. Anak ng? Saan niya naman nakuha 'yon?

Napapikit siya nang mariin dahil sa biglaang pag-ikot ng paligid, but he insisted to sit himself. Nang matagumpay na siyang makaupo sa kama, he slightly bent his right knee para suportahan ang kanang braso. Kinapa niya ulit ang gilid ng kanyang noo. Wincing in pain, he uttered a silent curse.

'Anong kahangalan na naman ang napasok mo, Cruz?' patama niya sa sarili. He was in this hospital to see to Miss Noleen's welfare, nalaman niya kasing nandito ito at nagmadali siyang pumunta. Pero bakit siya ang nakahiga sa kama? Hindi naman sa nagrereklamo siya dahil ang kondisyon ng babae ay malayong-malayo sa inaasahan niya. Nagtataka lang siya kung bakit siya ang nakahiga sa lintik na kama na 'to at malamig ang turing ni Noleen sa kanya.

Ano na naman ba ang nagawa niya?

Nang nawala na ang panandaliang pagkahilo, minulat niya ulit ang singkit na mga mata.

What the?!

Lumantad sa kanya ang buong Primnoetic production na nakasilip mula sa bukas na pinto ng kwarto. Nice. Ang daming audience. Pakiramdam niya ay isa siyang artwork na naka-display sa isang gallery. Pero nang makita niya ang mga mapanuring mata nila, ang mga tinging hindi maganda, binawi 'yon ni Cruz. He now felt like a science experiment gone wrong.

Nakita niyang nakasandal si Noleen sa gilid ng bukas na pinto, her arms folded across her chest. She looked so seriously pissed he needed to swallow the lump of uneasiness in his throat.

"Ah—hi?" 'Yon lang ang naisip na sabihin ng binata sa sitwasyong iyon. Nasulyapan niya ang nahihiya at maliit na pagkaway ni Chelsea sa kanyang direksyon. He reluctantly gave a tiny wave in return.

Noleen flashed him a death glare. "Tumigil ka. Alam mo bang nakakaabala ka na? You don't own this building kaya wala kang karapatang matulog sa loob ng elevator!"

Nakatulog siya? At sa loob ng elevator?

The moment his stomach lurched, he remembered. Oo, nasa loob siya ng elevator at naduduwal dahil sa ginawang pagsisinungaling at dahil na rin sa pag-aalala kay Noleen. And then he suddenly got tired, his eyes slowly drawing shut in exhaustion and he—he what? Collapsed?

"Miss Noleen, nawalan ata siya ng malay—" depensa ng isang malaking boses. He recognized that voice. Ito 'yong tumawag sa kanya sa lobby.

"Stop defending him! Siya ang nagpunta dito, para ano? Manggulo?"

"Hindi 'yon ang intensyon ko—" laban ni Cruz pero napatigil siya nang muling kumirot ang bukol sa noo.

Nakokonsensyang bumaling ang staff sa kanya. "Sir, pasensya ka na, na out of balance ako nang tulungan kitang bumangon kanina. Napalakas ho yata 'yong tama ng ulo nyo do'n sa pinto ng elevator."

The staff had dragged his unconscious body on the way to this room. Kinaladkad siya and it was done on purpose under the director's orders, but the staff wouldn't tell him.

"Serves him right," Noleen cruelly spat.

"Siguro tama ka," mapait na pagsang-ayon ni Cruz. Sa mga oras na ito, gusto niya ulit iumpog ang sarili—sa pader naman—nang matauhan na siya. Paano siya nahulog sa babaeng ganito ang turing sa kanya? Christ! How could he possibly admit that he was half in love with this woman?

Utos NiyaWhere stories live. Discover now