Kabanata 4

794K 22.1K 18K
                                    


#JustTheStrings

Kabanata 4

Hinahanda ko na 'yung mga gagamitin ko sa school nung makarinig ako ng katok sa pintuan. Tumayo muna ako at saka binuksan iyon.

"Bakit, Kuya?" tanong ko.

"5 am 'yung training namin bukas so I can't drive you to school. Pahatid ka na lang kay Manong, okay?" he said kaya tumango ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sobrang protective ni Kuya sa akin. Parang pakiramdam niya kailangan akong bantayan sa bawat kilos ko.

"Hindi mo naman ako kailangan ihatid araw-araw," sabi ko.

"I don't need to but I want to," sabi niya at saka ginulo na naman ang buhok ko.

"Thank you, Kuya," sagot ko ng naka-ngiti. Sobrang swerte ko sa Kuya ko. Nakikita ko kasi na 'yung ibang magkakapatid, hindi magkakasundo. Pero kami ni Kuya, okay na okay. Siguro din kasi bata pa lang kami, palagi na sa aming sinasabi ni Papa na dapat okay kami palagi dahil pamilya kami.

"Baliw. Syempre kapatid kita." Pumasok siya at saka umupo sa kama. "Akala ko high school lang ang excited mag-ayos ng gamit. Para ka talagang bata," sabi niya habang tinitignan iyong mga school supplies ko na nakalatag sa kama.

"Gusto ko lang maayos lahat."

"Sabihin mo OC ka lang. At saka GC," sabi niya.

"At least wala akong bagsak," sagot ko kasi nung first year niya, bumagsak siya sa Math. Nagalit si Mama sa kanya nun kaya muntik na siyang sabihan na magwithdraw sa soccer. Mabuti na lang kinausap ni Papa si Mama. Feeling ko kasi mababaliw si Kuya kung papatigilin siya sa soccer.

"Tss. Nag-aadjust pa kasi ako," pagtatanggol niya sa sarili niya. "At saka 'di kasi ako GC kagaya mo."

I snickered at him. "Pinapasakit mo ulo lagi ni Mama."

Tumayo na si Kuya sa kama. "Minsan lang naman," sabi niya. "Sige na, good night. Tulog ka na rin."

"Matutulog ka na talaga?"

Tumango siya. "Bakit?"

"Hindi ka tumatakas palabas ng bahay?"

"Bakit naman ako tatakas?" tanong niya.

"Baka may girlfriend ka... Wala talaga, Kuya?"

"Wala akong oras 'dun," sagot niya.

"Bakit naman?" tanong ko. Gusto ko rin kasi na may mag-aalaga kay Kuya at saka magpapangiti. Tsaka ang bait kaya ng Kuya ko. Sobrang swerte ng babae na mamahalin niya.

"May school, soccer, family. Ah, basta. Wala pa sa isip ko," sabi niya. "Sige na, good night na talaga."

Nagsimula na siyang maglakad pero sinigawan ko siya bago pa siya makalabas sa kwarto ko.

"Hindi ka bading, Kuya?"

"Gwapo kong bading!"

"'Yun na kaya uso ngayon!"

"Tulog na!" Narinig ko siyang bumulong. "Gago talagang Benj 'yun. Kung anu-ano tinuturo sa kapatid ko."

Napangiti na lang ako. Itinuloy ko na 'yung pag-aayos ko ng gamit at saka pumunta na rin ako sa walk-in closet ko para mamili ng isusuot ko. Gusto ko kasi maayos na lahat bukas. Ayoko kasi ng natataranta at nagugulat dahil madalas, magkakamali ako kapag ganun.

Siguro nga tama si Kuya. OC at GC nga siguro ako. Pero wala naman sigurong masama 'dun.

Maaga akong nagising. Nag-ayos na ako at nung pagbaba ko, nakahanda na 'yung breakfast.

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now