34 DARK PAST

1.7K 34 1
                                    

Tuesday, sa Starcross Hotel Lobby.

Inihiwalay ni Kristian ang sarili sa mga kasama at pinanood ang mga pangyayari mula sa kanyang kinasasandalan.

Kapansin-pansin ang nagkalat na production team sa lobby habang hinihintay ang direktor. Sa halos isang buwan ng binata sa trabaho, naiintindihan niya ang pagkalito sa itsura ng mga ito. Ni minsan hindi pa nahuli sa trabaho si Miss Noleen Castillo.

"JB, na-contact mo na ba si Miss?" pangatlong ulit na tanong ni Chelsea na kasalukuyang inaayusan ng kanyang makeup artist.

Umiling ang stage manager. Wala nang cellphone ang direktor. "I already asked someone to go to her room. Hindi pa sila bumabalik." Sinapo nito ang noo at ibinalik ang telepono sa tainga. "Nasa'n na ba kayo? Ha? Naligaw? Anong 415 Deluxe—room 515 Superior."

Napatingin ang binata sa relo, 9:28 na. Alas-syete pa lang ay nasa hotel na ang crew, lalo na ang nakatakda sa logistics tulad niya. Halos handa na ang lahat para sa shooting, ngunit hangga't wala ang direktor, hindi sila makapagsisimula.

"I-practice mo na lang muna ang lines mo, Chelsea," suggested Michelle, the assistant director.

"Without Xander, I don't think I can do it," sagot naman ng dalaga.

"Don't worry, we're only making minor scenes. Wala namang appearance si Leo because we have skipped some parts of the script. It's a good thing inuna nating tapusin 'yong ibang acts with Sir Xander bago siya nagbakasyon. Some of the highlights of the movie like 'yong bed scene and 'yong engagement only needs some editing so wala na masyadong problema," Michelle assured.

JB agreed. "Ni-reschedule namin ang shooting sa ospital na hindi naayos last time. Today we're going to do the first act which requires the use of the hotel's function hall. Hinihintay na tayo ng set designer at ng iba pang crew sa right wing." Napatingin si JB sa direksyon ni Kristian. "Hoy, Kristian, what are you still doing here? Bakit hindi mo tulungan ang iba—"

Mahinahong umalis sa pagkakasandal si Kristian at tuwid na tumayo sa harapan nila. "I will only take orders from Miss Noleen Castillo." Ito ang inutos ng direktor sa kanya dahil sa kaguluhang nangyari noong nakaraang linggo.

Isang malakas na pagsinghap mula kay Chelsea ang nagpabaling sa ulo ni Kristian sa lokasyon ng hagdan. Pagkatapos ng tunog na iyon, isang nakabibinging katahimikan ang nanaig sa lobby.

Halos lahat ng tao ay tumigil sa kanilang ginagawa at napatingin. Nalaglag ang panga ng ilan sa production team. Napatakip naman ng bibig si Chelsea.

Ang senaryong iyon ang naabutan ni Cruz.

"Anong tinitingin-tingin n'yo diyan?" nakataas ang kilay na tanong ni Miss Noleen Castillo, her gloved hand was delicately sliding down the balustrade as she descended the stairs.

Cruz caught his breath at the splendid sight of her. He couldn't take his eyes off her, kahit sino, 'yon din siguro ang nararamdaman. Sino ba namang hindi?

The director was wearing a wedding gown! At tila wala itong alam sa ginawa sa sarili. Her hair was unkempt and still wet from the bath. Her face was pale and without makeup. She looked like a mad bride.

From the looks of it, she looked like she was wearing the same wedding gown she wore for her wedding. But the expensive gown was a bit loose on her dahil malaki ang ipinayat nito. This must be the reason why Xander was very adamant on feeding her.

Nagsimulang lumapit si Cruz. He took one step at a time, his heart painfully pounding against his chest. He clenched and unclenched his hands on the sides, swallowing the anger he was beginning to feel at the very image of her.

Utos NiyaWhere stories live. Discover now