29 THE NEWS

1.7K 36 1
                                    

Dalawang araw na ang nakalilipas mula nang magsimulang 'di umuwi si Xander sa bahay nila. Kaya heto si Noleen, iritable sa set. Para kasi sa kanya, laging kulang ang scene, laging may mali. Sa init ng kanyang ulo, maraming nadadamay at napagbubuntunan ng galit niya. Malaki ang epekto nito sa mga artistang mahihina ang loob gaya ni Chelsea.

"Chelsea, give us a break, will you? Ang scene mo na lang ang problema natin. Hindi tayo makakauwi nang maaga hanggat 'di ka umiiyak. Hindi ko gusto ang pagtulo ng luha mo. Ano ba 'yan? Ang plastik tingnan!" pagtataas ng boses ni Noleen.

All of a sudden, an amused voice was heard. "Pati anggulo ng pagtulo ng luha, gusto mo perpekto?"

Napatingin silang lahat sa bukas na pinto ng kwarto at binati sila ng malaking ngiti ng isang lalaking may singkit na mga mata at para bang nawiwili sa mga pangyayari. Nakasuot siya ng isang business suit at kasalukuyang niluluwagan ang suot na necktie. Sa laid-back attitude na pinapakita nito, walang makakaisip na siya ang may-ari ng buong hotel kung saan sila nag-shu-shoot ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?" pagtataray ni Noleen habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa hawak na script.

Hindi niya na kailangan pang tingnan ang dumating na lalaki. Sa masayahing boses pa lang nito ay kilalang-kilala niya na si Cruz. Isa pa, napansin niya ang pamumula ng ilang babae sa loob ng kwarto.

If only her husband was here, walang makikita ang mga ito kundi si Xander lang.

Ngumiti muna si Cruz sa mga taong napatingin sa kanya bago tuluyang pumasok sa kwarto at lumapit kay Noleen. He acknowledged the rest of the cast by nodding his head in a respectable manner. Pagkatapos ay ibinaling niyang muli ang mga mata sa direktor at mahinang bumulong sa tainga nito. "Bumibisita."

"'Wag kang abala, do'n ka sa gilid." Ignoring him, nilapag ni Noleen ang mga hawak na papel at itinuon ang atensyon kay Chelsea. "Isa pang take, Chelsea. Iiyak ka lang, 'yon lang. Okay?"

Napalunok ang dalaga sa nerbyos at tumango.

"Good. Stand by on set!"

Muling sumeryoso ang mga tao sa buong kwarto at hinanda na nila ang kanilang mga sarili.

Si Cruz naman, nanatiling nakatayo sa tabi ni Noleen. Napapitlag siya nang bigla siyang siniko ni Noleen para tumabi.

"Tsk, ano ba? Huwag kang haharang diyan!" wika ni Noleen. "Okay, roll it!"

Nanghihinang naupo si Chelsea sa kama, ang kanang kamay niya ay nakatakip sa kanyang bibig habang ang kaliwa ay nakayakap sa kanyang sarili. Mula sa background, maririnig ang boses ng isa pang artistang lalaki na tinatawag siya.

"Lyn! Buksan mo ang pinto!"

Umiling-iling si Chelsea at nagsimulang umagos ang luha sa mga mata niya.

"Lyn, anak, ano bang ginawa sa 'yo ni Leo?"

Humigpit ang pagkakayakap ni Chelsea sa kanyang sikmura, she broke into a sob. "D-Daddy."

Pinanood ni Noleen ang ilan pang segundong lumipas at kahit papaano'y nakikita niya ang improvement sa scene. Kanina kasi hindi niya maramdaman ang hinagpis sa character ni Chelsea. Napaka-artificial ng mga luha nito nang malaman nitong gustong ipalaglag ang batang dinadala.

"I want him, Daddy. I want him!" pagsusumamo ni Chelsea habang patuloy na umiiyak. She clutched the bedsheet, looking desperate and miserable. "But he won't have me! Oh God, Daddy, ano bang dapat gawin ko?"

"Open this door, Lyn, and we will talk," mahinahong tugon ng matandang aktor mula sa kabila. Nagkaroon pa ng ilang palitan ng dialogues.

Nanatili ang miserableng ekspresyon sa mukha ni Chelsea, she even said her lines with emphasis and conviction on some parts which Noleen silently approved of.

Utos NiyaWhere stories live. Discover now