27 NIGHTMARES OF THE PAST

1.9K 44 1
                                    

"I said get out!" ulit ni Noleen. "Paalisin n'yo siya dito! Ayoko siya rito!" sigaw niyang galit na galit at tila ba natataranta na.

Nanlalaki ang mga mata ni Noleen at bahagyang namumula ang mukha. Nahihiya siyang makita ng iba sa ganitong posisyon. Pinilit ni Noleen na bumangon sa kama kanina pero nanghihina siya at nawala sa isip niya ang kumot na nakapulupot sa kanyang hita at mga paa kaya bumagsak siya sa sahig at 'yon ang narinig ni Xander.

Humakbang si Xander ng isang beses papalapit.

She gritted her teeth in anger and frustration. "Ano ba?! Martha!" tawag ni Noleen sa kasambahay sa tabi ni Xander. "Paalisin n'yo na siya dito!" Hinampas niya ang sahig.

She didn't need Xander. This was nothing. Bakit kailangan pang pumasok dito?! Hindi ba sila nakakaintindi?! Kaya nga hindi siya sumasagot sa mga katok nila kanina kasi gusto niyang mapag-isa. Tapos ngayon heto sila at sinisira ang kanyang privacy.

She continued shaking her head in disapproval habang nanlilisik ang mga mata.

Natakot ang mga kasambahay at hinawakan sa braso si Xander. "Sir, tayo na po, Sir."

Kahit nananatiling bakante ang mga mata at hindi pa rin nagsasalita, hindi nagpatinag si Xander. Ipinako ni Xander ang mga paa sa kanyang kinatatayuan. Ang kanyang buong atensyon ay nasa sahig kung saan nakahandusay pa rin ang asawa.

Ngayon, sinusuportahan ni Noleen ang sarili sa pagkakadapa. "This is none of your business! Get out of my room!"

Gamit ang braso, iniangat niya ang sarili pero nandyan na naman ang kirot sa kanyang kalamnan at naging dahilan upang lumabas muli ang isang impit na ungol sa labi niya.

"D-damn it," she hissed. Napayuko siya sa inis at sa sakit. Ayaw na ayaw niyang nakikita siyang ganito ng iba. Bakit kasi kailangang ngayon pa? Bakit kasi babae siya?

"Martha!" pagsusungit ulit ni Noleen.

Binitiwan ng isa sa mga kasambahay ang inaayos na tray sa sahig at tumulong sa mga kasama. Hinahawakan na ng mga ito si Xander at pilit na hinihila ang lalaki papalabas ng kwarto, ngunit wala pa rin itong kibo. Hindi nila ito maikilos.

"Sir, please, maawa na kayo. Tayo na po," mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Martha, alam niya na kung bakit ganito kainit ang ulo ng babaeng amo.

Matalim na tiningnan ni Noleen ang asawa, pero nagulat siya sa kanyang nakita. Doon lang napansin ni Noleen na pinagpapawisan ito at bakante ang mga matang nakatingin sa kanya. He looked as if he was holding his breath.

"X-Xander?" mahinang tawag niya. She shut her eyes when the pain struck her for the nth time. She curled herself like a ball on the floor.

Nang marinig ng lalaki ang pangalan niya mula sa labi ng asawa, parang doon lang siya nagkaroon ng lakas na kumilos at kumibo kahit papaano.

"No." Xander's voice cracked with emotion. Napuno ng panic ang mga mata niya at halos marahas na itinulak ang mga kasambahay na kanina pang pumipigil sa kanya.

"No!" pagtataas ng tinig ni Xander. "Need to get to her . . . fast . . ."

'Tumahimik ka! Kung ayaw mong madamay!'

Muling narinig ni Xander ang boses ng mga lalaki mula sa malayo. "Ako na lang, pakiusap . . . 'wag—"

'Hawakan n'yo siya!'

Parang nagbalik si Xander sa nakaraan. Hindi kwarto ang nakikita niya kundi isang madilim na parte ng siyudad kung saan nakahiga ang asawa niya sa kalsada at humihingi ng tulong sa kanya.

He was dragging himself to her. His movements were slow, his eyes frantic.

"Noleen . . ." usal ni Xander. Lumuhod siya sa harap ng asawa at hinawakan ang braso nitong nakapulupot sa sariling baywang.

Utos NiyaWhere stories live. Discover now