17 NOT AGAIN

2.2K 51 2
                                    

"Sa'ng lupalop ka nanggaling?" tanong ni Xander sa kaibigan. Nawala kasi ito bigla kanina.

"Business call." Nakipag-usap si Cruz sa kaibigang si Senri.

Xander gave him a nod. "Thank you."

"Audition mo? Wala 'yon."

Ngumiti si Xander. Akala ng kaibigan siya ang nginingitian nito, pero nang mapatingin siya sa likod, nakita niya si Noleen na lumabas na naman galing restroom.

Mga babae talaga . . .

"Miss Noleen!" bati ni Cruz pero pinagtaasan lang siya nito ng kilay. Lumaki naman ang ngiti niya sa labi. "Pasado ba ako sa 'yo?" pabiro niyang tanong. Naglalakad na sila ngayon papunta sa parking lot, pauwi.

Kumunot ang noo ni Noleen. "Not bad?" Lumingon ito sa asawa. "Xander, may overlapping of schedules."

Nakita ni Cruz ang galit at lungkot na bumalot kay Xander.

Anong schedules 'yon?

"Ano na naman, Noleen?" Hindi maalis ni Xander ang inis sa boses niya, wala na bang panahon para sabay silang umuwing mag-asawa?

"It's time for your next—"

"I understand," mabilis na sagot ni Xander. Tiningnan niya si Cruz. "Pwede mo bang ihatid si Noleen pauwi?"

"Ano ako, Xander? Bata? Kaya ko umuwi mag-isa." Nakapameywang na depensa ng asawa.

"Bakit saan ka ba pupunta, pare?"

"May business dinner siya. At wala ka na do'n, Cruz," paliwanag ni Noleen na tila may pagbabanta sa tono.

Tumango si Cruz. "Sige, pare, ihahatid ko."

"Aba? Sino nagsabi?" pagtutol ni Noleen.

"Noleen, isa lang ang sasakyang dala natin," paliwanag ni Xander.

"E 'di maglakad ka," pasupladang sagot nito.

"Ayos lang sa 'kin 'yon, pero 'wag mo akong sisihin kung ma-late ako sa business dinner," seryosong sabi ni Xander. Inilabas niya ang susi ng sasakyan at inabot sa asawa.

Hindi ito tinanggap ni Noleen. "Sige na, umalis ka na." Para matapos na kaagad 'yang date na 'yan. "Mag-ko-commute ako," dagdag pa niya.

"No!" mariing pagtutol ni Xander.

Hindi hahayaan ni Xander na mangyari 'yon dahil delikadong mag-commute, lalo na ngayong may nakaraan na sila sa masasamang loob. Mas mapapanatag si Xander kung ang kaibigang si Cruz ang maghahatid. Medyo madilim na rin kasi.

"Miss Noleen, pwede pasingit? Ano bang problema mo at ayaw mo sumabay sa 'kin? Madadaanan ko naman subdivision n'yo pauwi," kunot-noong tanong ni Cruz.

Noleen just folded her arms. "Ayaw ko lang. May problema?"

Dahil ayaw niya lang?

Napangiti si Cruz.

Iba talaga ang babaeng ito. He suddenly heard a gasp. Tiningnan niya kung anong nangyari. Buhat na ni Xander si Noleen.

"Tara na, buksan mo 'yong sasakyan mo, Cruz. Bilis!" utos ni Xander.

"Ano ba, Xander?! Ibaba mo 'ko!" reklamo ni Noleen. Pinagtitinginan na sila ng ibang mga tao sa parking lot.

"Cruz, ano ba, nasaan ba sasakyan mo?" nagmamadaling wika ni Xander na nagpipigil sa pagngiti.

"Xander, nakakahiya ka, ibaba mo 'ko!" pagpupumilit ni Noleen.

