07 TORMENTING NIGHT

5.2K 77 5
                                    

Xander's breath was caught in his throat. Instead of feeling guilty, he felt mad as hell dahil hindi niya naipagpatuloy ang nasimulan.

Ang gago mo, Xander.

Binagsak niya ang pinto at naupo sa sahig.

Damn this. Damn you, Noleen.

Pakiramdam ni Xander ay pinarurusahan siya. Just behind this door was the woman he loved since the moment he had laid his eyes on her. But he couldn't have her. Even in death, his brother's domineering presence lingered. Dapat sinabi niya na kay Noleen ang lahat kanina pa, pero ngayon nanghihina na siya, and he was suffering from a dark mood.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang isa sa kanyang mga kaibigan. Si Cruz na naging kaklase niya sa Canada. Matagal na itong nagbalik sa Pilipinas para naman sa isang business deal. Kailangan niyang mapigilan ang sarili at malayo kay Noleen. Hindi niya na kaya.

"H-hello?" Inaantok na sagot ng lalaki sa kabilang linya.

"Pumunta ka sa Vilheights Subdivision. 'Yong pangatlong bahay mula sa entrance. Left side," mahinang niyang sabi, his voice was still husky so he sounded weird.

Shit.

"Xander? Ba't ganyan boses mo?" nagtatakang tanong nito.

"Yeah," he managed to reply.

"Ulol! Ang kapal ng mukha mo. Pupunta ako diyan dis-oras ng gabi? Ano ka, chicks?!"

"Cruz, I need your help."

"Say p—"

"Please." This must be the first time his friend heard him beg like this para matigilan ang nasa kabilang linya.

"I'll come over," his friend replied now sounding worried.

"Salamat."

Pinutol niya na ang tawag. Tumingala siya at isinandal ang ulo sa pinto.

"Alex?" narinig niyang tawag ni Noleen mula sa loob ng kwarto.

I'm not him.

Kumatok ito. "Alex? May problema ba?"

Oo. Hindi siya ako, Noleen.

"Nag-aalala ako sa 'yo, Alex. Mag-asawa na tayo, pero bakit ganito? Ayaw mo sa 'kin?"

That's the problem . . . I want you so bad, it hurts.

Hinawakan ni Xander ang pinto. Nasa kabilang dako nito ang babaeng mahal niya, ang babaeng hindi dapat para sa kanya.

Pinihit nito ang doorknob, pero tumayo si Xander at 'di hamak na mas malakas siya kaya napigilan niya ito.

"Alex! Anong problema mo?! Galit ka pa rin sa 'kin dahil sa baby?"

"Oo, Noleen, kaya huwag mo muna akong kausapin ngayon!" Tinigasan niya ang boses habang sumisigaw.

Tumigil ang pag-ikot ng doorknob sa kamay niya. Sa isang salita . . . sa galit ni Alex . . . napapahinto si Noleen.

Makalipas ang maraming minuto, tumunog ang doorbell at bumaba si Xander para pagbuksan ng pinto ang kaibigan.

"Cruz at your ser—" Nakita ni Xander ang panlalaki ng mata ng kaibigan. Cruz was not prepared to see this. Xander's face was red and he was sweating a lot. "Anong nangyari sa 'yo?"

"It's a long story."

Tiningnan ni Cruz ang kaibigan mula ulo hanggang paa—hindi pala. Huminto ito sa gitna at natatawang binalik ang mga mata sa kanya.

Utos NiyaWhere stories live. Discover now