22 THE PREPARATION

2K 49 0
                                    

Akala niya si Xander ang tinitilian ng mga babae. Hindi pala.

Nagpatuloy pa rin ang hiyawan at sigawan ng mga kababaihan sa pwesto kung saan napansin ni Noleen na nagkukumpulan ang mga tao kanina. Do'n niya rin nasinagan ang mga camera ng media men. Mukhang mayroong event sa Centrex Mall. Dapat sila ang center of attention. Bakit gano'n? This couldn't be happening!

"Excuse me!" Walang pakialam si Noleen kung may nasaktan siya sa pagsagi niya sa mga babaeng nakaharang sa dinadaanan. Iniwan niya si Xander at dali-daling pumunta sa pinagkukumpulan ng mga tao. Kailangan niyang malapitan ang tinitilian at pinipilahan ng mga babae na si Kurt Cameron. Period.

"Aray!"

"Ano ba?!"

"Hoy pumila ka nga! Ang sikip na nga e."

"Ouch."

"Ang bastos kitang may ta—" Napasinghap ang babae sa gilid niya. "Humigad! Si Miss Noleen Castillo! Sorry po! Sorry po!"

Itinaas niya ang kamay at tumango para patigilin ito. Kahit 'yong iba ay hindi siya kilala, nagsitabi ang mga ito dahil sobrang ganda niya.

Dapat lang. Perfect siya e.

Lumapit siya sa lamesa kung saan pumipirma si Kurt ng mga poster.

"Kurt Cameron, Noleen Castillo from Tales TV Station," pormal na pakilala ni Noleen.

Iniangat ng aktor ang ulo at kumurba ang labi nito nang makita siya. A friendly smile reserved for his fans.

"Miss? You're here for my autograph signing?"

"Parang gano'n na nga," kalmadong sagot ni Noleen.

Kumunot ang noo ng aktor. "Miss, where would I sign—"

"Wala akong dala," mabilis na sagot ni Noleen. Isinandal ni Noleen ang mga kamay sa lamesa at inilapit ang mukha sa lalaki.

Hindi naman ito nagulat sa ginawa niya, sa halip, hinawakan nito ang kamay niya at do'n nagsimulang pumirma. Mabilis na binawi ito ni Noleen.

"Halik mo. 'Yon ang gusto kong autograph galing sa 'yo," paghahamon ni Noleen.

Tingnan natin kung papatulan ng aktor na 'to.

"Gusto ko rito," tinuro ni Noleen ang labi at pilyang ngumiti.

Pero tulad ng inaasahan niya, napabalikwas sa pagkakaupo si Kurt Cameron. He looked so dumbfounded she wanted to laugh.

Good job, Noleen, bati niya sa sarili dahil alam niyang hindi nito magagawa ang halikan siya dahil may asawa na ito. And reports said that he refused to kiss anyone that wasn't his wife. Kahit sa sikat na movie nitong Starfire, he had his wife dressed up as the heroine, and filmed the kissing scene with her.

Naisip ni Noleen, kung hindi kaya ni Kurt na halikan siya as someone na nanghihingi ng autograph, pwes, ang asawa niya ang gagawa. At ito ang iuutos niya.

Patagong sinilip ni Noleen ang mga press people na nakapaligid.

Ihanda n'yo na ang mga camera n'yo at panoorin si Xander Marudo.

Kahit madurog pa ang puso ko, ayos lang. Nakahanda na ako. Sisikat ka, Xander, at magiging masaya na tayo. Mapapatawad na tayo ni Alex. Aagawin natin ang eksena sa araw na ito. Tama ba, Xander?

Lumingon si Noleen sa likod at nando'n nga ang asawa niya. Malayo ito nang kaunti dahil sa mga babaeng nakaharang pero alam niyang nakatingin ito sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagkalito at pag-aalala.

Utos NiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon