15 YOU DON'T KNOW

2.4K 56 5
                                    

"Ang galing niyang umarte, 'no?"

Nanlaki ang mga mata ni Jess sa narinig.

"Na-enjoy mo ba?" dagdag pa ni Noleen na may halong panunuya.

Totoong namangha si Noleen sa reaksyon ni Xander matapos itong itulak ni Cruz. He looked as if he was truly enjoying himself, grinning like he had no care in the world . . . like Alex. Pero maliban do'n, gustong pagmukhain ni Noleen na sinadya ni Xander ang lahat ng pangyayari, na ginamit lamang nito ang babae.

Ngayong malapit na si Noleen sa babae, nakilala niya ang dalaga bilang isa sa 'girlfriends' ni Xander.

"W-what?" Jess stammered. Tumingin ito sa lalaki na kasalukuyang hindi pa rin maalis ang mga mata kay Noleen.

Hindi alam ni Xander kung ano na naman ang plano ng asawa, pero dahil kailangang manatili ang kanyang maskara, sumagot siya habang sarkastikong nakangiti. "Game over?"

Nanlilisik ang mga matang sinugod siya ng dalaga.

"Walang hiya ka! Pinaasa mo 'ko! 'I don't need you— I want you' shit. Liar!"

"Ano? Pasado ba siya sa 'yo?" pang-aasar pa ng manager, nakangiti sa harap ni Xander.

Gusto niyang gatungan ang galit ng babae rito. Hindi niya pwedeng maipakita ang selos. Kung kaya't sa ganitong paraan na lang . . . sa paraan na parehong ang walangyang babae at si Xander ang masasaktan.

Malakas na sinampal ni Jess si Xander sa pisngi. Umalingawngaw ang tunog nito sa hallway.

Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ni Noleen. She could see Xander's profile. Nawala sandali ang ngiti niya nang makitang bumakat ang kamay ng babae.

You hit him too hard! May audition pa ang asawa ko!

"I already told Senri I WON'T COME! I hope you lose, Xander. If they would ask me, you already failed!" Jess cried before walking out.

Kahit maloko siyang tao, ang ayaw ni Cruz sa lahat ay ang sinasaktan ang mga babae

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kahit maloko siyang tao, ang ayaw ni Cruz sa lahat ay ang sinasaktan ang mga babae. Sa lahat ng naging kaibigan, hindi inaasahan ni Cruz na si Xander ang gagawa nito. Malaki ang pinagbago ng kaibigan mula nang nagkita sila sa Pilipinas. Hindi pala siya nagkakamali sa lalaking nakita niya kasama ang isang babae sa restaurant no'ng isang linggo. Naulit pa ito kasama ang ibang babae naman.

Anong nangyayari kay Xander?

Bakit ginagago niya si Noleen?

Ibinaling niya ang atensyon kay Noleen. His protective instincts had taken over and he didn't know why. Wala naman sa itsura ni Noleen na nasasaktan ito habang pinapanood ang asawa, pero umakma siyang lalapit sa kaibigan. Pinigilan siya nito at sinabing, 'hayaan mo siya.'

At nang narinig ni Cruz ang boses nito, alam niyang kahit gano'n, mayroon itong tinatago dahil gawain niya na rin 'yon noon pa man.

Ang hindi umimik . . . kahit nasasaktan.

Utos NiyaWhere stories live. Discover now