"No! Ihahatid ka ni Cruz pauwi." Mas hinigpitan ni Xander ang pagkakahawak sa asawa sabay haplos sa buhok nito. Nagtatago si Noleen sa kwelyo ng damit niya, at mas lumaki ang ngiti sa labi ni Xander.

"Dito," turo ni Cruz sa nakaparadang pulang CRV sabay bukas ng passenger seat.

Inalalayan ni Xander ang ulo ng asawa and gently placed her on the seat.

Noleen gnashed her teeth in frustration. Nakakainis lang. She crossed her arms, sinadya niya 'yon para hindi mailagay ni Xander ang seatbelt.

"Noleen, 'wag ka nang makulit, please?" pakiusap ni Xander.

"Ewan ko sa 'yo!" pagmamaktol niya sabay iwas ng tingin.

Hinawakan ni Xander ang mga braso niya, pero ayaw pa rin itong ayusin ni Noleen.

"Please?"

Hindi pa rin tinitingnan ni Noleen ang asawa at piniling sa driver's seat tumitig kung saan papasakay si Cruz.

Sa inis, hinipo ni Xander ang dibdib ni Noleen at pinisil nang kaunti. Napasinghap si Noleen at mabilis na napatingin sa kanya. Parang nalaglag ang panga nito sa ginawa ng asawa.

"What—?!"

Dali-daling inayos ni Xander ang seatbelt. Once he was done, he gave her a strained smile.

"Ang kapal din ng—"

And a smack on the lips.

"Wife," he whispered.

And another one.

Tumikhim si Cruz. "Tabi-tabi po? May tao rito."

Panandaliang nag-init ang mukha ni Noleen, buti na lang madilim na at hindi ito makikita ng asawa.

"Cruz, drive home safely, kundi patay ka sa 'kin," pagbabanta ni Xander.

Napatingin si Cruz kay Noleen na nakatingin sa windshield. He softly replied, "I know."

Bago tuluyang umalis si Xander at isara ang pinto, nagnakaw ito ng halik sa pisngi ng asawa at bumulong. "I can't get enough of you . . . damn!"

"Nakakailan ka na ah!" pagtataas ng boses ni Noleen. She heard him chuckle before closing the door.

Nanggagalaiti si Noleen sa loob ng sasakyan but at the same time, naiilang siya dahil ang tahimik ni Cruz. Hindi siya sanay.

Kumulo ang tiyan niya, at napahawak siya rito.

"Sa'n tayo?" tanong ni Cruz, bahagyang tumingin sa kanya.

She rolled her eyes. "Duh? Uuwi, 'di ba?"

"Dinner . . . Sa'n tayo kakain ng dinner?" paglilinaw ni Cruz.

"Sa bahay ako kakain."

Napatingin si Cruz sa kanya. "Sigurado ka?"

Napahawak ulit si Noleen sa tiyan niya. "Uhm—" At may biglang sumagi sa isip niya. Naging seryoso ang kanyang mukha, tumingala siya at nagtagpo ang mga mata nila ni Cruz, pero naunang nagbaba ng tingin ang lalaki. "Sa Starcross Hotel Restaurant."

Bahagyang nagulat si Cruz sa mahinang sagot ni Noleen dahil isa iyon sa hotels na pagmamay-ari ng pamilya niya.

"Ang layo n'on. Sa iba na lang."

Pinandilatan siya ni Noleen. "Kung 'di ako do'n kakain, iuwi mo na lang ako."

Napalunok si Cruz sa narinig. Iuwi mo na lang ako.

"Sige na nga," sagot niya.

"Sige ang alin?"

"Kung gusto mo sa hotel na 'yon kumain, do'n tayo pupunta," paliwanag niya.

Ngumiti si Noleen. "Thank you."

Ito ang unang beses na sasadyain ni Noleen na puntahan si Xander sa isa sa mga dinner date nito. Siyempre wala siyang balak magpakita. Papanoorin lang niya ang asawa.

Masokista.

Utos NiyaWhere stories live. Discover now